Edward, na-burn out, Vice nagpayo

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Wala pa raw maituturing na talagang bonding moment ang buong cast ng Fantastica dahil ayon sa bida nitong si Vice Ganda, dire-diretso lang silang nag-shooting para ma-beat ang deadline ng MMFF committee. At sa laki ng cast (17 stars in all), sa presscon palang talaga sila nagkasama-sama ng buo. Pero plano daw nilang mag-get together din for that purpose.

Pero kung may personal bonding moment siyang maiko-consider na na-experience with some of the cast members, sinisingle out ni Vice ang minsang pakikipag heart-to-heart talk niya sa set kay Edward at nadamay na rin pati si Donny Pangilinan.

Napansin niya raw kasing tahimik lang sa isang sulok si Edward at mukhang malungkot, habang halata ding bored naman si Donny.

Nilapitan daw ni Vice si Edward at tinanong. Nag-emote naman daw ang bata na ang summary ay nabu-burn out ito sa dami ng trabaho.
 
Nagpasingtabi naman si Vice kay Edward na ise-share niya ang ilang detalye ng napag-usapan nila, kabilang na doon ang pag-a-advise niya sa guwapong binata na may malalim na dahilan kung bakit sila nasa harap ng camera.

Narito ang kabuuang pagkukuwento ni Vice:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.