Tila na-corner ni Julia Barretto ang kaibigang aktor na si Marco Gumabao nang sumalang ito sa first episode ng #DrinkAndSpill series ng aktres sa kanyang YouTube channel na Just Julia.
In-upload last November 7 ang nasabing vlog entry na meron ng more than 700K views at ikatlo na sa top trending YouTube videos as of the moment.
Bilang backgrounder sa video, sinabi nilang matagal na silang magka-ibigan dahil kaibigan ng dad ni Marco (Dennis Roldan) ang tita ni Julia (na hindi pinangalanan). In fact, bata palang daw at hindi pa sila nagso-showbiz ay magkakilala na sila.
Pero mas tumatag umano ang friendship nila nang nasa showbiz na sila nang mai-assign sila sa iisang handler sa Star Magic noon na si Monch Novales.
Kaya naman lumabas na napaka-authentic ng vlog dahil litaw na litaw ang closeness, comfortability, at kulit ng dalawa.
At dahil #DrinkAndSpill ang concept ng vlog kaya kailangan nilang tumagay ng tig-dalawang shots ng tequila bago sumagot ng tanong. Dinagdagan pa nila ito ng twist na me-meykapan ni Marco si Julia habang nagtsitsikahan sila na nakadagdag sa kulit factor ng vlog.
Isa sa mga unang naitanong ni Julia kay Marco ay kung may time ba nainis sa kanya ang aktor at oo ang naging sagot nito.
“One time, nasa The Fort tayo tapos dami mong ininom,” may halong panlalaglag na pagre-recall ng 26-year-old actor-model. “Tapos si Tita Marj [Marjorie Barretto] kasi, she trust me with Julia.
“May isang friend kami—common friend—na sobrang nilasing si Julia. Tapos iniwan s’ya! Iniwan sa akin para alagaan ko. Ito naman ako, s’yempre, mabait akong kaibigan, binuhat ko s’ya sa kotse n’ya.
Pagdadahilan ng binata kaya siya na-bad trip ay dahil nasa gitna daw kasi s’ya noon ng kasiyahan nang biglang kailangan n’ya asikasuhin si Julia.
“S’yempre, nag-e-enjoy ako tapos biglang kailangan kong mag alaga ng kaibigan… Alam mo ‘yon? Nag-e-enjoy tayong lahat tapos biglang si Julia… Ang aga aga pa kasi nu’n, guys. Wala pang 12 midnight, nagsisimula pa lang ’yong gabi tapos ’yong kaibigan mo lasing na lasing na kailangan mong alagaan,” depensa ni Marco nang makita ang pairap na reaksyon ni Julia.
Tugon naman ni Julia, heartbroken daw kasi s’ya nu’ng mga panahong ’yon.
At ibinalik naman ni Marco sa kanya ang tanong kung nagkaroon din ba ng time na nainis si Julia sa kanya.
“The only time that I got upset with you was when I feel like you’re doing something that’s not good for you,” sagot naman ni Julia sa kanya. “I don’t get mad. I’m more sad because you’re my friend and I wanna look after you and I don’t want you to do anything that will further more harm you. You know what I mean. Nothing like anything that ruin our friendship.”
Natanong naman ang aktor kung ano ang opinyon n’ya sa mga babaeng gumagawa ng first move.
“That’s a hard question. Thank you so much for that question,” pangunang sagot ni Marco na animo’y isang contestant sa beauty pageant. “Parang I don’t see what’s wrong kasi masyadong gender biased ’yong ibang tao when it comes to relationships, ‘di ba?
“As long as the intention of the girl is pure so parang, for me, nothing is wrong with it,” dugtong pa n’ya. “If the girl wants that guy, gumawa ka ng move, ‘di ba? If you really want someone, if you like someone then wala naman masama in making the first move.”
Sinang-ayunan naman ito ng aktres.
“Which I totally agree with you,” ani Julia. “You know the moment I realized it was fine if the girl says ‘I like you’ first, ‘I love you’ first, or expresses her feelings first...was when you took me to church, to Favor [Church] and Pastor James had something like there’s absolutely nothing wrong when a girl [does the first move].
At dito na nagka-chance na i-hot seat ni Julia ang kaibigan sa tanong kung na-attract ba ito sa kanya.
