Engagement ring ni Hidilyn Diaz, hugis barbell!

Inakala daw ni Hidilyn Diaz na prank lang ang proposal ng kanyang boyfriend and coach na si Julius Naranjo dahil madalas umano siyang i-prank proposal nito

Photos: @hidilyndiaz / @iamnoelferrer / @maniladiamodnstudio

Inakala daw ni Hidilyn Diaz na prank lang ang proposal ng kanyang boyfriend and coach na si Julius Naranjo dahil madalas umano siyang i-prank proposal nito

Dalawa na ang precious gold items ng kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz—syempre ang kanyang gold medal for weightlifting mula sa Tokyo 2020 Olympics; at ngayon, ang kanyang gold with diamond engagement ring mula sa kanyang longtime coach and boyfriend na si Julius Naranjo.

Gabi ng October 15 nang mag-propose si Coach Julius kay Hidilyn. Naganap ang momentous event sa buhay nila sa Sheraton Hotel, Resorts World Manila.

Nag-post sa kanyang Instagram account si Hidilyn na suot ang dalawang mahalagang gintong pag-aari niya—ang kanyang Olympic gold medal at ang kanyang gold-diamond engagement ring.

Ani Hidilyn sa kanyang post: "It's YES!

"It was a magical moment with @imjulius. 

"I'm grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy, alam ng iba kung ano mga sinasakripisyo niya para maabot namin ang pangarap na Ginto sa Olympics together with #TeamHD, nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo nagsabi God is the center of our relationship, kaya walang duda magYeYES ako dahil swerte ako may isang Julius nagmamahal, nagintindi , at sumoporta sakin.”

Pinasalamatan din niya ang umano’y mga “kasabwat” ng kanyang husband-to-be sa pagbuo ng special event na iyon.

“Thank you sa lahat ng kasabwat ni Julius, magaling po kayo naging meaningful ang gabi dahil sa inyo.”

Maraming celebrities ang bumati kay Hidilyn at Julius sa naging IG post niya na 

‘yon kabilang sina Ryan Agoncillo, sportscaster Dyan Castillejo, motivational speaker Brother Bo Sanchez, kapwa athlete na si Gretchen Ho, Bianca Gonzalez, Alex Gonzaga, Liz Uy, at marami pang iba.

Habang ang ilan sa mga ‘kapatid’ ni Hidilyn sa kanyang manager na si Noel Ferrer ay present sa mismong proposal tulad ng mag-asawang Iza Calzado at Ben Wintle,  Marco Alcaraz at Lara Quigaman, at Joross Gamboa.

Ang engagement ring na binigay ni Julius ay pinasadya nito sa Manila Diamond Studio. Kakaiba ito dahil naka-hubog barbell ito at naka-set sa gintong band, instead na nausong platinum.

Sa ipinost na video ni Noel Ferrer sa kanyang Instagram account, kinuwento ni Julius kung paano nabuo ang engagement ring.

Kapansin-pansin na kakaiba ang engagement ring na binigay niya kay Hidilyn dahil naka-pattern ito sa barbell mismo at may malaking diamond.

“Manila Diamond Studio helped me design this for her,” ani Julius sa video. “I told them to make it gold because she won gold.  And then, this is a barbell.”

Dugtong pa niya: “They engraved Tokyo 2020 inside of the ring. It’s custom made and they did a really great job. Actually, I don’t know how many carats it is but it looks kinda big.”

https://www.instagram.com/p/CVEsKOApIxW/

Sa IG post naman ng Manila Diamond Studio, sinabi nilang ang singsing na ipina-custom made ni Coach Julius ay inspired by Hidilyn’s “love, strength, and passion.”

“Philippines’ first olympic gold medalist, Hidalyn Diaz's engagement ring, was inspired by  @hidilyndiaz ’s love, strength and passion,” saad ng Manila Diamond Studio sa IG. “In collaboration with Coach  @imjulius, we brought life to what could only be the perfect ring for her. Another gold for our champ! ✨”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer)

Malaking karangalan daw para sa kanila ang maging bahagi ng love story ng magkasintahan.

Sa mismong video ng actual proposal, akala raw ni Hidilyn ay nagpa-prank lang ang boyfriend sa kanya. Madalas daw kasi itong uma-aktong luluhod sa kanya pero prank lang pala.

Kaya nang hingan ito ng message, sinabi niya na, “I thought it’s a prank because he always do that to me,” sabi niya.

Nang may magtanong kung ano raw ang pakiramdam nito, nagbiro ito na: “Ang haba ng hair ko.”

Pero comparable daw nag pakiramdam noong natanggap niya ang kanyang gold medal.

“Unexpected din ito at memorable,” kinililig na say ni Hidilyn.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer)

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.