Dingdong Dantes, suwabeng naipahatid ang suporta kay VP Leni through a Mother’s Day tribute video

Bago pa lumabas ang kanyang Mother’s Day video tribute, nauna nang nag-release ng official statement of support ang advocacy group ni Dingdong Dantes na YesPinoy Foundation para sa kandidatura ng Leni-Kiko tandem. Ang advocacy group, na nagsimula pa noong taong 2019, ay founded by the actor himself at siya rin ang tumatayong chairman nito. The statement, in part, reads: “YPF believes that among all the candidates for Presidency, VP LENI ROBREDO is the true embodiment of our core principles, causes and hopes for the future. We strongly believe that the leadership of Leni Robredo is what the country needs right now.  ‘We believe that this nation especially our children, families, and communities deserve a leader like Leni Robredo.”

Photos: @dongdantes

Bago pa lumabas ang kanyang Mother’s Day video tribute, nauna nang nag-release ng official statement of support ang advocacy group ni Dingdong Dantes na YesPinoy Foundation para sa kandidatura ng Leni-Kiko tandem. Ang advocacy group, na nagsimula pa noong taong 2019, ay founded by the actor himself at siya rin ang tumatayong chairman nito. The statement, in part, reads: “YPF believes that among all the candidates for Presidency, VP LENI ROBREDO is the true embodiment of our core principles, causes and hopes for the future. We strongly believe that the leadership of Leni Robredo is what the country needs right now. ‘We believe that this nation especially our children, families, and communities deserve a leader like Leni Robredo.”

Kumpara sa mga nakaraang dalawang national elections, tahimik ngayon ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes pagdating sa usapin ng pulitika at sa kandidatong ine-endorso niya.

May mga haka-hakang maaaring may kinalaman sa ilang kontrata niya, lalo na sa mga endorsements, kung kaya’t hindi siya maka-pronta ngayon sa pangangampanya katulad ng ibang mga local celebrities.

May mga kumpanya at brands kasing ayaw ma-associate sa politics at ini-stipulate nila ito sa kontrata ng kanilang mga endorsers. Maaring ganito ang nangyari, hindi lang kay Dong, kundi sa kanilang mag-asawa na kilala sa showbiz as the DongYan couple. Tali ang kanilang kamay.

Tila nasa ganitong estado rin ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at maging ang AshMatt couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Hanggang ngayon kasi, na dalawang araw na lamang ang nalalabi at election na, ay wala pa rin itong binibitiwang pangalan ng kandidato na kanyang susuportahan bagama’t alam naman sa showbiz na malapit siya sa tumatakbong presidente na si VP Leni Robredo na masigasig niyang ikinampanya sa pagka-bise president noon.

Pero sa ilang kaparaanang “subtle” o disimulado ay tila nakagawa naman ng paraan ang aktor na mai-endorso ang kandidatong nasa puso niya na hindi siya malalagay sa kompromiso.

He’s able to work his way around it, kumbaga.

Nasisilip at nababasa naman ng mga netizens ang mga tagong mensaheng ibinabato niya here and there. And these messages, kahit “pabulong” ay waring nagre-reverberate at nagiging sigaw ng declaration ng isa siyang Kakampink.

Isa sa pamamaraang ito ay ang masigasig niyang pagla-like o pagpu-puso sa mga posts ng mga Kakampink celebrities.

At kung pakikinggan ang mga naging pahayag niya sa pag-ge-guest niya sa podcast ng Kakampink na si Bianca Gonzalez, ukol sa mga katangian ng isang lider na karapat-dapat maging president, madaling naikonek kay VP Leni Robredo ng mga supporters nito ang mga katangiang nabanggit ni Dong, lalo na pagdating sa maganda at malinis na track record.

Napapansin din ng ilang netizens ang tila nadadalas na pagsusuot nila ni Marian ng kulay rosas o pink—na kilalang campaign color nina VP Leni at Senator Kiko Pangilinan.

Just recently ay naglabas din ng support statement for VP Leni ang malawak at kilalang fans club ng mag-asawang Dantes, ang Official Dongyanatics.

Ayon sa mga miyembro nito, nag-research daw sila at base sa kanilang discernment, sina VP Leni at Sen. Kiko ang susuportahan nila dahil sila umano ang lumabas na may competence, integrity, compassion, at reliability na hanap nila sa isang lider. Bonus pa umano na nai-inspire ng tandem na ito ang mga tao na maging kagaya nila.

