Emilia Clarke and other GoT stars, a whooping $1.2M per episode ang paycheck

PHOTOS: @peterdinklage,@kit_harrington_official_,@emiliaclarke,@_iamlenaheadey, @__gameofthrones___

PHOTOS: @peterdinklage,@kit_harrington_official_,@emiliaclarke,@_iamlenaheadey, @__gameofthrones___

Mga unknown actors pa sina Emilia Clarke, Kit Harington, Maisie Williams and Sophie Turner noong nagsimula ang epic fantasy series ng HBO na Game of Thrones. Pero noong maging big hit ito, hindi lang naging big stars ang apat kundi naging big din ang paychecks nila sa walong seasons ng GoT.

Ayon sa Hollywood Reporter, the five best paid stars ng GoT ay pare-pareho ang natatanggap na talent fee, a whopping £938,200 or $1.2 million per episode. 

By the end of each season, nakakatanggap sila ng £5.6 million or $7,122,108.00.

Wala nga raw gender gap sa natatanggap ng top levels na kinabibilangan nila Kit Harington (Jon Snow), Emilia Clarke (Daenerys Targaryen), Lena Headey (Cersei Lannister), Nikolaj Coster-Waldau (Jaime Lannister) and Peter Dinklage (Tyrion Lannister). 

According to Emilia, the cast made sure they were all paid the same.

She told Vanity Fair: "I get f*cking paid the same as my guy friends. We made sure of that."

Ang level naman ng ibang actors tulad nila Sophie Turner (Sansa Stark) at Maisie Williams (Arya Stark) ay nakakatanggap ng £158,000 or $200,929.39 per episode.

Hindi naman daw issue para kay Sophie, who started with GoT sa edad na 13, na mas malaki ang paycheck ng kanyang on-screen brother na si Jon Snow.

"Kit got more money than me, but he had a bigger storyline.

"For the last series, he had something crazy like 70 night shoots and I didn’t have that many. I was like, ‘You keep that money’," diin pa ni Sophie.

Anyway, marami ang nag-congratulate sa cast and crew ng GoT dahil nakapag-set ng record ang final episode ng 13.6 million viewers making it the "most watched episode of any HBO show".

Kapag pinagsama ang naging viewership ng GoT sa HBO On-Demand, ang over-all viewership ng #TheFinalEpisode ay 19.3 million. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Avengers: Endgame, second highest-grossing film of all time na!

#DontSpoilTheEndgame

Sophie Turner, emotional sa pagtatapos ng GoT

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.