Ella Cruz sa campaign color ng tatay niyang tumatakbong mayor: “Last month pa nakaready na pink kami. INDEPENDENT po tatakbo ang Papa ko.”

Dahil pink ang campaign color na gamit na tatay ni Ella Cruz sa pagtakbo niya bilang mayor ng Angat, Bulacan, marami ang nag-akalang ka-partido sila ni VP Leni. Pero diin ni Ella, independent candidate ang papa niya.

PHOTOS: @officialellacruz on Instagram

Dahil pink ang campaign color na gamit na tatay ni Ella Cruz sa pagtakbo niya bilang mayor ng Angat, Bulacan, marami ang nag-akalang ka-partido sila ni VP Leni. Pero diin ni Ella, independent candidate ang papa niya.

Nagbigay ng maikling paliwanag ang actress-dancer na si Ella Cruz sa campaign color ng ama n’yang si Tantan Cruz na tatakbong mayor ng Angat, Bulacan.

Sa ipinost kasi n’yang photos sa Facebook few days ago, makikitang naka-pink silang buong mag-anak para ipakitang solid ang pagsuporta nila sa kandidatura ng kanyang tatay for the 2022 elections.

“I’m so proud of you Papi,” pahayag ni Ella ni kanyang post. “Mga kababayan ko sa Angat, Bulacan, sana po suportahan niyo po ang aking Tatay, Tantan Trinidad Cruz na tumatakbo bilang ating bagong Alkalde.”

Sinabi n’ya rin na tatakbong independent ang kanyang tatay na noon pa daw pinag-iisipan ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa kanilang bayan.

“INDEPENDENT candidate po siya. Walang kapartido, kaming pamilya lang matagal ng plano at paborito ko tong kulay na to talaga. #BaTANgAngat #Independent #TantanCruz #TunayAtTapat,” ani Ella. 

 

I’m so proud of you Papi 💕 Mga kababayan ko sa Angat, Bulacan, sana po suportahan niyo po ang aking Tatay, Tantan...

Posted by Ella Cruz on Friday, October 8, 2021

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang post na ito ng aktres. 

May mga nagpahayag ng suporta sa kanila pero meron ding mga nagkomento ng hindi maganda lalo pa’t naging mainit na usapin online ang kulay na pink na s’yang gamit din ngayon na campaign color ni Vice President Leni Robredo sa pagtakbo n’ya sa pagka-pangulo.

May mga nang-asar pa kay Ella na mga against kay VP Leni sa sinabi n’yang independent candidate ang ama n’ya pero naka-pink. Baka ’yon pa daw ang maging dahilan para matalo ang tatay n’ya sa mayoralty race. 

Kaya naman sa kasunod n’yang FB post, nilinaw ni Ella na walang kaugnayan ang paggamit nila ng pink sa kulay ngayon na gamit ni VP Leni dahil nga independent candidate ang tatay n’ya. 

“Our PINK doesn’t define who’s ‘our nation leader,’” paliwanag ni Ella. “Last month pa nakaready na pink kami. INDEPENDENT po tatakbo ang Papa ko, walang kapartido, kaming pamilya lang.”

 

Our PINK doesn’t define who’s ‘our nation leader’. Last month pa nakaready na pink kami 😆 INDEPENDENT po tatakbo ang Papa ko, walang kapartido, kaming pamilya lang 💕

Posted by Ella Cruz on Friday, October 8, 2021

Dagdag pa n’ya sa comment section, “Nauna kami sa pink. Kaso maliit na bayan lang naman ang Angat di naman pang buong bansa.”

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.