Donnalyn Bartolome, halos maubusan ng tili nang makatanggap ng birthday gift mula kay Lee Min-ho?

SCREENSHOT:  Donnalyn Bartolome on YouTube, @actorleeminho on Instagram

SCREENSHOT: Donnalyn Bartolome on YouTube, @actorleeminho on Instagram

Ang haba ng hair ngayon ng singer-actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome matapos makatanggap ng birthday gift mula sa isa sa mga biggest Korean stars na si Lee Min-ho. 

Donnalyn turned a year older last July 9 kaya naman ang pinaka-bagong content niya sa kanyang sikat na YouTube Channel ay ang unboxing ng mga regalong natanggap niya.

The said YouTube vlog was posted yesterday, July 31, na mayroon na agad 778K-plus views in less than 24 hours. 

Sobrang na-appreciate ni Donnalyn ang mga bumuhos na regalo mula sa kanyang mommy, fans, at brands and companies na sumusuporta sa kanya.

Ilan sa mga natanggap ng Viva-contract artist ay jewelries, airpod, earphones, cellphone, make-up set, meteor microphone, a mini ref, Donna Funko Pops and little Donna Funko pop keychains mula sa kanyang Oomph TV family na ipapamigay daw n’ya sa mga subscribers niya later on.

Naka-receive din s’ya ng perfume, luxury bags, skin-care products, stuffed toy, jacket, a pair of luxury shoes, face shields, camera bag and accessories from Facebook, at meron pang isang high-tech gold doorknob!

Pero ang pinaka-nagpakilig sa birthday girl? Ang isang malaking box na may tatak Cellreturn mula pa sa South Korea.

Noong una, medyo confused pa si Donnalyn kung ano at saan galing ang misteryosong kahon.

“Do you have any idea kung ano ang Cellreturn?” sey pa n’ya while opening the box. “I’m so excited to see it.”

Unang bumungad kay Donnalyn ang mga pictures ni Korean superstar Lee Min-ho na kalakip ng package. Doon palang ay nagti-titili na sa tuwa ang “HBD” at “Di Lahat” singer. 

“Guys, it’s from Lee Min-ho!” announce niya. “Oh my God! Look! Oh my God! Ang cute n’ya dito! Pretty boy.”

It turned out, ang Cellreturn ay isang brand ng LED therapy mask na isang home skin-care light therapy wireless beauty tool na ine-endorse ng bida ng The King: Eternal Monarch.

Ita-try daw ni Donnalyn ang mask sa susunod n’yang vlog na dapat abangan ng kanyang mga fans and subscribers.

“Thank you, Lee Min Ho. Sarangheyo (I love you),” pabahol ng aktres. 

Game ding nag-merienda si Donnalyn kasama ng kanyang team in the middle of her unboxing session.  

“We're taking a break first,” paliwanag ng dalaga habang kumakain ng instant pancit canton at nilagang itlog.

“Funny, right? Nag-a-unbox ako ng mga gifts pero ang totoo kong mga gifts—ito,” sweet na dagdag pa ng singer-actress referring to her team. 

At dahil tila nag-save the best for last si Donnalyn, huli n’yang binuksan ang biggest box in the room.

“I already know what it is. It says ‘piano,’ komento n'ya na may halong pagkasabik sa musical instrument dahil nga isa s’yang music artist. “It’s white! It's so nice. I love it. Naiiyak ako. Ang ganda-ganda n’ya.

PANOORIN ang kabuuan ng unboxing video ni Donnalyn ng kanyang mga birthday gifts dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.