“Kapal ng mukha nito,” natatawang tugon ni Marco sa dalaga. “Oh my God. Seryoso ka ba at tinatanong mo ’yan?”
“Just answer the question truthfully,” pagpupumilit naman ni Julia.
“Oo naman,” pag-amin ni Marco sa kanya.
“Talaga?” tanong pa ng actress-vlogger sa kanyang binatang guest.
“As if naman [na hindi mo alam],” sagot naman ni Marco sa kanya. “Alam na alam ni Julia ‘yan. S’ya ang nag-prepare ng questions dito.”
Kaya naman napa-throwback si Marco sa panahong umamin s’ya ng feelings n’ya kay Julia.
“Eto lang. Back story lang. So, before, s’yempre lagi kaming magkakasama [ni Julia]. As in, every week. Like three times a week magkakasama kami. Minimum ’yon. As in. So, mahihirapan kang hindi ma-attract sa kaibigan mo, ‘di ba?
“Pero thankful din ako na we stayed as friends because solid talagang kaibigan si Julia. Pero minalas s’ya kasi hindi n’ya ako sinagot,” pagbibiro pa ni Marco na ikinatawa nilang dalawa.
“So, yeah. Dumaan naman ako sa phase na I like Julia,” muling pag-amin ng binatang aktor. “Tapos… Mga bata pa talaga kami nu’n. We were like, what? Nineteen s’ya? Eighteen? So, ako mga 21 lang ata ako nu’n.”
Pero kahit daw wala namang kinahinatnan ang pagtatapat na ’yon ni Marco kay Julia noon, wala rin naman daw nagbago sa pagkakaibigan nilang dalawa.
“We were never awkward after that time,” sey pa ni Julia. “And it never really did anything bad for our friendship. In fact, it made it stronger. As for me, I respect you so much.
“Sinabi ko naman sa kanya na, ‘Im so proud of you and it’s so brave of you to tell me how you feel about me and I appreciate it.’ But also really that time I wasn’t ready yet. [But] There was no awkward moment with you.”
Tsika pa ni Marco—na init na init kaka-shot ng tequila—aware daw ang mga kaibigan nila na may pagtingin s’ya noon kay Julia.
“Alam naman nila before, like, sa barkada namin. Alam nila na I had a crush on Julia,” pahayag ni Marco.
“You didn’t have a crush on me, Marco. You were in love with me. Tell them the truth,” patuksong sundot ni Julia sa mga sinabi ni Marco.
Walang nasabi ang binata kundi: “Whoah... Wait lang. Wait lang. Shot pa? Shot pa?”
Matapos maka-inom ng alak ay muli nitong pinanindigan ang ginawa n’yang pagtatapat ng feelings kay Julia.
“Ito guys, ha...Kapag may gusto kayo sa isang tao, ‘wag n’yo ikahiya,” pahayag pa n’ya. “‘Yon lang ‘yon. Pero ‘yong sa amin ni Julia was like three or four years ago.”
Natanong din ang Hindi Tayo Pwede lead actor kung ano ba ang biggest deal breaker para sa kanya.
“In a relationship? Para sa akin ’yong walang poise,” paliwanag n’ya. “S’yempre lahat naman tayo, may kengkoy side tayo, may jologs side tayo. Pero may boundary s’ya, e.
“Hindi naman ako conservative pero, alam mo ’yon, parang meron lang kasi level of poise… May boundary tayo na kailangan i-meet. ‘Yon lang.
“Madali ako ma-turn off kapag medyo nag-o-overboard,” dagdag pa n’ya. “Kasi s’yempre, ipapakila mo sa family mo yan, sa mga kaibigan mo yan, so, importante na makita nila na, ‘Ah, okey. Itong babaeng ’to matino or p’wede mong dalhin kahit saan or ipakilala kahit kanino.’”
Isa pang tanong kay Marco ay kung umi-score ba ito ng halik sa girl kapag nag-aaya s’ya ng date.
“S’yempre, hindi,” mabilis na palag ni Marco na hindi naman agad tinanggap ng aktres.
“S’yempre, ikaw pa ba? Knowing Marco, s’yempre kiss na yan agad,” sugsog ni Julia.
Paliwanag naman ni Marco sa viewers: “Alam n’yo, guys, I have matured.”
At hindi na naman ito pinaniwalaan ng aktres.
“Marco… Hindi mo ‘yan branding, Marco. Hindi mo ‘yan image,” kantyaw pa ni Julia sa binata.
“Hindi mo pa ako nakikilala? Like before… Aminado naman ako before. I was enjoying my life before,” pag-amin naman ni Marco. “Habang tumatanda tayo, nagma-mature tayo.
“Nasa lalaki rin, e, kung may gagawin s’ya o wala. Kasi ako ha, kung madali mong nakukuha ’yong girl, madali rin s’yang mawawala sa’yo. Kapag pinaghirapan mo ’yong babae, mas tatagal s’ya sa’yo.”
Proud naman daw si Julia sa ikina-mature ni Marco mula sa pagpapalit-palit ng mga nakaka-date noon.
“Sobrang nasisira na ako dito sa vlog na ‘to. Oh my God!” sey ng binata na nagtakip pa ng mukha dahil sa mga sinabi ni Julia.
“And my favorite joke to him was, ‘Marco, stop searching for me in every woman,” pagbubuking pa ni Julia sa kanya.
Napabalikawas naman si Marco at sinabing: “Oo. Sinabi n’ya talaga ‘yan. Sinabi ko talaga sa kanya, ‘Ang kapal ng mukha mo. Grabe ka.’ Promise. Porke’t sinabi ko lang sa kanya na crush ko s’ya dati sa tingin n’ya s’ya na ’yon.”
“Marco, stop saying crush. You were in love with me,” muling pangungulit ni Julia sa kanya.
At dahil ipinaalam na rin lang n’ya noon na crush n’ya si Julia, natanong si Marco kung may pinagsisisihan s’ya sa kanyang mga ginawa para makuha ang atensyon noon ni Julia.
“I don’t regret anything,” matapang na sagot ng binata. “Kung gagawa ka ng effort para sa crush mo, bakit mo ire-regret? Be proud of it. Kaya ka nga gumagawa ng effort, e.
“Kung gusto mo magpakalasing para mapansin ka ng crush mo at umaasa kanyang aalagaan ka n’ya… E, hindi. E, di nganga ka, ’di ba?”
Pero kung may ayaw man daw si Marco kay Julia, ito ay ang pagiging gullible nito when it comes to love.
“Tanga ka sa pag-ibig,” paglalahad ni Marco sa dalaga straight to her face. “Tanga ka… Dati. Hahaha!”
“Nagbabago tayo. Si Julia talaga… Nakakatawa si Julia. Promise. Tanga sa pag-ibig. Pero okey lang ‘yan. Lahat tayo dumadaan sa ganyan.”
“Masarap ako magmahal, Marco,” sey naman ng aktres.
“Good for you. Hahaha!” sagot naman ng aktor sa kanya.
“Good for my partner,” pagko-correct n’ya kay Marco.
“Good for your partners pala,” say naman ni Marco.
“Partner lang. Isa lang,” muling pagko-correct ni Julia.
“Sino ba yang partner na yan?” panunukso ni Marco na ikinatawa nilang dalawa.
“Let’s move on na, Marco…” yaya pa ni Julia sa binata na nakasandal na lang sa sofa at mukhang nagsisimula nang malasing.
“Matagal na akong naka-move on sa’yo. Anong akala mo sa akin?” pagdidiin ni Marco kay Julia.
“Sa make up. Move on na tayo sa make-up… Oy, Marco, affected ka pa ha,” pagbibiro naman ni Julia sa kanya.
“Matagal na nga akong naka-move on, affected pa rin ako?” ganting tanong ni Marco kay Julia.
Nagbigay din si Marco ng mga katangian ng lalaki gusto n’ya para sa dalaga.
“S’yempre gusto ko, ’yong mamahalin ka, mamahalin ’yong family mo... Someone who can put up with all your drama, lahat, everything. And naniniwala naman ako na kaya ni God ibigay lahat sa ’yon,” pagtatapos ni Marco.
PANOORIN ang kabuuan ng kulitan nina Julia Barretto at Marco Gumabao dito:
YOU MAY ALSO LIKE:
This is Showbiz (Episode 6): JULIA BARRETTO—MOVING ON, MOVING FORWARD
Showbiz humbled the former bully in Marco Gumabao