DOH, pinuruhan ni Isko Moreno sa kanyang presidential candidacy announcement speech: “Ang pondong panlaban sa COVID binuro, ang budget inimbalsamo!”

May parating din ang Manila City mayor sa national government: “Instead of flattening the curve, we have flattened our economy.”

Photos: @iskomorenodomagoso / Doc Willie Ong Facebook

May parating din ang Manila City mayor sa national government: “Instead of flattening the curve, we have flattened our economy.”

“Buong kababaang-loob na inihahayag ko sa inyo, mga kababayan ko sa darating na Mayo tanggapin n’yo po ang aking aplikasyon bilang Pangulo ng Pilipinas,” ito ang pormal na pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno tungkol sa kanyang kandidatura para sa pangunahing government position ng bansa.

Naganap ang kanyang talumpati kaninang umaga, September 22, sa Baseco Compound—na ngayon ay tinatawag ng Tondominum 1 and 2—kung saan may 229 pamilya na ngayong nakatira.

“Hindi matayog na ambisyon ang nagtulak sa aking desisyon kundi dahil ngunit sa kalunus-lunos na kundisyon ng ating bayan,” patuloy na lahad niya.

Ani Mayor Isko, sa 557 days na naka-quarantine ang Pilipinas, ay tila mas lumalala pa ang sitwasyon ng bansa dahil umano sa tiwaling pamamalakad at poor pandemic response ng mga kinauukulan.

“Instead of flattening the curve, we have flattened our economy,” diin niya. “Yet many people continue flat lining in our hospitals without beds without doctors, without medicine, and sad even without oxygen.

“Nakalulungkot ang kalagayan ng public health system ng ating bansa, maiintindihan sana natin kung walang pera ang DOH pero ang pondong panlaban sa COVID binuro, ang budget inimbalsamo.

“Naantala ang pagbili ng mga ventilators at gamot pati ’yung katiting na P136 daily active duty na hazard allowance sa mga frontliners na buwis-buhay, paiyakan at drops pa ang bigayan, binumbay po sila,” tuloy-tuloy na birada ng binsansagang Yorme.

Nailahad rin ni Isko sa kanyang birada ang hinaing umano ng mga frontliners na ang dapat mapunta sa kanila ay inutang na rin sa kanila ng gobyerno.

“Tampo tuloy ng isang nurse, ‘Sa galing nilang mangutang pati kami, nautangan.’ Tama rin po ang kanilang silakbo. 

“Bakit pag dating sa face mask na gawa at nilako ng banyaga, express delivery pa! Subalit ang pandemya ng COVID ay nagdudulot din ng epidemya ng gutom na kumikitil din sa buhay natin.

“No work, no pay, no food!

“Ang mga dating isang kahig, isang tuka, ngayon kahig nang kahig walang matuka. Di lang sarado ang maraming pagawaan, ang mga negosyo naka-kandado. Ganu’n din ang ating paaralan.

“Ang mga kabataang walang muwang nasiyentahan ng dalawang taong pagka-bilanggo sa kanilang tahanan.”

Sa kasakukuyan ay may utos na ang pangulong Rodrigo Duterte na rumesponde ang DOH, sa pamumuno ni Secretary Francisco Duque III, sa findings ng Commission on Audit (COA) na may deficiencies umano sa paggastos ng ahensya ng P67.32 billion Covid-19 response funds. Ang alegasyon pa ng COA, hindi umano nagko-comply ang DOH sa existing laws and regulations in managing the Covid-19 response funds. 

Ayon naman sa DOH, ang pondo “were acccounted for.”

May panawagan na rin ang bayan sa pagre-resign ni DOH Sec. Duque. At ayon sa panayam nito sa DZBB at GMA News, noong August 28, ay nakahanda naman umano siyang magbitiw sa puwesto. Humihingi lang daw siya ng palugit para maisa-ayos ang findings ng COA.

"It’s a matter of time. ‘Yun naman talaga ang hiningi ko. I’m stepping down…pero bigyan lang ako ng kaunting panahon para maayos namin ng DOH ang lahat ng COA observations and findings,” saad ni Duque sa GMA News/DZBB.

Samantala, sa pananaw ni Manila Mayor Isko Moreno, ang mga kabatan ang tunay na casualty ng mga failures ng national government.

“Indeed, it is the children who paid dearly for their government’s failures.  Maraming tatahiin na suliranin ang susunod na administrasyon. Road to recovery will be hard, the journey long, the challenges complex, the sacrifices required from each of us will be great.”

Sakaling pagkatiwalaan daw siya ng boto ng bayan ay hindi niya uurungan ang mga kakaharaping problema na iiwan ng kasalukuyang administrasyon, 

“I do not run on promises, I run on prototypes,” patuloy niya. “I may not give you perfect government but together, we can make it better.  Hindi ko po isisisi sa nakaraan ang problemang ating kakaharapin.”

Matapos noon ay pormal na rin niyang inanunsyo ang napili niyang ka-tandem bilang bise presidente, si Doctor Willie Ong na sumikat dahil sa kanyang mga online medical shows. 

“Maraming lider na walang ginawa kundi saktan tayo, siya naman walang ginawa kundi hilumin tayo,” pagpapakilala ni Mayor Isko sa ka-tandem.

“Sa panahon ng pandemya siya ang makakasama natin bilang lider na kailangan natin. Maraming sakit ang lipunan na kanser sa pamahalaan na kailangan ng isang manggagamot na sasamahan tayo sa pagbibigay ng reseta ng lunas. Isang duktor na may puso, talino at oras para sa tao.”

Martes ng gabi, September 21, nang pumutok ang balitang sina Yorme Isko at Doc Willie ang magta-tandem. Pero ang tanong ng karamihan ay “Bakit si doc Ong ang napili ni Isko?”

Bago nag-live announcement si Mayor Isko kaninang umaga ay nakapanayam ng ANC ang Chairman of the Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office na si Lito Banayo. At ayon dito, kaya doktor ang pinili ni Mayor Isko ay dahil naranasan na niya na effective ka-tandem sa governance isang doktor lalo na kapag may ganitong global emergency. Isa rin kasing medical practitioner ang kasalukuyang vice mayor ng Maynila na si Dr. Honey Lacuna.

Quoting the mayor, Banayo told ANC: “‘I would not have been able to move quickly, prepare my city for the pandemic. But because she (Dr. Honey Lacuna) is a medical professional, she advised me and I followed.

“‘You can do more if you are within the system because within the system, you can highlight the need for bigger health budget, we can prioritize health lalo ngayon may pandemic.’”

Bilang pang-huling pahayag ni Isko sa kanyang talumpati, hinikayat niya ang bayan na samahan sila ni Doc Willie Ong na “Let us heal our country!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.