Enchong Dee, nagulat pero suportado ang move ni Bea Alonzo na lumipat sa GMA

“Kami kasi, never naging aspeto ’yong trabaho sa pagkakaibigan namin. Never. That’s why bilang kaibigan you just have to be there to support her. Bawat isang artista may kanya-kanyang karera.”— pahayag ni Enchong tungkol sa paglipat ng home network ng kaibigan niyang si Bea Alonzo

PHOTOS: @mr_enchongdee & @beaalonzo on Instagram

“Kami kasi, never naging aspeto ’yong trabaho sa pagkakaibigan namin. Never. That’s why bilang kaibigan you just have to be there to support her. Bawat isang artista may kanya-kanyang karera.”— pahayag ni Enchong tungkol sa paglipat ng home network ng kaibigan niyang si Bea Alonzo

Natanong ng entertainment press ang aktor na si Enchong Dee—sa presscon kamakailan para sa Academy Of Rock, ang music and dance school business nila ni Joshua Garcia—kung ikinagulat ba n’ya ang naging career move ng isa sa malalapit n’yang kaibigan na si Bea Alonzo

Isa na kasing ganap na Kapuso si Bea simula nu’ng pumirma ito ng kontrata sa GMA Network last July 1 after 20 years of being with ABS-CBN. 

Pag-amin ni Enchong sa press, hindi daw s’ya nasabihan ni Bea sa plano nitong paglipat ng TV network kaya medyo na-surprise daw s’ya.

Gayunpaman, suportado daw n’ya ang aktres dahil labas daw sa pagiging magkaibigan nila ang kani-kanilang trabaho. 

Kami kasi, never naging aspeto ‘yong trabaho sa pagkakaibigan namin. Never. That’s why bilang kaibigan you just have to be there to support her. Bawat isang artista may kanya-kanyang karera,” pahayag ni Enchong.

Sa sarili ko pa lang nga pagod na pagod na ako iintindihin ko pa ba ‘yong iba?” pabirong dagdag n’ya.

Hindi pa daw sila nagkukumustahan ni Bea matapos pagpirma nito ng kontrata sa GMA dahil nasa US pa ngayon ang aktres para magbakasyon bago sumabak sa kanyang mga nakalinyang proyekto.

“We were supposed to have a dinner pero she flew to the States right now. [Sa] pagbalik [n’ya] pa ‘yong pagtatagpo namin,” aniya.

Kahit naman daw nasa GMA na si Bea ay p’wede pa rin silang magkita kung nami-miss n’ya ito. 

P’wede ko naman s’yang puntahan kung nami-miss ko s’ya. Madali lang ‘yon,” sey pa ni Enchong.

For his part, nananatili daw siyang Kapamilya dahil nakita niya sa ABS-CBN ang malasakit sa kanilang mga artists.

“I’ve seen very, very few companies here in the country that would invest and set aside a certain aspect of the company just so the artists and the production people could continue work. And that ABS-CBN showed us,” lahad n’ya sa press.

Kahit daw kasi walang franchise ang TV network ay patuloy ito sa pagbibigay ng projects sa mga artistang gaya n’ya. 

“Despite of all the things that happened to us nand’yan pa rin sila nagbubukas nang maraming proyekto, nagbibigay nang maraming oportunidad despite of the shutdown,” dagdag ni Enchong. 

Pagpapatuloy pa n’ya, “So, in a businessman’s point of view, bakit hindi ako tataya sa mga ganu’ng kumpanya na klaro at malinaw ’yong values na pinanghahawakan nu’ng isang kumpanya. Set aside everything, ’yon lang ’yong panghahawakan ko.

Umaasa ang aktor na darating ang araw na muling mabibigyan ng franchise ang ABS-CBN at makabalik ito sa dati nitong operasyon. 

“I’m very hopeful that day will come sooner than later,” saad n’ya. “But as it is, katulad nga nu’ng kanina habang kausap namin sina Tita Cory [Vidanes], sila Sir Carlo [Katigbak], sabi namin, ‘Habang nandito tayo sa sitwasyon na ’to hayaan n’yo kaming tumulong [at] mag-contribute kahit papa’no.’ 

“That’s why we have a school very, very close to ABS-CBN. They can use our facility.

(Ang Academy Of Rock ay nasa Scout Borromeo, Quezon City na ilang bloke lamang ang distansya sa ABS-CBN compound sa Mother Ignacia.)

Siguro, more than anything else, pakikibaka rin [para] sa mga kasama namin,” pagtatapos ni Enchong.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Enchong Dee, Dimples Romana to open up schools for music and acting respectively

Enchong Dee asks Senator Risa Hontiveros about her thoughts on today's Filipino youth

Enchong Dee feels inspired to do more films after positive viewer reception of "Alter Me"

Enchong Dee says love life is not yet a priority for 2021, plans to promote voter's education instead

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.