Kapansin-pansin ang pagla-like nina Dingdong at Marian sa post na ito ng @thedongyanatics sa Instagram.

Sumunod dito— at masasabing major sign para masabing isa ngang Kakampink si Dingdong—ay ang official statement of support na inilabas ng kanyang advocacy group na YesPinoy Foundation para sa kandidatura ng Leni-Kiko tandem.

Ang advocacy group, na nagsimula pa noong taong 2019, ay founded by the actor himself, si Dingdong, at siya rin ang tumatayong chairman nito.

Narito ang kabuuang statement of support ng YPF: 

“Since 2009, the YesPinoy Foundation has strongly advocated for responsible citizen participation and volunteerism. Partnerships and collaboration allowed us to empower more than 4 million Filipinos, and help families of daily minimum wage earners and frontliners.

“In the face of a pivotal election amid a pandemic, we believe that as an active part of the civil society, it is our duty to make a stand and voice our support to candidates who represent our values, beliefs, and aspirations. 

“It is our responsibility to ensure that the next administration will harness the power of the non-government sector and strengthen its role in nation building.

“Kaya ang lider na aming napiling suportahan ay MAY NAGAWA NA AT MAY MAGAGAWA PA sa pamamagitan nang MAAYOS AT WALANG BAHID NG KORAPSYON na pamumuno. Nakasama natin siya sa mga programang nagbigay importansya sa mga kabataan, sa mga mobilasasyon para makatulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 at nasalanta ng kalamidad, at sa mga pagkilos para sa klima at disaster.

“Siya ay nagpunla ng PAGASA na sa kabila ng hirap na dulot ng pandemya, AANGAT ANG BUHAY NG LAHAT. 

“Sa kabila ng krisis, magkakaroon ang taumbayan ng MARANGAL NA TRABAHO para maiahon ang ating mga pamilya.

“Ang ating napiling lider ay nagpakita ng SIPAG, TAPANG, TALINO at KAKAYAHAN na nagsibol nang malawakang bolunterismo, at matinding pagmamahal para sa bayan.

“With this, YPF believes that among all the candidates for Presidency, VP LENI ROBREDO is the true embodiment of our core principles, causes and hopes for the future. We strongly believe that the leadership of Leni Robredo is what the country needs right now. We believe that this nation especially our children, families, and communities deserve a leader like Leni Robredo.”

At ang pinakahuli at masasabing pinaka-bonggang hakbang ni Dong—na tila mas nagbigay-linaw sa mga netizens, partikular sa mga nag-aabang na Kakampinks—ay ang paglalabas niya ng isang short Mother’s Day tribute video kagabi, May 5, sa kanyang social media accounts, particular na sa kanyang Instagram.

Sa pamamagitan ng isang emosyonal na tribute niya sa mga Nanay ngayong paparating na Mother’s Day—particular na siyempre sa ina ng kanyang dalawang anak na si Marian—ay suwabe niya ring naipahiwatig na isang ina ang kanyang iboboto sa Lunes, May 9.

“Sa inyo po ang aking pagpupugay. Ang aking paghanga, ang aking serbisyo, ang aking boto,” aniya sa video without naming names.

Sa naturang video din ay tinawag niyang mga mga “miracle workers” ang mga ina dahil sa kanilang abilidad na pagkasyahin ang maliit na budget.

“Pagkaing isusubo na lang, ibibigay pa sa mga anak niya,” aniya.

“Inspirasyon namin siya para patuloy na maging mabuti at gumawa ng mabuti. Kaya buung-buo kong itataya sa pangangalaga niya ang mga pangarap ko para sa aking mga anak, para sa aming pamilya,” paliwanag pa ni Dingdong.

S’wabe ring naipasok ni Dong ang mga key words na associated kay VP Leni, gaya ng ibang klase umanong magmahal ang mga nanay dahil “radikal.” At prayoridad umano ng mga nanay na “umangat ang buhay” ng mga mahal nito.

Inulan ng masasayang comments ang Instagram post na ito ni Dingdong at ilan sa mga ito ay galing sa mga artistang kilalang Kakampinks gaya nina Bianca Gonzalez, Rochelle Pangilinan, Agot Isidro,

Pokwang, Ogie Alcasid, at marami pang iba.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.