Inamin ni movie and commercial director Paul Soriano na inalok s’ya ng posisyon bilang press secretary ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM).
Kinumpirma n’ya ito matapos lumabas ang espikulasyon na isa s’ya sa napipisil na bagong press secretary matapos mag-resign mula sa nasabing posisyon si Atty. Trixie Cruz-Angeles kahapon, October 4.
Sa panayam n’ya with ABS-CBN News ngayong araw, October 5, sinabi ni Direk Paul na in-offer nga raw sa kanya ang posisyon pero tinanggihan n’ya daw iyon. Para sa kanya, may mga tao umanong mas qualified na humawak noon kesa sa kanya.
“Yes, there was a conversation but I feel that the position needs more qualified people to help the President,” pahayag ng direktor.
Alam daw n’ya ang kanyang kakayahan at mas makakatulong umano s’ya sa pangulo sa pagtatrabaho para dito sa likod ng kamera.
“I can be of better service behind the scenes working with the president’s media and communications team. I know my strengths; I know what I can give him. I am better utilized at the background than be in front of the camera,” sey pa ng mister ni Toni Gonzaga.
Matatandaan na s’ya ang namahala bilang direktor ng mga campaign materials noon ng UniTeam during the campaign period, pati na rin sa inauguration program ni Pangulong Marcos, Jr. sa National Museum of the Philippines, at maging sa kauna-unanahan nitong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa.
“At the end of the day, my main mandate is to send out the message that we have a hard-working leader that sadly people don’t see,” saad pa n’ya.
Bagama’t tumanggi na sa alok na posisyon, mananatili raw ang suporta n’ya sa PBBM administrasyon. Katunayan, pinaghahandaan na ng team n’ya sa ngayon ang media campaign ng first 100 days ng presidency nito.
“As I told the president this morning, if there’s a need for me to help, I will be there in whatever capacity. At the sidelines, I’ve been supporting him from the start and I will continue to do that. He can count on us,” pagtatapos n’ya.
Ganu’n pa man at hindi tinanggap ang posisyon ay umani pa rin ng negatibong reaksyon ang balitang pag-aalok kay Direk Paul ng posisyon mula sa mga kritiko ng pangulo.
Ayon sa mga kritiko, nakasaad kasi sa Article VII, Section 13 ng 1987 Constitution na hindi p’wedeng italaga bilang kalihim sa mga opisina ng pamahalaan ang mga asawa o kaanak ng Pangulo sa dugo o sa relasyon hanggang sa fourth civil degree.
Pinsan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang ama ni Soriano, kaya’t lumalabas na pamangkin ni First Lady si Direk Paul. Bukod pa roon, ninong sa kasal nina Direk Paul at Toni Gonzaga si PBBM.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber