Nagbigay ng babala ang TV host-actress na si Camille Prats sa publiko dahil mayroon umanong online scam na gumagamit sa edited family photo nila para palabasing ini-endorso nila ang isang uri ng food product.
Sa kanyang Instagram post kahapon, August 16, binalaan n’ya ang kanyang mga online followers sa mga nasabing scammers matapos umano s’yang makatanggap ng mga messages tungkol dito.
“PLEASE READ‼️I have been getting alot of messages about this photo of our family endorsing some snacks and cereals. Guys, THIS IS A SCAM 😣,” panimula ng Kapuso actress sa kanyang post.
Kalakip nito ang screenshot photo ng isang “sponsored” social media post na under account name na “Camille Prat Yambao.”
Makikita dito ang larawan ng kanilang buong pamilya na kinuha ng scammer sa kanyang Instagram post noong birthday n’ya. Matapos i-edit ang nasabing family picture at sinamahan ng mga produkto ay ipinost ito online at pinagmukang ini-endorso nila ang isang tila Chinese brand ng cereal. Dinamay pa sa caption ng post ang aktres na si Marian Rivera dahil pinalabas doon na pinasalamatan niya ito sa pagre-recommend umano ng produkto sa kanya.
In short, naka-double endorsement pa ang mga budol!
“We are not endorsing such products,” madiing babala ni Camille. “Our collabs with brands are ONLY posted on my official social media platforms and nowhere else. These posts have been reported but they keep creating new ones.”
May nakuha rin s’yang screenshot photo ng reklamo na ipinadala sa kanya ng isa umano n’yang kaibigan na nabiktima dahil umorder daw ito ng nasabing produkto pero mga expired na raw ang ipinadala ng mga scammer.
Narito ang sample ng mga nakakarating na reklamo kay Camille:
“Hi anak. Sorry to bother you. I bought something that I saw Camille and family endorsing. Its like snacks or breakfast cereal so I ordered.
“It arrived now but I was sent all expired. May June July eh Aug na ngayon. Problem is I cannot find it na kasi di ko baa lam kung sa fb or ig ko nakita tapos nakalagay send us a message.
“Pwede ask mo lang if she knows how I can get to the buyer? Thank you.”
Kaya naman pakiusap ng aktres, i-report ang account ng mga manloloko. Nagpa-alala din s’ya sa publiko na maging mapanuri bago makikipag-transact online.
“[P]lease report if you come across it. Always check if the account is verified before clicking/ purchasing,” aniya.
“Let's all be vigilant in posts like these. Madami ng magaling mag edit at mangbudol,” pagtatapos ni Camille.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika's Pick: Camille Prats’s Facebook page is hacked; asking friends’s help to recover it
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber