Elijah Canlas, never daw naunahan sa set ang very punctual niyang idol na si late actor Eddie Garcia

PHOTOS: @elijahcanlas & @lynjes08 on Instagram

PHOTOS: @elijahcanlas & @lynjes08 on Instagram

Never daw naunahan ng multi-awarded young actor na si Elijah Canlas ang namapayang muti-awarded actor-director ding si Eddie Garcia sa kanilang call time noon. 

Ito ang ibinahagi ni Elijah sa virtual interview sa kanya nina Butch Francisco at Anna Pingol sa online show na This Is Showbiz kamakailan. 

Natanong kasi ang batang aktor sa mga hindi n’ya malilimutang memories with the late actor Eddie Garcia.

Bago kasi mas umingay ang pangalan ni Elijah sa showbiz through the Boys Love series na Gameboys na ipinalabas nitong nakaraang taon during the COVID-19 lockdown, nakasama muna n’ya ang Filipino film icon sa award-winning movie na Kalel, 15 na ipinalabas noong 2019.

Ito ang pelikulang isinulat at idinirek ni Direk Jun Lana kung saan gumanap na batang na-diagnose sa HIV si Elijah habang pari naman ang naging role ni Eddie Garcia na sikretong tatay pala niya.

Napa-throwback si Jelo [nickname ni Elijah] at sinabing ang isa sa hindi n’ya daw malilimutan sa kanyang Tito Eddie ay ang pagiging “sharp” at pagiging pala-ad lib nito.

“And sharp,” may paghanga pa ring sambit ni Elijah. “‘Yong uma-ad lib pa s’ya. And sometimes you’re caught off guard kasi grabe ‘yong bigat ng conversations. 

Sa script kapag nag-ad lib ka ng isa in a Jun Lana script, [magugulo] ‘yong conversation bigla, e. Pero ang tapang n’ya. Ikaw matsa-challenge ka na, ‘Sige, lalabanan ko ‘to. Lalabanan ko ’tong si Tito Eddie.’”

Isa pa raw sa talagang tumatak kay Elijah about the legendary actor ay ang kakaibang level nito ng punctuality.

“He’s really early [sa set]...He’s really early. Definitely, he’s really early,” natatawa at with emphasis na pagre-recall ng binatang aktor

Sinadya na nga daw n’yang pumunta nang maaga sa schedule ng look test nila para sa nasabing pelikula pero 30 minutes pa rin daw itong nauna sa kanya. 

“I remember, look test pa lang po ‘to, s’yempre, notorious na si Tito Eddie for being very, very early… Parang look test yata namin [ng] nine [in the morning],” pagbabalik-tanaw ni Elijah. “‘Dahil si Tito Eddie nand’yan, first time ko s’ya mami-meet. Kailangan ko agahan.’ 

“So, I was there around eight [in the morning] sa PETA. Nandu’n na s’ya. 7:30 [AM] pa lang daw nandu’n na s’ya. Like a little before seven. Grabe s’ya.

Sa lahat din daw ng call time nila sa pelikula ay hindi n’ya ito naunahan ni minsan, p’wera na lang kung late talaga ang call time nito. 

Kahit na ‘yong mga shoots na po namin mismo, kunwari may 6AM na call time, 5[AM] nand’yan na ako. Nandu’n na rin s’ya,” natatawang k’wento ng Urian 2020 best actor winner. “Parati s’yang nauuna. Never ko s’yang naunahan. Siguro, isang beses lang...nu’ng late call time s’ya pero never ko s’yang naunahan kapag sabay kami ng call time. He’s very early.”

Pero kung may iko-consider man daw siyang best memory with his Tito Eddie ay ‘yon ‘yong chance na nakapagpasalamat s’ya dito nang personal pagkatapos nilang i-shoot ang last scene nito para sa movie nilang Kalel,15.

“The best memory that I will always remember and I will treasure is that during his last day, we we’re shooting that last scene which was also his last scene in the movie,” aniya. “Nakahiga s’ya. ‘Yon ‘yong scene na gusto ni Kalel na mag-stay na du’n [sa kumbento], gusto na ni Kalel to live there pero ayaw s’ya pag-stay-in ng father n’ya. 

Dagdag pa n’ya, “I remember, feeling ko nag-playback si Kuya Jun, feeling ko last take na ‘yon...tineyk ko na ‘yong chance na magpasalamat sa kanya. Sabi ko he is a legend and I’ve always looked up to him. 

“I said, ‘Tito Eddie, thank you ha. It’s such an honor to work with you This is such a privilege.’

Sabi n’ya lang sa akin, gumanu’n lang talaga s’ya [kumumpas sa hangin]. Sabi n’ya, ‘Ano ka ba?’

Matapos noon ay pinayuhan daw siya nito kung paano ba tumagal sa showbiz industry gaya nito at kabilang doon ang pagiging professional at husay ng pakikipag-kapwa tao sa loob at labas ng industriya. Bukod doon, pinapurihan din daw siya nito. 

Tapos, s’yempre, naging generous din s’ya with his compliments for me. Sobrang kinilig ako pero nakinig din ako sa kanya talaga,” ani Elijah. 

Sey pa ni Elijah, mahal daw n’ya ang kanyang ginagawa at gusto n’ya nga talagang tumagal sa showbiz gaya ng itinagal ng idolo n’yang si Eddie Garcia.

“I want that ‘Eddie Garcia kind of longevity’ po talaga,” pahayag pa n’ya sa show. “I want that. I want to die doing what I love to do. Ganu’n po talaga.

Komento naman ni Butch sa kanya, “But please don’t die in that manner.”

Matatandaan kasi na namatay ang tinaguriang “Manoy” at “Greatest Filipino actor of all time” sa edad na 90 matapos itong aksidenteng matisod sa kable sa shooting ng isang teleserye. Na-comatose muna ang aktor ng ilang araw hanggang sa tuluyan na itong binawian ng buhay noong June 20, 2019.  

“That was tragic, what happened. I don’t think anybody, especially him, deserves what happened,” tugon naman ni Elijah. 

Payo naman ni Anna sa aktor, “Stay long and also, parang le-level up ka din sa pagdidirek and producing [movies and TV shows] later on.

Maliban kasi sa pagiging aktor, lumebel up din at naging director and film producer si Manoy noong nabubuhay pa ito. 

“Yeah kasi I have this passion… Kasi storytelling, hindi lang naman po acting lang ‘yon, e. Mga artista nga po they don’t make stories themselves. They’re just devices to tell stories. Iba po talaga kapag k’wento mo ang ikukuwento mo. Ikaw nagsulat, ikaw magdidirek...vision mo,” pahayag naman ni Elijah. 

Pinapangarap ko rin po makapagdirek one of these days but as of now I’m really passionate and obsessed with portraying different people. Nandu’n po ako ngayon. ‘Yon ang gusto kong gawin sa ngayon,” patatapos n ‘ya.

PANOORIN ang kabuuan ng This Is Showbiz interview ni Elijah Canlas dito:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Elijah Canlas, naging emosyonal sa kanyang belated victory speech habang first time nahawakan ang kanyang Urian trophy

'Babae At Baril', Janine Gutierrez, Elijah Canlas win big at 43rd Gawad Urian Awards

Janno Gibbs, Andrew E., and Dennis Padilla recall happy memories with Eddie Garcia

First Read: Viva bestows its first ICON awards to Sharon Cuneta and Eddie Garcia

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.