DonKiss, mamimiss ang isa’t isa

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Sa millennial movie na Walwal ng Regal Films noong June 2018 unang naipareha sina Donny Pangilinan at Kisses Delavin. At malamang ay may nakitang chemistry sa kanila ang ABS-CBN kaya isinali sila sa morning drama show na Playhouse para dagdag-kilig sa romantic pair nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Dito na mas nabuo at tumatak ang tambalan nina Donny at Kisses na mas kilala ngayon sa tawag na DonKiss.

First teleserye project ng magka-loveteam ang Playhouse—where they played the persistent suitor Zeke and the hard-to-get Sheilakaya this will remain one of the most unforgettable projects daw sa kanilang kasisimula palang na career.  

At kahit pa nagka-spin off na ng another project ang proven chemistry ng DonKiss tandem, ang ZEKEling Maging Tayo, na isang iWant original series, mami-miss daw nang husto ng dalawa ang set ng Playhouse, ang nabuo nilang mga samahan doon, at higit sa lahat, mami-miss nila ang isa’t isa.

Mami-miss daw for sure ni Donny ang energy ni Kisses. 

“Kasi grabe ’yong energy talaga ni Kisses and 2:00 AM na kami nag-te-take [ng eksena], sobrang energetic pa rin niya, sobrang game. Ako, ganyan ako, ‘Kisses ako na…’ 

“Pero grabe, I really saw na the value of hard work and I really saw na you know, there’s this energy in her na very distinct. So, I think that’s what gonna miss the most because it’s very rare to find that.” 

Hala! ano kaya?” pa-tweetums namang simula ni Kisses. “Ang mami-miss ko po kay Donny? Si Donny kasi matagal na din po kaming nagkasama, nagkasama rin po kami last year. Unang-una nag-shoot po kami sa isang movie, tapos biglang magkasama po pala kami sa Playhouse.

“So sabay-sabay po kami sa lahat ng pangyayari kasi first teleserye po namin ito together and nag-shoot kami ng mga school scenes tapos alam ninyo ’yong feeling na kinakabahan kasi hindi mo alam kung pa’no yong ano…kasi nagkakahiyaan po kami. 

“Pero lahat ng ’yon na-experience namin together and ’yong journey talaga ang mami-miss mo tapos ’yong tao pero naging masaya talaga siya lalo na ’yong sa school scenes.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Donny Pangilinan breaks his silence over ‘end’ of DonKiss issue

Kisses Delavin announces DonKiss has “long been over.”

Donny Pangilinan, may pag-asa nga ba kay Kisses Delavin?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.