Eat Bulaga! Dabarkad Jimmy Santos, vlogger na sa Pampanga

PHOTOS: @jimmysaintsss on Instagram & GMA Public Affairs on YouTube

PHOTOS: @jimmysaintsss on Instagram & GMA Public Affairs on YouTube

Isa na ring vlogger ang comedian-TV host at dating professional basketball player na si Jimmy Santos na ngayon ay nasa Clark, Pampanga.

Pagba-vlog na ang pinagkakaabalahan ngayon ng Eat Bulaga! Dabarkad na mukhang hindi pa makakabalik sa longest-running noontime show dahil sa kanyang edad. 

At present kasi ay 69 years old na si Jimmy, isa ng senior citizen na kabilang sa vulnerable sectors ngayong may pandemic.

Kinumusta s’ya kahapon, June 9, ni Love Anover sa Kapuso morning show na Unang Hirit at tinanong kung ano ba ang dahilan at nakahiligan n’ya ang pagba-vlog sa Pampanga.

Sagot ni Jimmy, “Shine-share ko lang ‘yong kaunting kaalaman ko at ‘yong mga naikuk’wento sa’kin ‘yong tungkol dito sa Pampanga.”

Sa ngayon ay meron na s’yang mahigit 201K subscribers sa YouTube channel n’yang Jimmy Saints na kanyang sinimulan nito lamang February. 
 
Ang pagba-vlog, hindi basta ganu’n lang, e,” lahad pa n’ya kay Love. “Kailangan meron ding sense na kailangang kapulutan ng aral. Alam mo naman ang kaalaman, walang katapusan, e.

At dahil mahusay din sa kusina ay ipinagluto ni Jimmy si Love ng bulanglang o ‘yong Kapampangan version ng sinigang sa bayabas. 

Pinasok ni Jimmy ang showbiz noong 1977 at nakilala sa mga pelikula n’ya noong 80’s gaya ng “Bondying” at “I Love You Three Times a Day.” 

Taong 1983 naman nang maging co-host s’ya sa Eat Bulaga!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: The TVJ (Tito, Vic, and Joey) reunites after a year for their friend Tony and Madz Tuviera’s 50th wedding anniversary

Dahil sa bigat ng topic ng Bawal Judgmental, Maine Mendoza, bumigay

Allan K at Wally Bayola, nag-trending matapos ilahad ang mga dagok ng 2020 sa buhay nila sa Bawal Judgmental

The Butcher | Visiting Eat Bulaga's new home

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.