Doktora Vicki Belo, binistong dalawang beses nag-propose si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo; Sarah, umaming nakadantay kay Matteo sa pagtulog

PHOTOS: @victoria_belo & @matteog on Instagram

PHOTOS: @victoria_belo & @matteog on Instagram

Nakadalawang marriage proposal pala ang aktor na si Matteo Guidicelli sa misis n’ya na ngayong si Sarah Geronimo

Ibinahagi ito ng singer-actress sa vlog ng celebrity doctor na si Vicki Belo na in-upload last December 17 kung saan ipinakitang nag-bake ang dalawa ng banana bread habang nagtsitsikahan.

Naging passion na kasi ng tinaguriang Popstar Royalty ang pagbi-bake na maya’t maya ay ipinagmamalaki ng mister n’ya sa Instagram. Kaya naman ang recipe niya ng banana bread ang itinuro n’ya sa doktora at sa viewers nila.

“You like baking, ‘di ba, kasi it’s a science,” tanong ni Dra. Vicki patungkol sa kinagigiliwang passion ni Sarah. “And it’s amazing to me, lagi akong napa-fascinate paglabas sa oven ibang-iba ang hitsura. At saka hindi mabaho. Mabango tayo kapag baking.”

S’yempre, hindi mawawala sa tsikahan ng dalawa ang topic na may kinalaman sa buhay may-asawa nina Sarah at Matteo

At dahil nakalipat na pala ng bahay sina Sarah sa new house na nirerentahan nila last October, ito ang inusisa ng dermatologist and TV personality. 

“So ‘yong house n’yo ngayon, ilang bedroom?” tanong n’ya sa prized Viva artist. 

“Four po yata,” sagot naman ni Sarah. 

May swimming pool?” sunod na tanong ng doktora.

Dito medyo nalito pa si Sarah at sinabing: “Wala po… Ay meron pala. Hahaha! Saan ba ako nakatira? Hahaha! Nakakaloka.” 

Sa kitchen ka yata tumatagal kaya hindi mo alam,” natatawang komento naman ni Vicki sa kanya. “Hindi ka mahilig mag-swimming?

Hindi po,” sagot n’ya. 

Sa puntong ito naalala ni Vicki ang naging island vacation nila kung saan umiral daw ang pagiging caring at conservative ni Matteo kay Sarah. 

Pero bilib ako sa’yo ha,” panimulang salaysay ni Vicki. “Nasa Amanpulo kami, number one, alam mo ‘yong bathing suit mo na sinita ka ng asawa mo? Napaka-conservative na nga ng bathing suit mo. May shorts pa nga. 

Sabi ni Matteo, ‘Medyo masyadong bold ‘yan. Tita, can you tell Sarah it’s bold.’ Sabi ko, ‘Matteo, hindi s’ya bold. May shorts…’”

Dahil dito medyo nainggit daw ang doktora dahil nga sa mga sweet gestures ni Matteo sa kanya. 

Alam mo ang alaga n’ya… Alam mo nag-away kami ni Hayden, e. ‘Bakit si Matteo alagang-alaga si Sarah. Bakit ako, hindi mo [ako inaalagaan]?’ Hahahaha!”

Natanong din kung si Sarah ba ang nagsisimula ng small fights para lambingin s’ya ng kanyang mister. 

“Ah… I think ang mga babae po meron tayong, subconsciously, ganu’n,” lahad ni Sarah. “We always look for validation. Parang ganu’n po ata, no? You’re making sure na mahal ka nu’ng lalaki.

“So how do you do that? How do you ask for validation?” balik na tanong naman ng doctor-entrepreneur.  

E, ako po words talaga. ‘Mahal mo ba ako?’ Mga ganu’n,” natatawa at tila naiilang na tugon ng Popstar Royalty. “Ganu’n nga po. Mga pa-cute. Ewan ko ba sa mga babae. Parang timang.

Isa pa sa naitanong kay Sarah ay kung paano ba sila natutulog ni Matteo. 

Pagka mainit talagang nakaganu’n [magkalayo] kami pero nakadantay pa din,” sagot n’ya.  

Pero ‘yong spooning type mo?” dagdag na tanong pa ng doktora kay Sarah. 

(Spooning ang tawag sa cuddling position kung saan magkadikit at nakatagilid sa parehong direksyon ang dalawa.)

“Spooning? Okay naman po,” sagot ni Sarah na napahagalpak.

Nauwi pa sa tuksuhan dahil namumula na ang singer-actress. 

Pero ilang beses nang nag-propose si Matteo, ‘di ba? Tatlong beses na yata nag-propose,” sey ni Vicki. 

“Once po na kami lang ang nakakaalam sa family n’ya,” paliwanag naman ni Sarah. “Then the second time, with his relatives in Cebu. Parang paalam lang sa kanila.” 

At tila hindi nauubusan ng itatanong si Dra. Vicki. 

“‘Yong first time, saan ‘yon? Sa abroad ‘yon, ‘di ba?” tanong pa n’ya kay Sarah. 

Opo. Sa Italy po ‘yon,” tugon naman ng OPM icon. 

Nauwi na naman sa tuksuhan ang usapan nang makalimutang idadag ni Sarah ang baking soda na “pampa-rise” sa ginagawa nilang bread mixture. 

Para mag-rise,” komento pa ni Vicki. “Pag hindi nagra-rise hindi masarap, ‘di ba?

Natawa na lang si Sarah sa tinuran nito at sa halip ay inihalintulad na lang sa baking powder ang pinaka-goal ng isang marriage, which is to rise and succeed. 

PANOORIN ang kabuuan nang kwelang baking bonding nina Sarah Geronimo at Dr. Vicki Belo dito:

 

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Matteo Guidicelli on having a baby with wife Sarah Geronimo: “I-pray n’yo nang mabuti. Sana next week.”

Matteo Guidicelli talking about love and married life with Sarah Geronimo gives kilig to AshMatt fans; says finding your partner “will bring you to incredible places.”

Matteo Guidicelli declares: “I can’t wait to be a father.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.