Direktor ng Adan, natakot sa sobrang effective maging “lalaki” ni Cindy Miranda

In most of the love scenes sa Adan, hinayaan daw ni Direk Roman Perez, Jr. na mag-improvise sina Cindy at Rhen. But everytime kukuhanan na niya, siya mismo ay nagugulat sa ibinibigay no’ng dalawa—dila kung dila, higop kung higop.

PHOTOS: Anna Pingol

In most of the love scenes sa Adan, hinayaan daw ni Direk Roman Perez, Jr. na mag-improvise sina Cindy at Rhen. But everytime kukuhanan na niya, siya mismo ay nagugulat sa ibinibigay no’ng dalawa—dila kung dila, higop kung higop.

May pagka-kwela din ang director ng erotic-thriller na Adan na si Direk Roman Perez, Jr., na aminadong maswerte siya sa dalawang artista niyang walang ka-arte-arte sa shooting.

Pina-describe kasi namin kay Direk Roman kung alin sa mga maiinit na eksena nina Cindy Miranda at Rhen Esnaño sa Adan ang pinaka naka-affect sa kanya bilang lalaki. At sa tuloy-tuloy at very animated na pagkukuwento niya ay nabanggit niyang minsan ay natatakot siya kay Cindy dahil tila may sapi na ito ng tunay na lalaki once sumigaw na siya ng “take.”

“Dalawang bagay, e—ilang direktor o bilang lalaki,” paliwanag ni Direk Roman. “Bilang lalaki ’yong nanaginip silang dalawa...’yong nanaginip tapos sinisimulan niya [Cindy] ’yong atake kung kakagat o hindi. ’Yon yong pinaka-apektado ako na hanggang ngayon pinapanood ko yon, iba pa rin. Iba ’yong dalawa, iba ang Cindy Miranda!”

Maselan ang eksena pero buong tapang na in-execute ng dalawa ang sinasabing eksena ni Direk Roman kung saan dahan-dahang sinubukan ng character ni Cindy na si Yan na romansahin ang natutulog at nananaginip na si Ellen (Rhen).

“Natakot ako kay Cindy [doon],” birong sabi ni Direk Roman. “Akala ko lalaki talaga siya.”

Sumang-ayon naman si Rhen kay Direk.

“Sa [sensuality] workshop din po, same ’yong naramdaman niya [Direk Roman]. Kasi natakot siya.”

“Natakot ako no’ng workshop,” balik-tanaw ni Direk. “Sabi ko sa kanilang dalawa...kasi may process nga po, mga three sessions nga po na sensual workshop... nu’ng ginagawa nila sa workshop natatakot ako...” 

“Kasi ako, tulog lang ako noon,” singit ni Rhen.

To be in character, inisip lang daw ni Cindy na gusto niya si Rhen. Pero kung natakot daw si Direk sa mala-lalaking “pagnanasa” ni Cindy, takot na takot din daw si Cindy habang kinukunan ang eksena.

“Nanginginig ang buong katawan ko,” natatawang pag-amin ni Cindy.  

Samantala, bilang direktor naman daw, pinaka-malakas ang tama sa kanya noong lovemaking scene no’ng dalawa sa banyo. Sa istorya kasi, iyon ang first time nilang gagawin ang act at kailangang lumabas sa acting nila ang pananabik at pag-alpas ng matagal nang kinikimkim na pag-ibig.

“’Yon po ’yong first love scene,” say ni Direk. “Kasi ano, e naapektuhan ako doon kasi bilang sa k’wento...Ano ba ang sitwasyon ng dalawang ito, ano ba’ng relasyon namin? Ito ’yong nag-confirm—confirmed! Okey tayo.” 

At muling nabalik ang tsika sa pagka-takot niya sa mga artista niya. Kahit kasi sinabi niyang mag-improvise ang mga ito, siya mismo ang nagugulat sa ibinibigay no’ng dalawa—dila kung dila, higop kung higop.

“Ay, natatakot nga po ako,” natatawang sakay ni Direk. “Sabi ko nga e, parang ako pang natakot...‘Ay, teka lang, bakit may ganun?’ Hahaha!”

“Nagustuhan mo ’yong mga talent namin dito, Direk?” tukso si Cindy.

“Improvisations,” muling giit ni Direk. “Magbibigay lang ako ng structure, e... ganito, ganito, ganito. Sa’n tayo pupunta? Bahala kayo. Maraming napuntahan. Ganu’n kahusay ’tong dalawang ’to.” 

“Siguro grabe po talaga kaming magmahal ni Rhen sa totoong buhay,” pagda-justify ni Cindy.

“Siguro gano’n,” pag-echo ni Rhen. “Nakatulong po talaga ’yong hugot namin sa [real] lovelife namin kaya nagawa namin ’yong mga bagay na ’yon diba?” 

Adan is opening in cinemas tomorrow, Wednesday, November 20

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Okay lang daw kay Cindy Miranda kung itatakwil siya ng Bb. Pilipinas dahil sa pelikulang Adan

Adan ladies Cindy Miranda and Rhen Escaño bluff each other out with the Box of Lies game!

“Scissoring scene” nina Cindy Miranda at Rhen Escaño sa Adan, hindi na-gunting

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.