P'wede palang sabihin na nagbabalik-GMA-7 itong si Dominic Ochoa ngayong mapapanood na ulit siya sa Kapuso Network.
Technically ay sa GMA daw pala siya unang lumabas at naganap ito noong mag-guest siya sa isang episode ng sikat na youth-oriented show na T.G.I.S. way back in 1995. Iyon daw ang pinakauna niyang TV appearance.
Kasunod noon ay sa ABS-CBN na yumabong ang kanyang career at nakilala ang aktor nang maging regular cast member siya ng rival program naman ng T.G.I.S. noon na Gimik.
Napasama pa siya sa boy group na Whattamen noon with Marvin Agustin at ang yumaong aktor na si Rico Yan.
Over the years, bumida ang seasoned actor sa iba't ibang Kapamilya TV shows gaya ng My Super D (2016) at Doc Ricky Pedia (2017-2020). Tumatak din siya sa manonood nang gumanap siya bilang pari sa primetime series na May Bukas Pa (2009).
At makalipas nga ang more than 25 years na pananatili sa bakuran ng ABS-CBN, ay muling mapapanood si Dominic this time sa GMA-7.
Sa ulat ng 24 Oras noong June 22, ipinakilala na si Dominic bilang "bagong Kapuso" ngayong kabilang siya sa upcoming teleserye ng network na Abot Kamay na Pangarap.
Makakasama niya dito ang dating child star na si Jillian Ward, Carmina Villarroel, Andre Paras, at ang Kapamilya-turned-Kapuso rin na si Richard Yap.
Kung tuloy-tuloy na ang pagiging Kapuso ni Dominic, ang Huwag Kang Mangamba (2021) na ang magiging pinakahuli niyang teleserye sa ABS-CBN, for now at least.
Huli naman siyang napanood sa Kapamilya Channel and other ABS-CBN digital platforms sa 2 Good 2 Be True nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung saan siya nagkaroon ng cameo role.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber