Eat Bulaga bunso Baeby Baste, todo ang pasasalamat sa pagiging bahagi ng longest-running TV show sa Pinas

PHOTOS: @iambaebybaste on Instagram

PHOTOS: @iambaebybaste on Instagram

Thankful na nagbalik-tanaw ang child TV star na si Baeby Baste sa mga naging experiences niya sa longest-running noontime show in the Philippines na Eat Bulaga na nagse-celebrate ngayon ng kanilang 41st anniversary.

Taong 2015 nang mapabilang ang noo'y tatlong taong gulang pa lang na si Sebastian Benedict Granfon Arumpac o mas kilala sa bansag na Baeby Baste sa daily noontime TV show. 

Sa kanyang Instagram today, July 30, nag-post si Baste ng throwback photos n'ya taken while he was performing on the show.

Inisa-isa ng ng multi-awarded child star sa kanyang caption ang kanyang mga naging achievements sa tulong ng multi-awarded ding noontime variety show. 

"EAT BULAGA....

"[A]ng bumulaga sa buhay ko noong akoy 3yrs old pa.

"[A]ng nagbigay tahanan, ako'y inalagaan, minahal at inaruga.

"[A]ng nag bukas ng maraming oportunidad di lang sa akin kundi pati sa aking pamilya.

"[A]ng nagpakilala sa akin sa mga tao mula Batanes hanggang Jolo.

"[A]ng naniwala sa aking kakayahang magperform sa entablado.

"[A]ng nagbigay ng kantang "Bastelicious" na hanggang sa pagtanda mapapakinggan ko."

Nagpasalamat din ang youngest Dabarkads sa Eat Bulaga at pamunuan nito sa pagbibigay sa kanya ng opportunities at ma-enjoy ang kung anuman ang tinatamasa n'yang biyaya ngayon.  

"EAT BULAGA... maraming salamat sa magandang buhay na ibinigay mo," paghayag pa ni Baste sa kanyang IG post.  "Na kung anong meron ako, yan ay dahil sa inyo."
 
"Sa aking Boss, si M'm Jen maraming salamat po sa pagdala sa akin sa EAT BULAGA... habang buhay ko po kayong pasasalamatan M'm Jen. sa lahat po ng mapagmahal, grabeng pasensya, grabeng pagintindi, grabeng masayahing mga hosts ng EAT BULAGA, maraming salamat po sa inyong pagtanggap. 

"Mr. T, thank you po kaayo. Sa lahat po ng mga bumubuo ng show, sa aking mga kalaro, ang saya! 

"WALAY KAPOY SA EAT BULAGA!!!!!!" pagpapatuloy pa n'ya. "Pangako ko'y pagbubutihan ko ang aking trabaho with all my heart, mind and soul para magbigay ng isang libo't isang tuwa EAT BULAGA, daghang salamat. 

"HAPPY ANNIVERSARY EAT BULAGA ug sa tanan ga love ug support since 1979," pagtatapos ni Baeste.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Baste (@iambaebybaste) on

Nagsimula ang Eat Bulaga noong July 30, 1979 sa RPN 9 with Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon as its original hosts bago ito napunta sa ABS-CBN mula 1989 hanggang 1995. 

Mula ABS-CBN, lumipat naman ito sa GMA noong 1995 at nag-e-air pa rin sa Kapuso network hanggang sa kasalukuyan. 

Sa pagdaan ng mga taon, maraming celebrities ang napasama bilang host ng programa. Ilan nga sa kanila ay nina Coney Reyes noong 1982, Aiza Seguerra noong nanalo s'yang Little Miss Philippines noong 1987, Ruby Rodriguez in 1991, Jose Manalo in 1994, Allan K in 1995, Wally Bayola in 2000, Paolo Ballesteros in 2001, Pia Guanio in 2003, Pauleen Luna in 2004, Ryan Agoncillo in 2009, Ryzza Mae Dizon in 2012, at marami pang iba. 

At noong 2015 nga, naging Dabarkads din sina Alden Richards, Maine Mendoza, at Baeby Baste. 

We're happy for your milestone, Darbarkads and Eat Bulaga!

 

YOU MAY ALSO LIKE

Pika's Pick: Baeby Baste’s policeman dad, who defeated Covid-19, is now back at work as a frontliner after spending weeks in an isolation facility

Pika's Pick: Alden Richards and Baeby Baste spend karaoke night together

Pika's Pick: Baeby Baste teases fans with photo together with the cast of the upcoming series First Yaya

Pika's Pick: Baeby Baste joins Sinulog fluvial parade; wishes for more fish in the sea

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.