Direk Rico Gutierrez, tikom ang bibig nang makumusta ang relasyon nila ni Alessandra de Rossi

PHOTOS: @ricogutierrez on Facebook & @msderossi on Instagram

PHOTOS: @ricogutierrez on Facebook & @msderossi on Instagram

Napangiti lang ang direktor na si Rico Gutierrez nang matanong s’ya sa relasyon nila ng multi-awarded actress na si Alessandra de Rossi.

Sa video na in-upload ng showbiz reporter na si Allan Diones sa kanyang YouTube Channel last February 18 ay makikitang nakatsikahan niya at ng ilang pang kasamahan niyang entertainment press ang Kapuso director. 

Naganap iyon noong bisperas ng Chinese New Year, February 11, sa bahay ni Sen. Bong Revilla sa Ayala Alabang. 

Nagkaroon kasi doon ng intimate advanced screening ng episode s one and two ng upcoming action fantasy series ng senador na Agimat ng Agila. At si Direk Rico ang nagdirek ng nasabing TV show.

Nag-lock-in [taping] kami sa Agimat [ng Agila] for 13 days sa Tanay, Rizal,” k’wento pa ni Direk Rico sa mga kausap n’yang press. 

Ang Agimat ng Agila, na siya namang magiging comeback project ni Senator Bong sa telebisyon pagkatapos nang maraming taon, ay bale ika-pitong show ni Direk Rico sa GMA-7.

Ang anim namang TV show na hawak din n'ya ay umeere lahat sa kasalukuyan. 

The rest include ang comedy talk show nina Boobay at Super Tekla na The Boobay and Tekla Show (TBATS), ang informative show na iBilib hosted by Chris Tiu, ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes, ang drama-fantasy anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko, ang bagong game show na Game of the Gens, at ang talent show na Catch Me Out Philippines

Sa dami ng shows na hawak n’ya sa ngayon, nabiro tuloy si Direk Rico na hindi naman halatang favorite s’ya ng Kapuso Network. 

Napangiti lang ang direktor at sinabing, “Hindi. Very grateful lang ako sa GMA na they trust me with the work. I’m just grateful lang.

Sa mga naku-curious kung paano ba n‘ya naha-handle ang lahat ng ‘yon, inaayos daw ng management ang schedule kaya napaglalaanan n’ya ng oras ang bawat show na hawak n’ya. 

Naaayos naman nila ‘yong oras,” sey ni Direk Rico.

Hindi rin nakaligtaang itanong sa super busy na direktor kung paano pa n’ya naisisingit sa schedule n’ya ang love life. Nabanggit pa ang pangalan ng aktres na si Alessandra de Rossi.

Hindi naman nakasagot si Direk Rico at sa halip ay napangiti na lang. 

Matatandaan kasi na napabalitang nagkakamabutihan ang dalawa simula pa noong 2019 base sa series of Instagram post ni Direk Rico ng mga larawan ni Alex [nickname ni Alessandra].

May in-upload din s’yang photo ni Alex habang nakatalikod ito kung saan sinabi n’ya sa caption na “[K]nock, knock. [W]ho’s there? [A]ng future mo!”

Nabiro din s’ya during the interview kung hindi ba sila naka-package deal ni Alessandra gayong pitong show naman pala ang hawak n’ya. 

Sagot naman n’ya dito, “May movie ata s’ya… Nagdi-direk na din s’ya.

Sa ngayon, naghihintay pa daw sila Direk Rico sa announcement mula sa management kung kelan mapapanood ang pilot episode ng Agimat ng Agila

Kasama ni Senator Bong sa TV project n’yang ito sina Sanya Lopez, Michelle Dee, Allen Dizon, Roi Vinzon, Benjie Paras, at marami pang iba.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Sen. Bong Revilla and Lani Mercado’s daughter Gianna is now engaged!

Jaime Fabregas questions Bong Revilla’s Senate contributions in the entertainment industry as the senator offers to moderate conflict between Liza Diño and film industry stakeholders

Alessandra De Rossi, ‘di napigilang pumatol sa mga trolls at bashers ukol sa saloobin sa pagtatambak ng white sand sa Manila Bay

Alessandra De Rossi is in a throwback mode on Instagram and her hilarious captions can surely lighten up your mood

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.