Dominic Roco, inakalang mahihirapan siyang makasundo si Xian Lim: “Nu’ng nakasama ko s’ya unang beses, ‘Parang malaking bata lang ’to, ah.’”

OB-GYNE pala ni Xian ang role ni Dominic Roco sa seryeng False Positive dahil ito ang mabubuntis imbes na ang katambal nitong si Glaiza de Castro.  Mapapanood ang romcom na False Positive simula May 2 sa GMA Telebabad.

PHOTOS: celebrityworldph & @xianlimm on Instagram

OB-GYNE pala ni Xian ang role ni Dominic Roco sa seryeng False Positive dahil ito ang mabubuntis imbes na ang katambal nitong si Glaiza de Castro. Mapapanood ang romcom na False Positive simula May 2 sa GMA Telebabad.

Hindi raw inasahan ng aktor na si Dominic Roco na madali silang magkakasundo ng bagong Kapuso star na si Xian Lim

Bukod kasi sa pagiging co-actors nila sa upcoming romantic comedy series na False Positive ay naging roommates pala ang dalawa sa lock-in taping nila. 

Kaya naman natanong ng entertainment press si Dom sa virtual media conference ng primetime show kamakailan sa naging experience n’ya with Xian habang ginagawa nila ang teleserye.

Dito n’ya nailahad na hindi raw n’ya inakala na madali n’yang makakasundo ang Kapamilya-turned-Kapuso actor. Tingin daw kasi n’ya dito noon ay mahirap itong pakisamahan dahil isa ito sa mga top actors noon ng ABS-CBN. 

Ako, surprisingly, I really enjoyed the company of Xian. Before kasi naisip ko na leading man s’ya ng Dos…mahirap kausap. Akala ko mahirap s’ya kasama,” pag-amin ni Dom. 

Pero mali daw pala s’ya ng initial judgment dito dahil nakita n’ya ang masayahin at playful side ni Xian. 

“Tapos nung nakasama ko s’ya unang beses, ‘Parang malaking bata lang ’to, ah,’” natatawang pagre-recall n’ya. “’Yong alam n’yang corny ’yong jokes n’ya pero itutuloy n’ya pa rin just to make everyone happy, to please everyone. And hindi s’ya pilit, natural lang sa kanya… Very kind person.”

Maliban pa roon, naka-usap din daw n’ya ito tungkol sa mga seryosong bagay gaya ng career moves at mga ganap sa showbiz industry. 

“We had a lot of conversations regarding our careers, what is happening in the industry, and ’yon ang nagustuhan ko kay Xian kasi I got to talk to him na personalan talaga. ’Yong alam mo na hindi s’ya plastik,” lahad pa n’ya.

Ito nga daw ang isa sa mga dahilan kaya mas gusto n’ya ang lock-in setup dahil bukod sa nakakapag-bonding sila kasama ng kanyang co-stars ay mas nakikilala daw n’ya nang malaliman ang kanyang mga katrabaho. 

Kaya mas gusto ko ’yong ganitong lock-in settings kasi you get to know the people you work with,” ani Dom.

And speaking of work, nagulat daw s’ya nang i-offer sa kanya ang role sa False Positive kaya hindi daw s’ya nakapaghanda nang husto para dito. 

Fortunately, gumanap na s’yang doctor noon sa ilang projects kaya hindi na mahirap para sa kanya na itawid ang mga eksena.

Sa totoo po hindi ko s’ya masyadong pinaghandaan kasi I got the call just three days before mag-start ng lock-in taping. So, ‘You have a work. This is what you will do,’” kuwento ni Dom. 

“I had no time to prepare so hindi ko po p’wede sabihin na pinaghandaan ko talaga.  Nagtiwala na lang po ako sa writers at sa script,” pagtatapos n’ya.

Abangan daw ang role n’ya bilang OB-GYNE ni Xian sa serye dahil ito ang mabubuntis imbes na ang katambal nito sa series na si Glaiza de Castro

Mapapanood ang romcom na False Positive simula May 2 sa GMA Telebabad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jennylyn Mercado, itutuloy ang Love. Die. Repeat series with Xian Lim pagkapanganak niya

Tandem nina Xian Lim at Glaiza de Castro, hindi raw pinagseselosan nina Kim Chiu at David Raine

Pagha-house tour vlog ni Xian Lim sa actual na bahay na pula sa Mindoro, hindi pinayagan ng mga ispiritu doon; “Nabura lahat ng files ko.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.