Direk Erik Matti, #bothered sa pagiging #unbothered ni Toni Gonzaga

Isa si Direk Erik Matti sa mga hindi naging kumportable, hindi lang sa desisyon ni Toni Gonzaga na suportahan ang nakababatang Marcos kundi pati sa mga actuations niya hinggil dito. Sang-ayon naman daw siya sa pagsusulong ng karapatan ng bawat isa na magkaroon ng sarili n’yang political beliefs at suportahan ang kanyang kandidatong napupusuan.  Pero ibang usapan na daw kapag ang napiling suportahan ay isang leader na may bahid ng dugo sa kanyang mga kamay. Ginawa pa niyang analogy ang Nazi leader na si Adolf Hilter noong panahon ng World War II.  “But when Hitler runs for office after slaughtering millions of Jews and you still support his bid, the least you can do is acknowledge all the blood he has spilled and with integrity, stick to your own crazy misplaced loyalty in private or in silence.”

PHOTOS: @erikmatti on Facebook

Isa si Direk Erik Matti sa mga hindi naging kumportable, hindi lang sa desisyon ni Toni Gonzaga na suportahan ang nakababatang Marcos kundi pati sa mga actuations niya hinggil dito. Sang-ayon naman daw siya sa pagsusulong ng karapatan ng bawat isa na magkaroon ng sarili n’yang political beliefs at suportahan ang kanyang kandidatong napupusuan. Pero ibang usapan na daw kapag ang napiling suportahan ay isang leader na may bahid ng dugo sa kanyang mga kamay. Ginawa pa niyang analogy ang Nazi leader na si Adolf Hilter noong panahon ng World War II. “But when Hitler runs for office after slaughtering millions of Jews and you still support his bid, the least you can do is acknowledge all the blood he has spilled and with integrity, stick to your own crazy misplaced loyalty in private or in silence.”

Nagbigay ng kanyang saloobin ang multi-awarded director na si Erik Matti hinggil sa maiinit na usapin ngayon online na pagsuporta ng aktres na si Toni Gonzaga sa partido ni dating senador Bongbong Marcos (BBM) sa para upcoming May elections.

Umani kasi ng samu’t saring reaksyon mula sa netizen ang naging pasya na ito ng TV host actress na naging host ng proclamation rally ng UniTeam sa Philippine Arena in Bulacan last February 8.

Naturally, approved dito ang mga taga-suporta ni BBM at ng aktres dahil malaya daw si Toni suportahan ang kandidatong kanyang napupusuan. Walang pilitan, kumbaga. 

But Toni’s decision did not sit well sa mga anti-Marcos at ’yong may mga hinanakit kay SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta na kabilang sa senatorial line up ng UniTeam.

Matatandaan na isa si Marcoleta sa mga nang-gisa sa mga head ng ABS-CBN noong magkaroon ng franchise hearing sa kongreso noong 2020. Isa rin s’ya sa 70 na mga congressmen na bumoto para hindi na mabigyan pa ng panibagong prangkisa ang TV network na kinabibilangan ni Toni mismo.

Isa si Direk Erik Matti sa mga hindi naging kumportable, hindi lang sa desisyon ni Toni na suportahan ang nakababatang Marcos kundi pati sa mga actuations niya hinggil dito.

Sang-ayon naman daw si Direk Erik sa pagsusulong ng karapatan ng bawat isa na magkaroon ng sarili n’yang political beliefs at suportahan ang kanyang kandidatong napupusuan. 

“Everyone has a right to their own political stances,” panimula ng direktor sa kanyang Instagram post kahapon, February 9.

Pero ibang usapan na daw kapag ang leader na napiling suportahan ay may bahid ng dugo sa kanyang mga kamay. Ginawa pa niyang analogy ang Nazi leader na si Adolf Hilter noong panahon ng World War II. 

“But when Hitler runs for office after slaughtering millions of Jews and you still support his bid, the least you can do is acknowledge all the blood he has spilled and with integrity, stick to your own crazy misplaced loyalty in private or in silence,” lahad n’ya. 

Naihalintulad din niya ang kalupitan ni Hitler sa mga Jews sa dinanas ng mga biktima ng Martial Law sa Pilipinas noong panahon ng tatay ni Bongbong, si Ferdinand Marcos, Sr., na siyang sinusuportahan ni Toni ngayon. Both atrocious event, aniya, ay hindi na mabubura pa bilang pinakamadidilim na bahagi ng kasaysayan . 

“The atrocities of Hitler was a history that has been written that actually happened and that no one can refute,” pagpapatuloy n’ya. 

“In the same way the plunder and the horrors of the Marcos regime to our country the Philippines, that no one has claimed responsibility until now with the players still roaming around free, moneyed and powerful, is irefutable and a historical fact that cannot be forgotten and rewritten.

“The victims of both the Holocaust and our Martial Law were all real people with names, families and siblings that walked and talked the earth then and even survived by descendants until now. No one can ever say they didnt exist.”

Hindi daw n’ya maunawanan na accessible naman ang mga impormasyon tungkol sa mga nangyari noong Martial Law period pero meron pa rin daw nagbubulag-bulagan tungkol dito. 

“I cannot fathom anyone, who have access to the same historical facts from our books and Youtube like everyone else, can still have the gall to hold their head so high to the point of being so arrogant and obnoxious to brush away critics and dissenters even acknowledging and flaunting it with such an insensitive hashtag. That is just incomprehensible,” aniya.

Nasa tao naman daw kung susuporta pa rin sila sa mga leader na nasangkot na sa iba’t ibang isyu pero kagaspangan, nakakagalit, at nakakasuka daw kung ipangangalandakan pa ito sa publiko. 

“To give your support to any political candidate whether or not out of affinity, blood or loyalty is between you and your conscience. You can do whatever you want with your celebrity power and God’s guidance because this is a free world, after all. But to be brazen, arrogant and snooty makes all of it despicable, disgusting and really crude,” pahayag pa ng On The Job director.

Marahil ang tinutukoy n’ya ay ang text na “Unbothered” sa screenshot photo ng IG story na ipinost ni Toni. Makikita kasi doon ang collaged picture ni Toni noong nagho-host s’ya ng Uniteam proclamation rally. 

“What makes you people so emboldened, seeming almost like untouchables, to never have the decency to acknowledge with humble bowed heads and with Almighty God as your witness, that you are on the side of what history had unmistakably and irefutably proven to have been part of the plunder and corruption of the Philippines then and now. Impunity and apathy run so deep in all of us. #bothered,” pagtatapos ni Direk Erik. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by erikmatti (@erikmatti)

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.