Erich Gonzales, game na muling makatrabaho ang Thai actor na si Mario Maurer

PHOTOS: @erichgg & @mario_mm38 on Instagram

PHOTOS: @erichgg & @mario_mm38 on Instagram

Game daw si Erich Gonzales na magkaroon sila ng reunion project ng international Thai actor and model na si Mario Maurer

Natanong ang Kapamily actress tungkol sa possibility na ito during the digital media conference kahapon, June 16, para sa pagbibidahan n’yang teleserye na La Vida Lena.

Kung iisipin kasi ay matagal-tagal na nga din nang magsama ang Pinay and Thai actor sa pelikulang Suddenly It’s Magic under Star Cinema. 

K’wento pa ni Erich, hanggang sa ngayon daw ay may communication pa rin sila ni Mario kahit na 2012 pa silang nagka-trabaho.

“Kakakausap ko lang sa kanya kanina. Nagkumustahan kami,” sagot ng aktres sa press via Zoom. “I don’t know pero s’yempre open tayo, ‘di ba?

Masaya nga daw s’ya na hindi nawala ang pagkakaibigan nila ng Thai superstar kahit nine years ago pa nu’ng nagtambal sila sa isang movie. 

“Mario is a good friend,” she went on. “Nakakatuwa lang na kahit matagal na kaming nagkatrabaho du’n sa aming movie na ginawa sa Thailand at dito ay nandoon pa rin ang communication, ‘yong friendship hindi nawala.

Pagdidiin pa ni Erich, open s’ya sa posibilidad na muling makatrabaho ang aktor. 

“Game tayo d’yan. Game tayo for anything,”  aniya. 

Samantala, ipalalabas na ang much-awaited drama series La Vida Lena ni Erich kung saan tatlo ang kanyang leading man, sina Carlo Aquino, JC de Vera, at Kit Thompson

Mapapanood ito simula June 28, 10 pm, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.