Engagement ring ni Carla Abellana, mismong si Tom Rodriguez ang gumawa

PHOTOS: @niceprintphoto & @akosimangtomas on Instagram

PHOTOS: @niceprintphoto & @akosimangtomas on Instagram

Espesyal pala ang engagement ring ng aktres na si Carla Abellana dahil ang nobyo n’yang si Tom Rodriguez mismo ang gumawa nu’n para sa kanya. 

Ito ang isiniwalat ng dalawa nang sa virtual interview nila kay GMA reporter Nelson Canlas na naipalabas sa 24 Oras kagabi, March 22.

Sey ni Tom, hindi daw n’ya inakala na magpo-propose s’ya ng kasal sa kasintahang si Carla sa panahon ng pandemya. 

“One day I woke up, never would have thought in a million years I would propose during pandemic, of all times,” pahayag ng Kapuso actor sa interview. “Then I realized, one day I woke up and the sun was shining on her [Carla]…”

Noong October 2020 pa pala naganap ang pagpo-propose ni Tom at wala daw ideya si Carla sa mga inihanda nitong surpresa. Akala kasi ng aktres ay usual family dinner lang ang pupuntahan n’ya sa bahay ng kanyang mommy na si Aurea Reyes. 

At nito lang Linggo, March 21, ginulat nang magkasintahan ang publiko nang ipaalam nila sa lahat na sila ay engaged na. Ipinasya daw nila na itago muna ‘yon dahil sensitive sila sa mahirap na sitwasyon na nararanasan ng mga tao dahil sa pandemic. 

Moreover, espesyal ang engagement ring na ibinigay ni Tom kay Carla dahil s’ya pala mismo ang gumawa nu’n. 

“We weighed the gold, the metal, melted it. Beaten it to shape hanggang sa ma-align. I shaped it into the ring form hanggang sa sizing it, polishing it. So it was quite an experience,” pagbabahagi pa ng 33-year-old Filipino-American actor. 

Meron itong malaking diamond na napapalibutan pa ng 12-eternity diamonds na isinunod daw sa birthday ni Carla na June 12. 

Paliwanag pa ni Tom, iba daw pala talaga ang feeling kapag totoong proposal na kumpara sa mga proposal na ginawa n’ya for Carla sa mga pinagsamahan nilang movies and TV projects. 

“I proposed to her so many times on screen and part of me questioned if it was gonna feel different or if it was gonna feel just like all the other times. Pero iba pa rin pala,” pag-amin ni Tom. 

Pagre-recall naman ni Carla, hindi daw n’ya napigilang mapaiyak nang lumuhod na si Tom para hingin ang kanyang “oo.”

“Of course, yes. Umiyak nga ako nang hindi pang-acting na iyak,” natatawang pag-amin ng aktres. “Magiging emotional ka pala talaga. Hindi mo mapipigilan.

Dagdag pa ng Love of My Life actress, “I wouldn’t say yes naman to the person kung meron kang hesitations or, ‘di ba, may mga doubts ka. He was really raised so well by his parents. Sobrang close s’ya sa family n’ya.” 

Ipinagdadasal daw ng dalawa na maging maayos na ang sitwasyon para matuloy ang pinaplano nilang classic-style church wedding ngayong taon.

Alam mo, I’m a very lucky man. That’s such an understatement,” pahayag pa ni Tom kay Carla. “Because you always make me strive to be a better person. Because I feel your love so much and it fuels me [and] everything that I do. It enables me, and then it makes me feel so invigorated. I want to be there to see us create a family together, create a future together.”

At naiyak naman sa saya ang aktres. 

Unang nagkasama sina Tom at Carla sa primetime series na My Husband’s Lover (2013) pero mas naging mas close daw sila sa isa’t isa nang muli silang magtambal sa drama romance series na My Destiny (2014) at sa movie na So It’s You (2014). 

Nagkasama pa sila sa ilang Kapuso projects like I Heart Davao (2017), Mulawin vs Ravena (2017), at Love of My Life (2020). 

And after being in a relationship for almost seven years ay na-engage na nga silang dalawa. 

Congratulations, Tom and Carla!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Carla Abellana desperately calls for help to rescue dogs from dog-meat traders 

Tom Rodriguez, kina-career ang pag-aaral ng Mandarin Chinese

Tom, 1000% sure nang pakakasalan si Carla

Tom Rodriguez shares allegedly being “possessed” on set

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.