Edward, binisto ang fangirl moment ni Maymay kay Dingdong Dantes

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Ang naging favorite off-cam moment daw ni Edward Barber sa set ng Fantastica—kung saan isa sila sa tatlong tampok na loveteams along with LoiNie (Loisa Andalio-Ronnie Alonte) and DonKiss (Donny Pangilinan-Kisses Delavin)—ay no’ng hindi sinasadyang ma-meet nila for the first time ang isa sa mga leading men ni Vice Ganda na si Dingdong Dantes. Palibhasa ay taga-kabilang istasyon ito kaya hindi pa sila nagkaroon ng chance na makilala ito.

 

Nagkataon naman daw nakatalikod ito at hindi alam ni Maymay na si “sir” Dingdong iyon kaya no’ng humarap ay nalusaw diumano si Maymay at nasuntok ang ka-loveteam niyang si Edward dahil sa magkahalong pagka-bigla at kilig.

 

Ibinisto ni Edward ang pangyayari sa grand media conference ng Fantastica kagabi na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Mag-a-attepmt sana si Edward na ik’wento nang buo ang pangyayari pero muli siyang siniko-siko na naman nang tila nahihiyang si Maymay. Kaya minabuti ni Edward na ipasa nalang ang mikropono kay Maymay.

 

Ayon kay Maymay, dati daw kasi ang hindi niya ma-reach si Dingdong at pati na rin si Richard Gutierrez, ngayon daw ay kasama na niya sa pelikula at libre na niyang natititigan.

 

Heto ang cute na “panlalaglag” ni Edward kay Maymay at ang equally cute na pag-e-explain ni Maymay.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.