Ella Cruz, bumili ng sewing machine at nag-aaral manahi

"Gusto ko lagi gumawa ng damit for me pero 'di ako marunong. So, bumili ako ng sewing machine para matuto na ako."

PHOTO: @ellacruz on Instagram

"Gusto ko lagi gumawa ng damit for me pero 'di ako marunong. So, bumili ako ng sewing machine para matuto na ako."

Maliban sa paggawa ng mga contents for her YouTube channel at pagla-livestream ng kanyang online games ay nag-aaral daw palang manahi ngayon ang dancer-actress na si Ella Cruz.

Sa video interview ng Ano’ng Ganap, the talk show hosted by Phoemela Baranda for Viva TV, kay Ella na in-upload sa Facebook kagabi, September 15, nagbigay ng update si Ella tungkol sa kanyang ganap these days habang nasa bahay. 

At naikwento nga ng talented Bulakenya actress na bukod sa mas gumaling daw s'ya sa mga nilalaro n'yang online games ay nag-aaral na daw s'yang manahi. 

Katunayan, bumili na daw ng sewing machine ang 24-year-old Viva artist para matuto s'ya ng bagong skills habang wala pang shoots or tapings.

"Kabibili ko lang po ng sewing machine," tsika ni Ella sa video. "Gusto ko kasi matuto ng bagong skills so feeling ko magtahi. Kasi gusto ko palagi i-alter 'yong mga damit ko.

"Gusto ko lagi gumawa ng damit for me pero 'di ako marunong. So, bumili ako ng sewing machine para matuto na ako," dagdag pa ng K-Pop fan.

Bukod sa mga nabanggit, tsinika din ni Ella na mas nakilala daw n'ya ang kanyang sarili ngayong pandemic at naka-stay-at-home lang.

"I'm discovering more about myself, my creativity, 'yong mga kakayanan ko po to produce [things] all by myself, with Julian [Trono, her boyfriend], with my family...with the help of my family. [And] getting closer to my family," patatapos ni Ella.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

EXCLUSIVE: Ella Cruz, tinuturing na blessing sa buhay niya ang BLACKPINK; nagk’wento sa experience sa Indonesia at may pahatid na message sa mga bashers na nagsasabing credit grabber siya

Ella Cruz, inaming wala silang monthsary o anniversary date ng bf niyang si Julian Trono

Ella Cruz’s ultimate BLACKPINK fangirl dream coming true sets the Internet world on fire!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.