As of press time ay hindi pa alam ni Edu Manzano kung paano tatanggalin sa istorya FPJ’s Ang Probinsyano ang character biyang si Philippine President Lucas Cabrera, na siyang matinding tinik ngayon sa buhay ng bidang si Cardo Dalisay, being played by Coco Martin.
Pero kung siya raw ang papipiliin ay wag naman daw sana siyang “patayin” bagkus ay palabasin nalamang na magsi-seek siya ng political asylum. But of course, hindi nga raw niya alam kung paano lalaruin ng mga writers ng top-rating action serye ang mga paparating na episodes.
Isa kasi si Edu sa limang cast member ng FPJ’s Ang Probinyano—kabilang sina Lito Lapid, Mark Lapid, Jhong Hilario, at Long Mejia—na kailangan nang magpa-alam sa show dahil bawal na silang mapanood sa TV as part of a running show by March. Ang mga nabanggit kasi, kabilang si Edu, ay kapwa nagsipag-file ng mga certificates of candidacy para sa darating na mid-terms elections, either as new candidates or as re-electionists.
On Edu’s part, he’s running as representative of the lone district of San Juan City, where he’s been living for the past 10 years, at ka-tiket niya ang sina Senator Jinggoy Estrada at ang anak nito, ang kasalukuyang San Juan city vice mayor na si Janella Ejercito, who’s running for mayor.
Kung papalaring manalo, iiwan na raw ni Edu nang tuluyan ang showbiz at magpo-pokus sa public service dahil unfair naman daw kung after niyang ma-elect ay hahatiin niya ang atensyon niya between showbiz and politics. After all, 63 years old na raw siya and been-there, done-that na as far as acting is concerned.
Hindi na bago kay Edu ang pagsubok na malagay sa isang government position. He served as Makati vice mayor from 1998 to 2001; he became the Optical Media Board chairman in 2004, and he attempted—but failed—na tumakbong vice president noong 2010 and as senator noong 2016.
Through all that ay hindi raw naging madamot ang mga anak niyang sina Luis, Addie, at Enzo, whom he refers to as his “three best friends” sa pagbibigay-suporta sa kanya.
Nagkataon lang daw na kapwa naka-base ngayon sa New York sina Addie at Enzo na pawang balak magsikuha ng masteral degrees.
“You know, my children lagi nila akong sinusuportahan kahit hindi ko hinihingi,” kwento ni Edu. “Sila ang nagbo-volunteer. Tatawagan nila si Tita June Rufino [his showbiz manager], ‘Tita June, what can we do for my Dad?’ E, kaya lang ngayon ’yong dalawa nandoon sa States, nagma-masters.”
Edu, who seems to get a different high when talking about his goodlooking kids, took the chance na ibida ang mga pinagkaka-abalahan ng mga NY-based kids niya.
“I’m very proud to say na my son Enzo is now with the New York City council,” pagmamalaki ni Edu. He’s an intern now. Siya [Enzo], gusto niya talagang pasukin ’yong political arena.”
Enzo daw took up political science in UCLA [University of California, Los Angeles] at kakalipat lang nito sa New York para nga sa kanyang OJT [on-the-job training]. At balak daw talaga nitong pasukin ang politics pag balik nito sa Pilipinas.
Meantime, si Addie naman daw ay into graphic design, na bagay na bagay sa New York dahil sa very creative ang vibe ng lugar.
So, okay lang daw kung hindi siya personal na masamahan ng mga anak sa panibagong pursuit niya dahil alam niyang may kanya-kanya din silang pinagkaka-abalahan. In fact, even si Luis, okay lang daw kung hindi dahil nakikita naman daw niyang halos wala rin itong pahinga sa trabaho.