Divine Lee on the Raymond Gutierrez at Tim Yap party blunders: “...as influencers at people na maraming nakasunod sa kanila, they could have thought better.”

PHOTOS: @officialtimyap, @divinemlee & @mond on Instagram

PHOTOS: @officialtimyap, @divinemlee & @mond on Instagram

Nagpahayag ng saloobin ang talk-show host and social media personality na si Divine Lee sa kinasangkutan ng mga celebrity friends n’yang sina Raymond Gutierrez at Tim Yap

Kapwa naging kontrobersyal ang dalawa matapos na magdaos ng kani-kanilang birthday parties sa magkaibang petsa at venue habang may on-going pandemic. Ito ay sa kabila ng pagdi-discourage ng otoridad sa mga malakihang social gatherings.

Unang na-call out ng Netizens si Raymond sa naging birthday party nito last January 21 sa isang restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig. 

Sa mga kumalat kasing video na kuha umano sa nasabing event, makikitang hindi nasunod ang social distancing protocol.

Napatawan ng parusa ang restaurant at ipinasara ‘yon ng city government ng Taguig. 

Sumunod namang nag-trending ang January 17 party ni Tim Yap sa Baguio City bagama’t nauna ito ng ilang araw sa naging party ni Raymond sa BGC. 

May mga lumabas din kasing photos and videos kung saan makikitang walang suot na face mask ang mga nagsidalo. Hindi rin umano nasunod ang social distancing protocol doon.

Under investigation pa at present kung talagang may naganap bang paglabag sa health protocol sa naging party ni Tim. 

Kaya naman kahapon, January 27, sa virtual press conference na inihanda ng Viva para kay Divine ngayong hawak na s’ya at maging ang mga anak n’ya ng Viva Artist Agency, natanong s’ya ng press sa kung ano ba ang saloobin n’ya sa nangyari kina Mond [nickname ni Raymond] at Tim. 

“They’re both close to me,” panimula ni Divine. “I worked with Mond for Showbiz Police for ilang years din kami. And Tim is actually one of my best friends.

Natatawang pag-amin pa n’ya, “Actually, I was invited to that Baguio party but I have kids so I didn’t go.”

Ikinalulungkot daw n’ya ang kinasangkutang kontrobersya ng kanyang mga kaibigan pero mas nanaig sa kanya ang thought na dapat talagang mag-ingat. 

Matatandaan kasi na nag-positive si Divine at ang mister n’yang si Blake Go sa COVID-19 last year.

“It’s sad that… Sometimes kasi parang hindi natin… Ako ha, putting in a position na nagka-COVID ako. May mga bata na if… D’yos ko. ‘Wag naman. Alam mo ‘yon?” napa-knock on wood na sey ng celebrity mom.

“If they do get sick, they cannot tell me. Kasi they’re kids… Hindi nga kayang magsalita ni Baz [eldest child n’ya] ‘yong A to Z, ‘yong masabi pa n’ya na may loss of smell s’ya. Paano pa ‘yon?

Naiitindihan naman daw n’ya ang sitwasyon ng mga kaibigan at iba dahil nga medyo mahaba na ang lockdown pero sana daw ay mas pinag-isipan ‘yong naging hakbang lalo pa’t mga public figures sila. 

“You know, people are fatigue already with this lockdown. I totally understand,” she said. “That’s why after nu’ng Spanish flu nga in the 1920’s lahat nagwawala. I feel like everybody is at that point. But I also feel like, as influencers at people na maraming nakasunod sa kanila, they could have thought better.”

At first, hindi n’ya daw nakita ‘yong mali ng pagkakaroon ng party, pag-amin pa n’ya.  

“To be honest, I’m gonna be honest, that point when I was invited, hindi ko nakita ‘yong mali. Dahil inisip ko, ‘Oo nga. Naka-PCR naman.’ Ganu’n. 

“But then I realized when people started calling it out, [naisip ko], ‘Ay, oo nga. May IATF.’ Gan’yan, gan’yan. That it is wrong and I feel like may lapse of judgment ako du’n. That also probably happened to them. Dahil sila, inisip nila, ‘Okay, safe na dahil lahat naka-PCR.’

Sey pa n’ya, hindi naman kasi sapat na nakapagpa-test ang mga um-attend dahil marami pa daw issues na involve at kailangang i-consider. 

Hindi nila naisip na, you know, mas marami pang ibang issues involved about it. So you know, with what they’re getting from social media, para namang natuto na rin. I’m sure they realize na, ‘Oo nga. May mali,’ ‘di ba? 

“I don’t think they are denying na meron silang mali. I believe Tim apologized also for his lapse of judgment.”

Nakausap na din daw n’ya si Tim at sinabi nga nito ang goal ng event ay tulungang i-boost ang local tourism.  

“His main motive when I was talking to him was maayos naman, to promote local tourism, ‘di ba? Pero ‘yon nga lang, nakalimutan natin mag-mask. Nakalimutan natin ang social distancing. 

‘Yong pandemic kasi, it’s something new to everyone so lahat tayo nangangapa. Sometimes we forget when we’re too ‘safe,’ dagdag pa n’ya.

Bilang COVID-19 survivor, ipinaliwanag n’ya daw kay Tim na hindi biro ang magka-COVID dahil may kamag-anak daw s’yang namatay because of it. 

“But being in the eye of COVID dati, parang parati akong ginigising ng konsensya ko na, ‘Can you imagine? Do you want to [be isolated] again for 14 days? Do you want to worry about your husband again in the hospital?’

“I told Tim that,” pagpapatuloy n’ya. “Sabi ko, it’s not a joke. Kahit na we were okay after [the party], it’s really not a joke. 

“My tito died of it. Alam mo ‘yon? People die because of it. So, at least we need extra precaution and show people… Kasi kung makita ng ibang tao, ‘di ba? [Baka isipin nila na], ‘O, p’wede naman pala, e.’ ‘Di ba? Baka sila-sila din, ‘di ba, mag-party-party. Let’s just try to set a good example.”

Umaasa daw s’ya na sa careless mistake ng kanyang mga kaibigan ay mapatawad pa rin sila ng mga Netizens dahil for sure naman daw ay natuto na sila sa kanilang pagkakamali.  

“It was a blunder and they apologized and I hope hindi sila ma-cancel culture kasi ‘yon nga ang uso ngayon,” pagtatapos ni Divine.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tim Yap airs his side after being chided for viral Baguio party, gets more flak than understanding

Did the Cayetanos of Taguig take a swipe at Raymond Gutierrez’s alleged partying in a BGC restaurant?

Pika's Pick: Makati Medical Center releases statement condemning Senator Pimentel's breach of COVID-19 protocols

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.