Erik Santos, inalala ang panahong na-reject siya noon sa GMA-7

Pinanghinaan daw ng loob noon si Erik Santos nang matanggal s’ya sa singing competition na Star in a Million pero pinalakas umano ni Boy Abunda ang kanyang loob, dahilan para makabalik s’ya through wild card round and eventually ay tanghaling grand winner.

SCREENSHOTS: Fast Talk With Boy Abunda FB

Pinanghinaan daw ng loob noon si Erik Santos nang matanggal s’ya sa singing competition na Star in a Million pero pinalakas umano ni Boy Abunda ang kanyang loob, dahilan para makabalik s’ya through wild card round and eventually ay tanghaling grand winner.

Bago pala sumikat ang singer at tinaguriang King of Pinoy Teleserye Theme Songs na si Erik Santos sa ABS-CBN, marami raw muna siyang naranasang rejections sa mga auditions.

Kabilang na umano rito ang pagkakabigo n’ya noon sa pa-audition ng GMA Network.

Iyan ang inilahad n’ya ngayong araw, February 22, sa programang Fast Talk With Boy Abunda kasama ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Kapwa kasi produkto ng reality talent competition  ang dalawa kung kaya’t natanong sila ng TV host na si Boy Abunda ukol sa mga auditions and rejections na pinagdaanan nila noon.

Dito naikuwento ni Erik na bago s’ya sumali sa Star in a Million ng ABS-CBN noong 2003, sinubukan daw muna n’yang mag-audition sa GMA-7. Unfortunatel ay nabigo raw s’ya.

“Lingid sa kaalaman po ng iba, marami rin po akong mga auditions na sinalihan. At isa sa mga unang auditions ko was here in GMA. ’Yon po ’yong hindi alam ng mga tao,” pagre-recall ng Kapamilya singer.

Hanggang ngayon nga raw ay natatandaan pa n’ya kung sino ang nag-reject sa kanya.

“Naaalala ko pa ’yong pangalan pero hindi ko na sasabihin,” natatawang sabi ni Erik.

Kung ano-ano raw ang pinagawa sa kanya that time pero sa huli ay hindi raw s’ya pinalad.

“Kumanta, umakting… Sa first call, tinawagan nila ako. Pero nu’ng mga sumunod na, hindi na po. Hahah! Okey lang. Tuloy lang,” aniya.

Mas sinuwerte naman daw s’ya sa Star in a Million dahil nakapasa siya bilang isa sa nga contestants. Pero hindi umano naging madali sa kanya ang lahat.

“S’ya’y natanggal. S’ya’y natalo,” kuwento ng former manager ni Erik at King of Talk na si Boy Abunda. “Third… Pang-ilan ba? Pang-apat [na linggo ka natanggal]?”

“Pangatlong linggo po,” sagot ni ASAP Natin 'To performer.

Pag-amin pa n’ya, umayaw na raw s’ya noong natanggal s’ya sa kompetisyon. Pinabalik kasi silang mga na-eliminate para sa isang wild card showdown pero bagsak na umano ang confidence niya that time.

“Actually, ayoko na pong sumali. Ikaw ’yong nagtutulak sa akin na, ‘Erik, isa na lang. Isang beses na lang. Pag hindi pa, sige, bahala ka na. Isa na lang.’ Si Tito Boy po talaga ’yong nag-motivate sa akin, nag-inspire to join again,’” pagre-recall ni Erik.

Paliwanag naman dito ng TV host, nakitaan daw n’ya ng potensyal at uniqueness ang singer.

“Iba ’yong tunog. Maaring nagtatanong ho kayo. When you handle an artist, kailangan may brand equity, e…kakaiba,” saad ni Tito Boy.

“Hindi tunog Martin [Nievera], hindi tunog Gary [Valenciano], hindi tunog Ariel [Rivera]. May tunog s’ya na kanya. And he’s very competitive in a good way,” he went on.

“Kaya nu’ng nag-wild card, s’ya ho ang nag-grand winner.”

Dagdag pa ng TV host, gusto raw n’yang balikan at mapag-usapan ito para magbigay inspirasyon sa mga patuloy na nangangarap pero pinanghihinaan ng loob dahil sa rejections.

“Why I’m talking about this? Dahil doon sa mga napaghihinaan ng loob, ito, this is the biggest testament na kaya,” ani Tito Boy.

Samatala, mapapanood sina Eric at Julie Anne sa kanilang upcoming concert entitled "Love Bound" sa darating na March 2 sa Newport Performing Arts Theater.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.