Kung tutuusin ay hindi naman bago ang tema ng kabitan o pangangaliwa sa mga pelikula pero dahil siguro sa may halo pang “May-December affair” element ang latest piece niyang Just A Stranger kaya lalo pang tumingkad ang pagiging mapangahas ng director sa napiling tema.
Mai-in love at magkaka-affair kasi dito ang very-much married na character ni Anne na si Mae sa isang eye-candy na half her junior na si Jericho (played by Marco Gumabao). Base palang sa trailer, alam na alam mong alam din nilang mali ang ginagawa nila yet they keep doing it.
Pero ayon mismo kay Direk Jason Paul—na siya ring sumulat ng story ng Just A Stranger (gaya na rin ng iba pa niyang obra na 100 Tula Para kay Stella at The Day After Valentine’s to name a few)—wala raw siyang paki kung husgahan man ng mga tao, lalo na ng mga Nertizens, ang pelikula niya na kumakawing sa mali o imoralidad.
“Naku, wala na akong paki-alam...” pabirong bitiw pero seryosong panimula ni Direk Jason Paul nang matanong tungkol sa p’wedeng maging reaksyon ng tao sa maselang tema niya.
“Hindi kasi, if you follow my films...even my independent films...to quote Ricky Lee, madalas daw ’yong materials ko are transgressive...S’yempre ano, tiningnan ko muna sa dictionary [ang meaning]...
“Transgressive means ’yon nga, ’yong hindi mo masyadong concern ’yong morals...kasi madalas ’yong mga characters ko sa movie ko ano sila, e, gray characters sila. Hindi sila immediately likable. Wala sila sa moral high ground. Unlike ’yong karamihan ng mga mainstream films. And ito lang, tinuloy ko lang ’yong gano’ng trend dito sa pelikula ko.”
Kumbaga, gusto lang din niyang ipakita kung bakit nagagawa ng nga mga tao ang maling nagagawa nila, hindi para kampihan o tulungan silang ma-justify ito; kundi para lang mailarawan ang mga masasalimuot na bahagi ng buhay ng ilang mga tao.
At hindi na rin nagpa-tumpik-tumpik pa si Direk Jason Paul sa pagsasabing mas gusto nga niyang pag-usapan ang pelikula niya.
“Kasi wala naman kaming ine-endorse dito na tama, e. Kumbaga we’re just exploring the humanities of our characters...so, sige, pag-usapan n’yo.”
Kilala rin si Direk Jason sa pagkakaroon ng mga “hugot” scenes sa kanyang mga pelikula pero hindi naman daw niya ito talagang sinasadya. Especially in the case of Just A Stranger, talaga lang daw natataon na hinihingi iyon ng pagkatao ng mga karakter niya.
“Hindi ko naman consciously ginagawa na, ‘O, sige lagyan natin ng hugot dito.’ Ang gusto ko lang, i-explore dito personally as writer din, ’yon nga, ’yong explore ’yong humanity ng mga ganitong klaseng character..kasi ’yong mga affairs movies in the past very ano e, catfight, laging gano’n, e... laging evil woman, makasarili, gusto ’yong lalaki...Dito, medyo morally ambiguous [ang mga characters]. ’Yon lang naman ang akin.”
Just A Stranger is showing on Wednesday, August 21, in cinemas nationwide.
YOU MAY ALSO LIKE:
5 parts of the Just A Stranger teaser that make us want to see the movie ASAP
Erwan Heussaff’s funny reaction over wife Anne Curtis’s intimate picture with Marco Gumabao
6 memorable Anne Curtis lines that will leave you clamoring for more in Just A Stranger