Direk Jeffrey Hidalgo’s extreme closeness kay Geneva Cruz, BFF level lang?

Matagal nang tinutukso at nirereto ng mga kaibigan nila sa isa’t isa sina Jeffrey Hidalgo at Geneva Cruz. Maging ng mga followers nila sa social media ay sini-ship din sila. But then as now, isa lang ang sagot ni Direk Jeffrey sa tanong kung mag-ano ano sila—BFF daw.

Photos: @jepoyhidalgo

Matagal nang tinutukso at nirereto ng mga kaibigan nila sa isa’t isa sina Jeffrey Hidalgo at Geneva Cruz. Maging ng mga followers nila sa social media ay sini-ship din sila. But then as now, isa lang ang sagot ni Direk Jeffrey sa tanong kung mag-ano ano sila—BFF daw.

Isang laughing face emoji ang naging sagot sa amin ng singer/actor/director na si Jeffrey Hidalgo nang i-chat namin kung may plano siyang ligawan ang dati niyang ka-miyembro sa Smokey Mountain na si Geneva Cruz.

Matagal na kasi silang tinutukso ng mga kaibigan nila. At maging ng mga followers nila sa social media ay sini-ship din sila.

Nakatawag kasi ng aming atensyon ang post kahapon, December 14, ng direktor ng pelikulang Eva sa Facebook, kung saan nakalapat sa larawan niya ang tila prediction caption na: “In 2022, Christian will marry a billionaire.”

(His full name is Christian Jeffrey Hidalgo).

Sa post ay iti-nag niya ang singer/actress BFF niyang si Geneva. “ahahaha Gen Gen Cruz,” say niya sa tag. Actually, mas ito ang nakatawag ng aming pansin.

Sa comments section ay pabirong binati siya ng mga kaibigan at followers.

Ani @elimele.hidalgo.5? Elimele Hidalgo: “Best of luck! God bless you!!!.”

Sabi naman ni @Mel Miguel-Felipe: “Woohoo! Congrats na agad! Sa Vegas ba ang wedding?”

Ayon kay @Irma Lerona Laguidao: “Go na agad agad Direk.”

Pero dahil si Geneva ang naka-tag, kaya nasipan namin siyang i-chat para tanungin kung ni-level up na ba nila ang kanilang platonic relationship?

“Haha hindi po. BFF’s lang,” sagot sa amin ng nagre-reinvent as an erotic film director.

“Ahh okay, tinutukso kasi kayo. wala bang plano or taken ka na?’ hirit pa rin namin sa chat.

“Haha oo. Labtim kami haha,” masaya nitong sagot.

Balik-tanong namin: “Oo? Taken ka na? Non- showbiz ba?

“Wala. Single kme pareho haha,” agad namang balik niya.

“Wala po bang plano ikaw? Saka di ba noon parang crush mo [siya] hehehe?” 

Doon na niya tinapos ang aming chat by sending us a laughing face emoji.

Samantala, umabot sa 161k views, 442 comments at 11k likes ang dueto nina Jeff at Geneva na “We Could Be in Love” na pinost ng huli sa FB page nito.

Patunay na oozing sila with chemistry. Kaya hindi namin alam kung ano ang pumipigil sa kanila para maging sila gayung kapwa naman sila single.

Maging sa press conference ng Eva ay natanong din pala ang singer-actor-director tungkol sa kanila ni Geneva. At ayon nga kay Jeffrey, aware naman siyang sini-ship sila ng mga tao.

Baka raw in the future ay pakinabangan nila ang pagsi-ship na ito by making a movie na magka-loveteam sila.

Hindi lang kami sure kung sa erotic genre ba niya ililinya ito.

Anyway, speaking of Eva, ang first directorial project ni Direk Jeff sa Viva at Vivamax, nakatakda na itong mag-stream sa bisperas ng Pasko, on December 24, sa Vivamax. On that day ay magkaka-alaman kung susunod na ba siya sa yapak ni erotica master, Zalman King.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.