Elijah Canlas, naging emosyonal sa kanyang belated victory speech habang first time nahawakan ang kanyang Urian trophy

PHOTOS: @elijahcanlas on Instagram (L) & Allan Diones on YouTube (R)

PHOTOS: @elijahcanlas on Instagram (L) & Allan Diones on YouTube (R)

Hindi napigilang maging emosyonal ng aktor na si Elijah Canlas nang mag-guest sila ni Kokoy de Santos sa online show na Tonight with Allan D (2WAD) hosted by showbiz writer Allan Diones last November 23. 

Naging magka-love team sina Elijah at Kokoy sa Boys Love (BL) series na Gameboys na nanalo bilang Best Web Series sa Seoul Indie Shorts Awards sa South Korea kamakailan at mapapanood na din sa Netflix simula December 30.

Matapos ang online kumustahan sa mga ganap ng dalawa, natanong ng host na si Allan kung natanggap na ba ni Elijah ang Urian trophy n’ya matapos s’yang tanghalin bilang Best Actor para sa movie na Kalel,15 sa recently-concluded virtual awarding ceremony ng Gawad Urian. 

Matatandaang tinalo ng 20-year-old actor ang mga naglalakihang artista na nominado sa Best Actor category ngayong taon gaya na lamang nina Joel Lamangan, Raymond Bagatsing, Alden Richards, Louis Abuel, at iba pa. 

Hindi ko po alam kung bakit pero nandito po s’ya [ang trophy] ngayon. At nu’ng una ko s’yang nakita, sabi ko, ‘Wow!’” pagkukumpirma ni Elijah via StreamYard na natanggap na nga n’ya ang kanyang tropeo. 

Dahil dito, hiniling ni Allan na i-re-enact ng aktor ang kanyang acceptance speech kahit nakapagpasamat na ito noon sa mga taga-Gawad Urian during the media conference para sa TV5 series n’ya na Paano ang Pasko? at kahit noong nag-guest din ito sa show ni Noel Ferrer sa Radyo Katipunan.  

May role ka, Koy,” susog ni Allan kay Kokoy. “Ikaw ang magsasabi nu’ng linya, nu’ng nagbasa ng ano… Eto ang sasabihin mo, ‘Ibinibigay ang Gawad Urian para sa pinakamahusay na pangunahing aktor kay Elijah Canlas para sa pelikulang Khalel, 15.’ Ayon. Tapos saka s’ya mag-i-speech.”

Dito nakaisip ng kapilyuhan si Kokoy at sinabi n’yang “puso” imbes na “Gawad Urian.”

Ibinibigay ko ang puso ko kay Elijah,” pagbibiro ng Stay-in Love lead actor na ikinatawa nilang lahat. 

Hindi ako ready, Kuya Allan,” singit naman ni Elijah at humingi pa ng saklolo kay Kokoy. “Baby boy, saluhin mo na ako dito.”

Hindi naman umobra sa showbiz writer and host ang palusot ng multi-awarded actor. 

Hindi mo kailangang mag-ready,” pahayag ni Allan kay Elijah. “Kilala kita. Mas bongga kang impromptu. Mas bongga nasasabi mo.”

Request pa n’ya kay Kokoy: “Mamaya mo na, i-edit ang dialogue. Mag-stick ka muna sa script, Koy.”

At binitawan na nga ni Kokoy ang kanyang “ala-presentor” linya. 

Grabe. Thank you, baby,” saad naman ni Elijah—na tila in character pa rin as Cairo Lazaro sa Gameboys—kay Kokoy habang hawak ang trophy n’ya. “Sobrang kinilig ako na ikaw pa nagsabi. It means so much more na ikaw nagsabi, baby.”

Turning serious, sinumulan na ngang pasalamatan ni Elijah ang mga taong naging inspirasyo n’ya para mapanalunan ang Best Actor award. 

“Thank you po sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Natupad po ’yong pangarap na hindi ko inaakalang matutupad…

”For my family, thank you po sa magulang ko. Kay mom, kay dad, sa dalawa ko pong kapatid for always supporting me in everything that I do. Mahal na mahal ko po kayo. 

“To Direk Jun [Lana] and Perci [Intalan], IdeaFirst Company for trusting me always…”

Sa puntong ito na nagsimulang maging emosyonal ang aktor. 

