Elisse: “Maldita po kasi talaga ako sa totoong buhay.”

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Bagong blessing sa buhay ni Elisse Joson ang pagkakasali niya sa Ngayon at Kailanman, ang primetime teleserye na pinagbibidahan ng loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto, aka JoshLia.

Maliban kasi sa nag-audition at natanggap siya sa role niya bilang si Roxanne ay learning opportunity din ito para sa kanya dahil malayo ang karakter niya sa tunay niyang personality. Aminadong sweet at mahinhin si Elisse habang bold at sensual ang kanyang karakter na si Roxanne.

 

Kung gano’n, saan niya hinuhugot ang “pagka-Roxanne” niya?

“Maldita po kasi talaga ako sa totoong buhay,” pabirong bungad ng aktres nang tanungin namin siya sa kanyang blogcon kahapon, November 15.

Pero seryosong paliwanag niya, “’Yong Roxanne nga, medyo mahirap, medyo naging mahirap.”

“Kasi ’yon nga, sa totoong buhay… hindi ako ’yong malalaking galaw, hindi ako  ’yong very bold na very sensual. Do’n din ako nahihirapan sa patingin-tingin na sensual na look, ’yong parang dapat innate sa akin yung pagiging gano’n. ’Yong hindi ko tinatry hard na maglandi or anything.

“Dapat natural so it’s very hard.”

Ayon kay Elisse, ang ginagawa daw niya para mas maging effective bilang Roxanne ay dinadala niya ang karakter niya kahit hindi na siya umaarte.  

“Tinatry ko siyang isama with me sa daily life, sa totoong buhay ngayon… Kasi do’n ko lang masasanay ang sarili ko e.

“Kasi baguhan din naman po ako, so di ko kayang i-switch na agad so parang yo’n, tinutulungan ko ’yong sarili ko by being her off the set.

Pabirong dagdag niya, “Sana hindi ako ma-misinterpret ng mga tao. Baka mamaya ma-Roxanne ko din sila!”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.