Donnalyn Bartolome, naranasan na palang malunod kaya relate at doble-kayod sa pagtulong sa mga binaha ni #UlyssesPH

PHOTOS: @donnalynbartolome on Instagram

PHOTOS: @donnalynbartolome on Instagram

Umabot na sa mahigit 1.8 million views ang latest vlog entry ng singer-actress na si Donnalyn Bartolome na in-upload n’ya sa YouTube last November 13.

For a good cause ang nasabing vlog entry—na naglalaman ng videos na nagpapakita ng hirap na kalagayan ng mga taga-Marikina nang hagupitin ito ng Typhoon Ulysses kamakailan—dahil ang kikitain nito ay ipapantutulong daw ng singer-actress sa mga nasalanta ng bagyo. 

Sey ni Donnalyn sa video, naiiyak daw sila at hindi nila kaya manood lang sa bahay kaya naman lumabas sila para nga ipakita sa lahat ang sitwasyon sa Marikina that time. 

“We’re on our way to Marikina. And the reason why sumama pa talaga kami because we can’t stay home. We can’t sit there nang walang ginagawa,” sey ng actress-vlogger.

Ang vlog, entitled THE SUPER TYPHOON THAT BEAT ONDOY?, ay pandagdag tulong ni Donnalyn, na nauna na nang nagpa-abot ng tulong noong November 12 pa lang. Isa siya sa mga celebrities na unang nagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo. 

November 12 nga nang unang manawagan ang Viva artist para sa mga volunteers. Bumili kasi s’ya ng mga bangkang pang-rescue sa mga residenteng na-trap ng baha sa kani-kanilang mga bahay.

 

MARIKINA and RIZAL residents sino ang gusto magvolunteer for rescue? Marunong magsagwan at lumangoy, kahit magbayad ako....

Posted by Donnalyn Bartolome on Wednesday, November 11, 2020
 

Boats delivered to Montalban Rizal. Get to safety everyone (read the post)🙏🏻 Otw to Marikina right now to deliver more...

Posted by Donnalyn Bartolome on Wednesday, November 11, 2020

At dahil marami din daw ang nagtatanong na Netizens kung paano sila makakatulong through donation, nagsagawa na din ng fundraising ang aktres via her charity organization, Influence Us, kung saan ang malilikom na pondo ay ipangtutulong sa mga biktima ng bagyo, hindi lamang sa Marikina kundi pati sa Rizal, Paranaque, Bicol Region, at Cagayan. 

Sa kanyang vlog, kasama ni Donnalyn ang kanyang all-girls team at may dala rin silang truck, na nala-convoy sa van nila, na p’wedeng tumulong sakaling may sasakyang kailangang i-tow dahil mataas nga ang tubig baha sa lugar.

Malayo pa lang, kita na nila agad ang Marikina na tila naging dagat dahil sa taas ng baha.

Naging light naman ang mood matapos nilang madaanan ang mga sundalong naghahanda para sa rescue operation. Gwapo daw kasi ang isang sundalo na nakita nila kaya napatili silang lahat.

“Pandemic na tapos may typhoon pa. Isipin mo ‘yan. Naisiip pang maglandi ni Marie,” pagbibiro pa ni Donnalyn sa kanyang kasama. “Joke lang. Pero hindi.

Tumabad din sa kanila ang mga nagtumbahang puno dahil sa malakas na hangin, ang umaapaw na Marikina River, mga binahang kabahayan, at mga taong naglalakad bitbit ang kanilang mga gamit at alagang hayop. 

Maya-maya pa ay lumipat rin sila sa dala nilang truck dahil hindi na umaandar ang sinasakyan nilang van. Namatay kasi ang makina nito matapos nga sumuong sa baha. 

Kinabahan pa si Donnalyn nang mapadaan sila sa hanggang bewang na tubig dahil baka nga kasi hindi kayanin ng makina ng sasakyan at ma-stuck na naman sila sa gitna ng baha. 

Kahapon naman, November 17, nagbigay ng update ang singer and social media influencer sa kung magkano na ang nalilikom nilang donasyon. 

“To all my rescue angels, we’ve collected P708,142.38 as of this hour for Influence Us," pahayag n'ya sa kanyang Facebook page. "I can finally sleep knowing I’ve done everything I can and reached out to everyone I can because anything more than I can give is still more. 

“This is benefiting thousands of families so something as little as 10 pesos is so helpful,” dagdag pa n’ya. “You will see more of that soon on @influence_us.ph instagram and facebook page.”

Humingi rin ng paumanhin si Donnalyn kung puro calamity-related ang laman ng kanyang social media lately. May hugot kasi s’ya dito na may kinalaman sa personal experience n’ya noon.  Ito marahil ang dahilan kung bakit ganito s’ya kasigasig sa pagtulong ngayon. 

“I’m sorry if for the past few days all you’ve seen is charity content, I actually feel a little embarassed to bombard everyone with my posts about the calamity.. I’ve experienced drowning and it’s the most unforgettable moment of my life,” pagtatapos n’ya sa kanyang FB post. 

PANOORIN ang kabuuan ng vlog ni Donnalyn Bartolome dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.