Direk Joel Lamangan, sinisigurong magkaka-acting award ang baguhang si Sean de Guzman sa pelikulang Fall Guy

May paliwanag ang direktor na si Joel Lamangan ukol sa sabi-sabing terror director siya, Aniya, ang pinaka-ayaw lang naman talaga niya ay ang mga late dumaing sa set. Aminado siyang talagang nagpapa-uwi siya ng artista kapag ganoon kesehodang malaking artista pa ito. “Ayoko ng late! Ayaw ko nu’n. Talagang makakarinig ka sa akin kung sino ka man! Si Nora [Aunor], si Vilma [Santos], si Sharon [Cuneta], kung sino man, si Juday [Santos]... Lahat ‘yan nakarinig sa akin pag nale-late. Walang karapatan na mag-antay ang 150 people sa isang tao. Kaya dapat on time. Cost ng production ’yun pag nale-late. Hindi dapat.”

Photos: Reggee Bonoan #seandeguzman

May paliwanag ang direktor na si Joel Lamangan ukol sa sabi-sabing terror director siya, Aniya, ang pinaka-ayaw lang naman talaga niya ay ang mga late dumaing sa set. Aminado siyang talagang nagpapa-uwi siya ng artista kapag ganoon kesehodang malaking artista pa ito. “Ayoko ng late! Ayaw ko nu’n. Talagang makakarinig ka sa akin kung sino ka man! Si Nora [Aunor], si Vilma [Santos], si Sharon [Cuneta], kung sino man, si Juday [Santos]... Lahat ‘yan nakarinig sa akin pag nale-late. Walang karapatan na mag-antay ang 150 people sa isang tao. Kaya dapat on time. Cost ng production ’yun pag nale-late. Hindi dapat.”

Nagkakatawanan ang lahat ng imbitadong entertainment media sa story conference ng pelikulang Fall Guy dahil si Direk Joel Lamangan ang natatamaan palagi sa mga tanong sa cast members.

Ang nasabing story conference ay ginanap noong Palm Sunday sa Novotel, Araneta City, Cubao, Quezon City.

Karamihan kasi sa cast ng Fall Guy, na pagbibidahan ni Sean De Guzman, ay pawang baguhan kaya halos lahat ng tanong sa kanila ay kung hindi ba sila natatakot kay Direk Joel na kilalang istrikto sa set o kaya naman ay kung ano ang impression nila sa batikang direktor. 

Singit tuloy ni Direk Joel bago sumagot ang mga artista niya: “Ayan ka na naman, tinakot mo ’yung bata!”

Pagtatanggol naman ng ibang artistang naka-work na ang premyadong direktor ay mabait naman daw ito. Ayaw lang daw nito ng mga nali-late sa set at hindi handa sa trabaho na very justifiable naman.

Isa na nga si Glydel Mercado—whose first best supporting actress awards courtesy of Gawad Urian, Film Academy Award of the Philippines, at FAMAS in 2000 was from the Joel Lamangan movie Sidhi—sa nagtanong din tungkol sa kung paano katrabaho ang the Direk Joel Lamangan.

Kuwento ni Glydel, kahit daw ngayon na sanay na siya sa direktor, ay matinding paghahanda pa rin ang ginagawa niya sa tuwing tatanggap ng project na involved ito gaya ng Fall Guy.

“S’yempre kahit papaano kahit matanda na ako hanggang ngayon may nerbyos pa rin ako, Direk totoo ’yan kaya hanggang ngayon kahit ’yung huling project natin hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako. I’m so excited kaya Direk, relax lang ha,” natatawang sakay ng aktres. 

“Naku hindi kita tinakot Glydel! Never!” depensa naman ni Direk Joel.

Paliwanag naman ng direktor, ang pinaka-ayaw niya talaga ay ang mga late dumaing sa set. Aminado siyang talagang nagpapa-uwi siya ng artista kapag ganoon kesehodang malaking artista pa ito. 

“Ayoko ng late! Ayaw ko nu’n. Talagang makakarinig ka sa akin kung sino ka man! Si Nora [Aunor], si Vilma [Santos], si Sharon [Cuneta], kung sino man, si Juday [Santos]... Lahat ‘yan nakarinig sa akin pag nale-late,” rebelasyon niya. “Walang karapatan na mag-antay ang 150 people sa isang tao. Kaya dapat on time. Cost ng production ’yun pag nale-late. Hindi dapat.

“Hanggang sa pinakamalit na tao sa set dapat ginagalang ng artista. Dapat marunong siyang makisama sa lahat. Kung hindi, palalayasin ko siya sa set. Ginagawa ko talaga yan,” seryosong dagdag nito.

Pero paalala naman niya sa mga baguhan, lalo’t hindi pa niya nakaka-trabaho, ay huwag munang maniwala sa mga sabi-sabi until ma-experience na mismo nila na mahawakan niya.

“Hangga’t hindi ko pa sila nakakatrabaho, wala silang karapatan na tawagin akong terror. So, sana huwag nilang paniwalaan agad yan,” salag niya.

Samantala, aminado din siya na mas gusto niya umanong katrabaho ang mga baguhan kumpara sa mga datihan dahil mas madali raw i-molde ang mga ito sa vision na gusto niya sa isang proyekto.

“Mas gusto ko talaga ’yung mga bago dahil mas madali silang turuan. Kasi ’yung mga dating artista naka-preset na ’yung utak nila kung papaano ba ang mahusay na pag-arte. E, marami silang pinanggalingan na mali,” pambibisto niya. 

“Kaya maraming mali na hindi na maia-alis. At least ’yung mga bago parang blankong pisara na susulatan mo kung anong image ang puwede mong ibigay sa kanila.

“Matatandaan nila sa buong buhay nila ’yun. Gusto ko pa rin ng mga senior. ’Yung mga bago makakapag-aral sila sa mga ginagawa ng senior. At ’yung mga senior naman, malalaman nila ’yung mga bagong ginagawa ng mga bata. At makakapulot sila ng mga aral sa bawa’t isa.” 

Samantala, puring-puri naman ni direk Joel ang bida ng Fall Guy na si Sean de Guzman dahil nakitaan na niya ito ng husay sa launching movie nitong Anak ng Macho Dancer na produced ng Viva Films at 3:16 Media Network. 

At sa next movie ni Sean ay, “magkakaroon siya ng award sa pelikulang ito,” paniniguro niya. “Sa aking peikula siya unang nakita – Anak ng Macho Dancer, Lockdown, at ’yung mga kasunod pa niyang pelikula na kasama ako. Bakit ko siya pinili? 

“Dahil nakitaan ko siya ng husay sa pag-arte. Nakitaan ko siya ng intrinsic quality ng isang mahusay na aktor na puwede pang ma-develop bilang pangunahing aktor ng ating industriya. Kaya noong binigay sa kanya ang proyekto na ito, hindi na ako nagdalawang isip.”

Ngayong araw, Lunes, April 18, ang 1st shooting day ng Fall Guy na produced ni Len Carillo ng 3:16 Media Network at John Bryan Diamante ng Mentorque Productions. Mula naman ito sa panulat ni Troy Espiritu.

Makakasama ni Sean dito sina Cloe Barreto, Shamaine Buencamino, Vance Larena, Quinn Carillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Jim Pebangco, Pancho Carillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortizm, Hershie de Leon, Itan Rosales, Tina Paner, at Glydel Mercado.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.