Donita Nose, hindi daw retokado ang ilong; ka-tandem na si Tekla, di kumbinsido

PHOTOS: @donitanose & @kapusoprgirl on Instagram

PHOTOS: @donitanose & @kapusoprgirl on Instagram

Napuno ng katatawanan ang vlog entry ng komenyante at talent manager na si Ogie Diaz na in-upload n'ya last September 25.

Nakasama n'ya kasi dito ang mga Kapuso TV host-comedians na sina Super Tekla at Donita Nose na nagsimula na ding mag-vlog para sa YouTube channel nilang Donekla in Tandem. 

Mukbang ang naging set-up ng vlog ni Ogie kaya naman busog na sa food silang tatlo at busog din sa katatawanan ang kanilang viewers. 

Dito, natanong ni Ogie kung paano ba nabuo ang Donekla na coined word ng kani-kanilang screen names. 

"Sa Wowowin po talaga [nabuo]," paliwanag ni Donita. "Actually, ang nagbigay ng Donekla sa amin is 'yong mga tao. May tao na nag-upload ng video na parang, 'Donekla, Donita Nose and Super Tekla.' 

"Hanggang sa maganda pakinggan, may recall, tapos sakto sa aming dalawa. 'Yon ang nangyari po hanggang sa ginamit na namin ang Donekla. 

"Pero si kuya [Willie Revillame] po, ang ginagamit talaga Donita Nose and Super Tekla. Never n'ya kami tinawag na Donekla."

At bago pa nakilala si Romeo Librada bilang Super Tekla sa showbiz, marami daw s'yang ginamit na alias noon sa pagtatrabaho n'ya sa mga comedy bars.

Ilan daw sa mga ito ang Nadya, na pinaikling "ina ni Jaya" dahil ginagaya n'ya daw noon ang late mother ng Soul Diva na si Jaya Ramsey. Pinangalanan din daw s'ya noon na "Tuklaw," "Tukmol," at "Tukling" pero mas nangibabaw daw ang "Tekla."

Si Donita naman, o Rodello Solano sa totoong buhay, nakuha daw ang screen name sa aktres na si Donita Rose dahil big fan s'ya nito.

"Ever since kasi na nagkaroon kami ng TV tapos napapanood ko si Donita Rose. Sobrang love ko s'ya. In-admire ko talaga s'ya," pahayag ni Donita Nose sa video.

"So, kapag nagbi-VJ s'ya [sa] MTV Asia, sobrang love ko s'ya. 'Ang galing nito tapos ang ganda pa. Parang ang sarap makasama.' Alam mo 'yon? Parang ang gaan. Which is totoo talaga kasi nu'ng na-met ko s'ya in person ang bait [n'ya]. Sobrang bait n'ya kaya s'ya talaga ang na-bet-an ko nu'n."

Na-curious naman si Ogie kung saan nanggaling 'yong Nose sa screen name n'ya. 

"Kasi Rose s'ya [Donita Rose]," sagot naman ng Wowowin co-host.

"Dahil katunog lang? Hindi dahil nagparetoke ka ng ilong?" pahabol na tanong pa ni Ogie.

Naasiwang sagot naman ni Donita: Ha? Alam mo, tigil-tigilan natin 'yang mga [issue ng] retoke, Ma. Hindi. Kasi never akong nagparetoke talaga."

"Mamatay [man]?"  muling bira ni Ogie kay Donita 

Dito na sumingit sa usapan si Tekla para ilaglag ang kaibigan.

"Alam mo, Kuya Ogie, 'yan 'yong hang-ups n'ya," panimulang paliwanag ni Tekla. "Alam mo nagpagawa ka rin naman [ng ilong], gumanda naman, ayaw n'ya aminin na nagpagawa s'ya. Gusto n'ya [isipin ng lahat na] natural. 'Di ba, ipokrita?"

Kinontra naman ni Donita ang mga sinabi ni Tekla. 

"Bakit kailangan mong sabihin sa mga tao kahit na alam mong kasinungalingan? Hindi naman totoo," sey n'ya sa kanyang fellow Kapuso comedian.

"Kasinungalingan? Halata naman ikaw nagparetoke. 'Yong ilong..." pagpupumilit ni Tekla kay Donita.

