Dingdong Dantes says Marian is giving birth “maybe in a few weeks.”

PHOTOS: Anna Pingol & @marianrivera on Instagram

PHOTOS: Anna Pingol & @marianrivera on Instagram

Wala raw Holy Week vacation na plinano ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang bibang-bibang anak nilang si Zia this year. Nakaugalian na kasi ng Dantes family na mag-spend ng summer out of the country or out of town pero mababali ang tradisyon this time. Pero okey lang daw ’yon dahil baka raw any moment ay iluwal na ni Marian ang baby boy nila. 

Matatandaang never sinabi ng mag-asawa kung kailan eksaktong nagbuntis si Marian kaya pahulaan kung kailan ito manganganak. Pero ayon kay Dong—na naka-tsika sandali ng pikapika.ph at iba pang members of entertainment media sa grand launch niya bilang first brand ambassador ng Persian Avenue sa SM North EDSA Annex, Quezon City last Friday (March 8)—ay “maybe in a few weeks” ang timeline ng panganganak ng maganda niyang misis.

Ayaw pang i-reveal ni Dong ang mga pinagpipilian nilang names ng kanilang incoming baby boy. Dalawa raw ang kumbaga ay sure na pero kanila nalang muna daw ’yon. Hindi pa rin daw nila napa-plano kung paano nila i-a-announce pero malamang ay ipo-produksyon ito nang bongga gaya ng iba pang mga entries nila sa kanilang family YouTube Channel.

Dong can’t seem to find a word to describe his feelings now that he’s anticipating a baby boy. “Hindi ko masabi na mas excited kesa dati. Kasi iba din ’yong dati, e,” matipid na sagot ni Dong. “Basta iba din. Parang pareho lang…pero iba din.”

When asked kung kuntento na ba sila sa pares na anak na babae at lalaki, ay “kung ilan ang ibigay [ng Diyos],” ang sagot ni Dong. “Hindi natin masabi, e.”

Meantime, excited na rin daw si Baby Zia, who is now 3 years old, na maging ate. And speaking of Zia, aminado si Dong na maski siya ay naa-amaze sa pagka-biba ng anak. Nasa inquisitive stage na raw ito at matiyaga naman daw silang mag-asawang magpaliwanag. Ibinahagi ni Dong na isa sa huli nitong itinanong ay kung bakit may pa-rosary prayer sila para kay Marian na ongoing at press time,

Nag-organize daw kasi sila ng nine-day novena para kay Marian for her safe delivery and in-explain nila ito kay Zia. “Naku-curious siya kung bakit…ano ’yong ginagawa namin. Sabi namin, it’s prayer, we’re praying the rosary….and then bakit kailangang gawin ’yon. 

‘“So, pinapaliwanag namin. So, nandoon ’yong curiosity niya para makinig at naiintindihan na niya kung ano ’yong kahalagahan ng mga gano’ng klaseng bagay. So, nakakatuwa na nandoon na siya sa stage na ’yon.”

“Pero more than knowing other things, siguro it’s best to keep her grounded and malaman talaga niya ’yong kanyang religion before anything else.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.