Ella Cruz’s former on-cam mom na si Pokwang, nakukulangan sa talino niya; fans ni Ella, may resbak

Maraming masasakit na comments ang natatanggap ng aktres na si Ella Cruz dahil sa kanyang nag-viral na “history is like chismis” statement kaya naman at the moment ay pinili niyang i-off muna ang comment’s sections ng kanyang mga social media accounts.

Photos: @ellacruz / ABS-CBN

Maraming masasakit na comments ang natatanggap ng aktres na si Ella Cruz dahil sa kanyang nag-viral na “history is like chismis” statement kaya naman at the moment ay pinili niyang i-off muna ang comment’s sections ng kanyang mga social media accounts.

Naging maingay at trending ang pangalan ng aktres na si Ella Cruz dahil sa kanyang naging paglalahad niya ng pananaw ukol sa history na kaugnay naman ng ginagawa niyang pelikula, ang Maid in Malacañang, kung saan ay gaganap siya bilang si Irene Marcos.

Ayon kay Ella: “Hindi natin alam what is the real history. History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Naro'n na yung idea, pero may mga bias talaga. As long as we are here at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone's opinion. Kasi struggling na, e, last three days! Kahit naman sila struggling right now, 'di ba? Paano kaya iyon na there’s so much pressure on their side during those times?”

Ang tinutukoy niya ay ang last three days of the Marcoses in Malacañang in 1986 na siyang sentro ng paksa ng kinabibilangan niyang kontrobersyal na pelikulang Maid in Malacanang ni Darryl Yap.

Dahil sa sinabi niyang ito, nag-trending at nag-viral ang siya kasabay ng paglabas ng iba’t-ibang memes kagaya nalang nang paglutang kanyang lumang video kung saan ay hinahagis-hagis siya as part of a dance routine sa ‘It’s Showtime’. Ani ng mga nag-post, kaya raw siguro “nakalog ang utak.”

Maraming masasakit na comments ang natatanggap ng aktres kaya naman at the moment ay pinili niyang i-off muna ang comment’s sections ng kanyang mga social media accounts.

Marami ring kapwa-celebrity na pumuna kay Ella sa kanyang naging sweeping statement na ito kabilang na sina Agot Isidro at Gretchen Ho. Pero ang pinakahuli, ang komedyanang si Pokwang, ang kahit paano’y may konek sa kanya dahil minsan silang naging mag-nanay sa isang teleserye ng ABS-CBN noong 2012, ang Aryana, kung saan gumanap na sirena si Ella.

Hindi nakatiis ang Kapuso actress na hindi magbigay ng kanyang komento o reaksiyon sa mga binitawang salita ng dati niyang anak on-cam.

Kilala bilang isang Kakampink o naging masugid na taga-suporta ni dating Vice President Leni Robredo si Pokwang nitong nakaraang election. Pero sa kanyang tweet kahapon, July 4, sinabi niya na tanggap niya at nirerespeto kung ano man ang pananaw ni Ella sa politika, pero maling-mali raw ito sa pang-unawa nito sa history.

At kahit pabiro ay tahasan niyang sinabi na ibabalik na lang niya si Ella sa dagat dahil mayaman ang dagat sa mineral na iodine na umano ay pinaniniwalaan may component na nakapag-e-enhance ng brain development.

“[N]ak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan (sic).”

At saka niya sinundan ng hashtag na #Aryana.

Dahil sa tweet na ito ni Pokwang, marami ang sumang-ayon sa kanya, pero marami rin ang nambash.  Isa sa binigyang-pansin ng mga bashers niya ang kulang ng “e” ang salitang iodine sa tweet niya.

(Dahil hindi na maaaring ma-edit ang tweet, hindi na ito nabago ni Pokwang, pero sa kanyang Facebook post, na-edit naman niya at tama na ang spelling.)

Ilan sa pa sa pamba-bash sa actress ay: “yung nagmamagaling ka na parang matalino, wrong spelling nmn yung IODINE, mukha need mo unahin sarili mo bago mo turuan yung iba kung ano ang nakakatalino... history nyo na one sided.”

“iodin daw sabi nung nagmamagaling , 

@pokwang27 IODINE po pakatanga sa spelling. Lumaklak ka po ng betadine, bago mo turuan iba kung ano ang nakakatalino.  Mukhang ikaw may kailangan nun.”  

Pagkatapos na i-repost ni Pokwang ang edited version ng tweet niya sa Facebook na tama na ang spelling ng iodine, sinundan niya ito ng tweet na, “O ’yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kesa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! dadamihan ko pa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?”

At saka niya sinundan ito ng mga laugh emojis. 

Sinundan pa niya ito ng isa pang tweet na: “Hahahahaaa true pinuna maling spelling pero pang bababoy sa kasaysayan hindi????? Ano na???”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.