Grabe. Bakit ngayon emosyonal ako bigla?” singit na tanong n’ya sa sarili. “For trusting me always. For believing in me more than I believe in myself. And for trusting me with Kalel’s story. 

Sobrang karangalan po ’yon. Salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin, na minamahal ako kahit sino ako, sobrang… mahal na mahal ko kayo lahat more than I love myself. As in. I can’t even stress that enough.”

Nagk’wento pa s’ya na bata pa lang ay pangarap na daw talaga n’yang manalo ng acting awards. 

Pero, Kuya Allan, kasi ang weird nito, e. Nu’ng una ko itong nakita [ang trophy] ‘di ko alam kung anong mararamdaman ko. Nakangiti lang talaga ako. Tapos hindi ako makapaniwala na hawak-hawak ko s’ya,” paglalahad n’ya sa show. 

Alam n’yo po ’yon kapag bata kayo… Lalo na ako nu’n… Lumaki na umaarte na po talaga since bata ako,” pagpapatuloy n’ya. “Matagal ko pong pinangarap na maging parte ng industriya na ‘to. Makagawa ng mga pelikula para makapag-k’wento. Gumanap ng iba’t ibang karakter. Parang ito po, sobrang naba-validate na tama po ‘tong ginagawa ko. And it challenges me. It inspires me to be better.”

Halos maiyak na si Elijah sa kanyang mga tinuran. 

“And sobrang hindi ko alam...Naluluha ba ako? Bakit ganu’n? Pero ito po ’yon, e. Kapag pinapangarap mo maging artist, makapag-k’wento… Alam n’yo po ’yon? Kapag bata kayo, nanonood kayo ng Oscars, or bigla na lang out of nowhere, nasa banyo kayo. Kukunin n’yo ’yong [bote ng] shampoo, kunwari nanalo kayo ng awards. Mukha kayong tanga pero ginagawa n’yo. Tapos nandito po ’yong Urian. Hawak ko po s’ya ngayon.

Hindi rin nakalimutan ng aktor na pasalamatan ang kanyang mga naging katrabaho sa pelikula. 

Hindi po talaga ’to posible kung wala ’yong buong team ng Kalel at kung wala po si Direk Jun at ang pamilya ko. At lahat ng mga naniwala sa akin at hindi naniwala sa akin. Sobrang pasalamat ako sa lahat. Sobrang grateful lang po ako ngayon.

Hiniling pa ni Elijah na panoorin ang kanyang pelikula kung saan gumanap s’ya bilang isang HIV positive na teenager.

At alam n’yo po, ang Kalel nasa Netflix na po yan [simula] December 9. Sana mapanood ng lahat kasi napaka-importanteng pelikula na ginawa ni Direk Jun, na ramdam na ramdam ’yong passion n’ya sa pelikulang ’yon. At ramdam na ramdam kung bakit kailagang ik’wento ’yong pelikulang ’yon. 

Sana pananood n’yo lahat. At sana matigil na po ’yong stigma around HIV [patients], na matigil na po ‘yong paghuhusga with hate, judging with hate. 

“I hope watching nga Kalel, 15 [starting] December 9, mas open na tayo sa conversation na ’to, para matulungan natin ang isa’t isa, at makahanap tayo ng solusyon one of these days. 

Ewan ko. Bahala na,” pagtatapos n’ya sabay tago sa camera para pahirin ang kanyang mga luha. 

Napa-palakpak naman si Allan na naiyak din at Kokoy sa speech ni Elijah. 

Samantala, abangan daw ang Season 2 at movie ng Gameboys na tiyak kawiwilihan ng mga fans. Bibida rin si Kokoy sa romcom series na Stay-in Love habang kabilang naman sa Paano ang Pasko? si Elijah. Both shows ay parehong mapapanood sa TV5.

NARITO ang kabuuan ng naging thank-you speech ni Elijah para sa Gawad Urian Best Actor sa online show na #2WAD.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sikat na Pinoy BL (Boys’ Love) series na Gameboys, may CaiReel/EliKoy merchandise na!

Pika's Pick: Creators of the successful BL series Gameboys postpone its three upcoming episodes due to MECQ

Kokoy de Santos, thankful sa dami ng projects sa kabila ng pandemya; bibida sa bagong romcom series ng TV5

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.