Never pa palang nakasama ni Dingdong Dantes sa anumang acting project ang revered actor-director na si Eddie Garcia na sa kasamaang-palad ay nakaratay ngayon sa ICU ng Makati Medical Center sanhi ng aksidenteng kinasangkutan nito last Saturday, June 8.
Ayon sa StarStruck host, nasa bucket list niya ito at matagal na niyang pangarap talaga na maranasang maka-trabaho si Manoy na iniidolo ng maraming artistang gaya niya.
“Maraming pagkakataon na pinag-uusapan namin...na ni-request ko na sana makasama ko s’ya,” pahayag ni Dingdong. “And ah, hindi ko pa rin bibitawan ‘yong pangarap kong ‘yon na sana balang araw maka-trabaho ko s’ya.”
Gaya ng nakararami sa showbiz, lungkot na lungkot daw siya sa nangyari sa iconic actor.
“S’yempre nakakalungkot diba dahil wala naman may gusto na mangyari sa kanya ‘yon. So ako wala akong ibang gusto kung hindi sana maka-recover s’ya agad.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Kumalat na video ng pagkadapa ni Eddie Garcia, rerebyuhin ng GMA-7