Erich Gonzales, malapit nang maging misis

More than four years na ang relasyon nina Erich at Mateo na napanatili nilang pribado by not posting anything sa kanilang mga social media accounts.

Photos: @erichgg

More than four years na ang relasyon nina Erich at Mateo na napanatili nilang pribado by not posting anything sa kanilang mga social media accounts.

Akalain mo sa susunod na buwan na pala ikakasal ang aktres na si Erika Chryselle G. Gancayco—o mas kilala bilang si Erich Gonzales—sa businessman fiancé niyang si Mateo Rafael D. Lorenzo.

Ito ay base sa inilabas na marriage banns o announcement ng simbahan para sa dalawang taong magpapakasal.

Sa pagkakaalam namin ay sadyang ina-anunsyo ito ng simbahan para sa kaalaman ng mga nakakakilala sa dalawang taong ikakasal para kung sakaling may problema o may tututol ay malalaman agad.

Nag-viral kahapon, Pebrero 19, ang marriage banns nina Erich, 31, at Mateo, 29, na na-spot-an ng isang netizen. Doon ay nakalagay ang ilang mga detalye gaya ng takdang petsa ng kasal na sa Marso 23, 2022 at ang simbahang pagkakasalan, ang Saint James the Great Parish Alabang, Muntinlupa City. 

Walang nabalitaang marriage proposal na ginawa si Mateo kay Erich tulad sa ibang mga kilalang personalidad na ikinasal na o ikakasal palang. Marahil ay dahil sadyang pribadong tao ang mapapangasawa ng aktres. 

Matatandaang nabunyag ang relasyon nang dalawa noong nagso-shoot si Erich ng pelikulang Siargao taong 2017 kasama sina Jericho Rosales at Jasmine Curtis Smith

Si Kris Aquino, na malapit kay Erich at itinuturing niyang Ate, ang nambuking na may dumadalaw umano sa dalaga sa shooting sakay ng chopper. 

Taong 2018 naman nang pumutok na ang pagkakakilanlan ng boyfriend ni Erich dahil namataan na silang magkasama sa mga piling events at out of the country events kasama ang ilang Star Magic artists at handlers. Base na rin ito sa mga larawang pinost noon ng aktres sa kanyang Instagram account na ngayon ay deleted na lahat.

Sa madaling salita ay more than four years na ang relasyon nina Erich at Mateo na napanatili nilang pribado by not posting anything sa kanilang mga social media accounts. 

Pero ayon sa tsika, nasa food export business umano ang pamilya ng mapapangasaawa ni Erich at nagmamay-ari rin umano ng mga kilalang restaurant sa bansa. 

Mahilig din daw sa sports ang mapapangasawa ni Erich. Katunayan ay isa itong Polo player kaya madalas siyang napagkikita sa Manila Polo Club sa Makati City. 

Samantala, tanda namin na noong dumalo kami sa presscon ng seryeng The Blood Sisters na pinagbibidahan ng aktres ay tikom ang bibig niya tungkol sa non-showbiz boyfriend. 

Sa kasalukuyan ay walang paramdam si Erich tungkol sa balitang ito.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.