Ella Cruz, inaming wala silang monthsary o anniversary date ng bf niyang si Julian Trono

PHOTOS: @ellacruz on Instagram

PHOTOS: @ellacruz on Instagram

Interesting pala itong love story nina Ella Cruz at Julian Trono dahil hindi daw sila nagse-celebrate ng anniversary o kahit monthsary man lang. 

Sa Facebook Live kasi ng Viva TV ngayong araw, May 7, kung saan ang award-winning actress-dancer ang nag-take over, naikwento ng dalaga kung paano naging sila ng boyfriend n'yang si Julian matapos magtanong ang isang netizen. 

"Can I answer this?" nag-aatubili pang tanong ni Ella sa sarili matapos mabasa ang "killer question" mula sa isang fan. 

"Sige. #AskElla Paano naging kayo ni Julian? Pa'no mo po sya sinagot?" ulit na basa ni Ella sa tanong.

“Well, hindi ko s'ya sinagot," natatawang pag-amin ni Ella tungkol sa panliligaw ni Julian.

"Hindi ko s'ya sinagot. Ano ba? Parang... Alam mo 'yon? Nagkaroon lang kami ng mutual understanding. Parang nagkasundo lang kami. Kasi matagal na kaming magkakilala.” 

Sey pa n'ya, hindi daw nila alam sa ngayon kung gaano na sila katagal dahil hindi nga sila nakakapag-celebrate ng monthsary o anniversary. 

"Parang... I swear wala kaming anniversary," diin pa ng 23-year-old Kapamilya star. "Wala kaming monthsary. Ganun. So kung magbibilang kami [on how long we've been in a relationship] hindi namin alam kung ilang months or years na kami, 'yong exact."

Chika pa n'ya, never daw s'ya tinanong ni Julian for her magical “Yes" pero naging sila.

"So wala talagang 'Yes, tayo na!' Eww... Eww... Eww... Nagki-cringe kasi ako sa ganung bagay. So parang nagkaintindihan lang kami."

Narito at panoorin ang kabuuan ng Facebook live ni Ella Cruz:

 
ELLA CRUZ LIVE ON VIVA TV

Hi~! Ella Cruz here po! Tara kwentuhan!

Posted by VIVA TV on Thursday, May 7, 2020

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.