Direk Joel Lamangan sa mga baguhang sexy stars: “Dapat hindi lamang katawan ang puhunan.”

“Habang sila ay bata pa at maganda ang katawan nila, dahan-dahan nilang pag-aralan ang tunay na mahusay na pag-arte. ’Yon ang kinakailangan,” payo ni Direk Joel Lamangan sa mga sexy newbies na nais magtagal sa industriya ng pelikula.

SCREENSHOT: @VivamaxPH on Facebook

“Habang sila ay bata pa at maganda ang katawan nila, dahan-dahan nilang pag-aralan ang tunay na mahusay na pag-arte. ’Yon ang kinakailangan,” payo ni Direk Joel Lamangan sa mga sexy newbies na nais magtagal sa industriya ng pelikula.

Nagbigay ng payo ang batikang direktor na si Joel Lamangan para sa mga baguhang artista na piniling malinya sa pagpapa-sexy para makapasok at magka-pangalan sa showbiz.

Naganap ang pagbibigay-payo na ito sa virtual media conference para sa upcoming sexy-drama movie n’yang Island of Desire last March 28, matapos s’yang mahingan ng advice ng entertainment press para sa mga sexy showbiz newbies na nakaka-trabaho niya.

Ayon sa multi-awarded TV and movie director, kailangan daw paunlarin ng mga artista ang kanilang husay sa pag-arte at hindi lang puro pagpapa-sexy. 

Dapat hindi lamang katawan ang puhunan. Dapat puhunan ang galing pag-arte. Dapat pag-aralan kung paano mapapaunlad ang pag-arte upang tumagal sa industriyang ito,” pahayag ni Direk Joel.

Dahil tatanda at tatanda sila,” patuloy niya. “Hindi na nanaisin pang makita [ng manonood] ang katawan nila kapag sila ay mahigit na trenta anyos,” aniya.

Kaya naman payo n’ya: “Habang sila ay bata pa at maganda ang katawan nila, dahan-dahan nilang pag-aralan ang tunay na mahusay na pag-arte. ’Yon ang kinakailangan.

At ngayong uso ngang muli ang paglalagay ng sexy theme sa mga pelikula, natanong din si Direk Joel kung naniniwala ba s’yang ang sexy genre din, na patok sa streaming, ang siya ding  makapagpapabalik ng mga manonood sa mga sinehan?

Sa akin, ang magagandang istorya ng Filipino ang makapagbabalik sa ating mga manonood sa sinehan…magagandang istorya na may kinalaman sa tunay na buhay,” sagot n’ya.

At kung sexy man daw ang pelikula, basta’t maganda ang istorya, ay wala naman daw issue kung mananatili ang ganitong genre.

Sa tunay na buhay naman talaga ay may totoo naman talagang mga sex,” katwiran niya. “May sex naman ang totoong buhay. ’Yong mga istoryang may sex pero may katuturan ’yon ang magpapabalik sa mga manonood sa ating sinehan,” paliwanag pa n’ya. 

Dahil ang sex naman ay bahagi ng buhay ng tao. Hindi naman ’yan kakaiba. Iyan nama’y ginagawa ng lahat ng tao kaya ’yan ay salamin ng ating katotohanan.

Dagdag pa n’ya, noon pa man ay bahagi na ng movie industry ang pagpapalabas ng mga adult content kaya hindi na ito bago sa paningin ng mga manonood. 

Bahagi naman ang sexy movies ng istorya ng ating industriya. Hindi naman ’yan bago lang. Iyan ay nag-umpisa pa noong araw. Kaya ngayon, may bago na namang katuturan, may bagong content ang sex movies, bahagi [ito] ng buhay kaya papanoorin ng tao,” saad pa n’ya. 

Kagaya lang ’yan ng pagkain, kagaya ng pagkakasakit, kagaya ng pag-iyak, pagtawa… Ang sex ay bahagi ng buhay kaya papanoorin ng mga tao,” pagtatapos ni Direk Joel.

Mapapanood ang sexy-drama-thriller movie ni Direk Joel na Island of Desire—tampok sina Rash Flores, Sean de Guzman, Jela Cuenca, at Christine Bermas —simula April 1 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.