Three years old palang ang anak ni Empress Schuck sa partner niyang si Vino Guingona na si Athalia pero bibong-bibo na raw ito at tila “mas showbiz” pa kesa sa kanya. Pero kung ang bida ng Kahit Ayaw Mo Na ang tatanungin, mas gugustuhin niyang maging singer ang anak kaysa artista. At kung singer na rin lang, taasan na raw ang pangarap—sana raw ay mag-ala-Sarah Geronimo ito.
May boses daw ang anak niya ay two years old palang ay nakakasabay na sa mga kanta ng mga Disney movies kaya malaki ang paniwala niyang ito ang magmamana sa pagka-singer ng tatay ni Empress na tila lumaktaw daw sa kanya.
By the way, ang Athalia daw ang name na nahanap niya sa Internet na ang ibig sabihin ay “God is good.”
“Si Vino kasi, Christian siya,” esplika ni Empress. “E, ako, Catholic pero hindi naman ang masyadong religious. So, naghanap ako sa Internet, nakita ko yang Athalia…Greek name or word that means God is good, so pasok pa rin, di ba?”