Dream na pagtatagpo ng isang male TV host at young female superstar, mangyayari na!

Dream na pagtatagpo ng isang male TV host at young female superstar, mangyayari na!

Dream interviewee ng isang magaling na male talk show host ang isang young female superstar. Matagal na siyang naiintriga sa taglay nitong charisma and he wants to pick on her brains. 

At dream din naman ni young female superstar to be interviewed by the legendary TV host. It’s a badge of honor kasi sa showbiz na makabalitaktakan ang TV host.

Pero dahil sa network rivalry, it never became possible for their dreams to happen. Kapamilya kasi si TV host, while identified naman sa Kapuso network si young female superstar.

Until one special project came along. Ito lang pala ang hinihintay nilang chance para ma-meet and makilala ang isa’t isa. Tamang panahon, sabi nga.

This week, magaganap na ang first meeting nila—July 12 ng gabi to be exact. There’s an important matter that the female young superstar needs to discuss and feeling niya, ang magaling na TV host and best bet niya para mapagsabihan nito. 

According to our reliable source, isisiwalat naman ng dalawa ang mga bagay na pag-uusapan nila lalo pa raw when everyone will be abundantly blessed sa good news na gustong i-announce ni female young superstar sa tulong ng magaling ng TV host.

Who are they and how did this upcoming meet-up came to be? Malalaman natin sabay-sabay soon. Stay tuned. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.