Sagot pa ni Donita: "Bakit pinipilit mo akong nagparetoke e hindi nga ako nagparetoke ng ilong?" 

"Aminin mo na. Nakakahiya kay kuya," muling sundot ni Tekla.

 "Tekla, wala akong aaminin. Honest ako. 'Yong lahi namin maganda ang ilong," dagdag paliwanag pa ni Donita sa video.

Ayaw naman paawat ni Tekla at muling nilaglag si Donita kay Ogie.  
 
"Kung makikita mo dati 'yong ilong n'ya, D'yos ko..." ani Tekla. "Isang dangkal na lang tenga na." 

Nauwi tuloy sa tawanan ang bangayan nila tungkol sa pagpaparetoke umano ni Donita ng ilong. 

"Ang yabang," pagpapatuloy pa ni Tekla. "Gumanda naman. Ang ayos naman ng outcome. Ayaw n'ya aminin. Gusto n'ya, inborn. Ang sarap tubuhin."

Muli na naman silang nagtawanan. 

"Alam mo, Tekla, gusto ko lang sabihin sa'yo na 'yong mga sinasabi mo puro kasinungalingan," sey ni Donita nang mahimasmasan sila sa kakatawa. 

Dito muling ipinilit ni Tekla na nagparetoke nga ng ilong si Donita na todo tanggi naman sa issue na 'yon.

"So pinipilit mong ako nga? Ako? Ako nagparetoke? Ako?" medyo gigil nang tanong ni Donita habang dinuduro si Tekla. 

"So sinong gusto mo? Kami?" balik ni Tekla kay Donita sabay turo kay Ogie sa tabi n'ya na napahagalpak na naman ng tawa.

"Tarantado pala 'to, e," dugtong pa ni Tekla kay Donita na noon ay namumula na sa kakatawa. 

"Kumbinsihin mo ang mga tao dito na kami ang nagparetoke," hamon pa n'ya sa TV-host-comedian. "Kung kami nagparetoke, buhay pa kaya [ang] doktor na gumawa nito? Ano 'to? Anaesthesia lang? 

"Wow! Makatawa ka naman," saway naman n'ya kay Ogie na namimilipit sa kakatawa. "Ano 'yong sa'yo, promo?

"At kung nagparetoke kaming dalawa [ni Ogie], anong hugot namin sa mukhang 'to? Maganda kami dati? Nagsawa kami [kaya] pinaganito namin? Ngayon hindi na namin maibalik? Bobo!" 

Natanong naman ni Ogie kung napipikon ba o nasasaktan si Donita kung tinutukso s'yang nagpaayos s'ya ng ilong. Uso man kasi sa mga artista ang pagpapaayos ng ilong ay may kakambal itong stigma. Nadya-judge din sila na kulang sa self confidence at bina-brand na hindi natural ang ganda. 

"Hindi po. Hindi naman totoo," tugon ni Donita.

Bilang patunay na hindi 'Salamat po, Dok' ang ilong n'ya, ay diniinan ito ni Donita. 

Hindi naman kumbinsido si Tekla at nagkomento ng: "Tingnan mo, may pag-iingat."

"Anong pag-iingat?" tanong ni Donita at muling diniinan ang kanyang ilong. "Palibhasa kasi kayo, hindi n'yo maganu'n [ang mga ilong n'yo] kasi ganu'n na agad."

Naniniwala naman daw si Ogie na natural ang pagiging matangos ng ilong ni Donita kaya naman daw naging running joke na ang tsimis na nagpa-nose job s'ya. 

At dahil ayaw nga paawat ni Tekla, muli itong humirit kay Ogie at nagtanong. 

"So tayo talaga ang nagpa-ilong?" tanong nito sa Kapamilya comedian na muli nilang ikinatawang lahat.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto proud that she stood up for herself against fake pregnancy rumor through NBI complaint

Single na si Martin Del Rosario, ayaw ng girlfriend na taga-showbiz: "Napapraning ako kapag may showbiz na love life."

Kakai Bautista, binalikan ang “traumatized” episode ng buhay niya with Ahron Villena at kung paano sila nagkabati nito

Cristine Reyes on her daughter Amarah: "Gusto ko lumaki s'ya kabaliktaran kung paano ako lumaki."

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.