Ex ni Bradley Cooper, matindi ang hinala na nasungkit ni Lady Gaga ang dyowa niya?

PHOTOS: @bradleycooperist & @irinashayk

PHOTOS: @bradleycooperist & @irinashayk

Pagkatapos ng very public split nila Bradley Cooper at Irina Shayk noong nakaraang June 6, nag-post si Irina sa Instagram at makikita na hindi apektado ang trabaho niya bilang model sa nangyari sa kanila ng aktor.

Ayon sa post, nasa Skaftafell national park in Iceland si Irina for a photo shoot. The trip was provided by Italian cashmere and knitwear brand Falconeri.

Naka-focus daw ngayon sa work ang 33-year old model at very professional ito sa set kahit na aware ang mga nakapaligid sa kanya tungkol sa paghihiwalay nila ni Bradley.  

Pinost pa ni Ali Kavoussi, managing partner of her modeling agency, The Lions, and photographer Giampaolo Sgura ang selfie nila with Shayk in the same location.

“Seeing Iceland with my loves @irinashayk @giampaolosgura #iceland #irinashayk #giampaolosgura #friendsandfamily #bff thank you @falconeriofficial for such a beautiful trip," caption ni Kavoussi.

"Such a great Day with these T[wo] @irinashayk @alikavoussi," caption naman ni Sgura.

Apat na taong nagsama sina Bradley at Irina. May 2-year old daughter sila named Lea De Seine.

Noong umalis si Irina sa Pacific Palisades mansion nila ni Bradley, sinama nito ang kanilang anak at ngayon ay inaayos na nila ang custody agreement.

Ilang buwan na raw miserable si Irina sa pagsasama nila ni Bradley. Ginawa raw niyang tiisin ang kumplikadong relasyon dahil ayaw niyang maapektuhan ang anak nila.

Ayon sa report ng Us Weekly: "They haven’t been getting along for a while. They are not in a great place. They are miserable together. They have been for months. He doesn’t drink and is into spirituality. She wants to go out.”

Para hindi mag-speculate ang media na may problema sa pagsasama nila, nagagawa nilang ipakita na happy family sila. 

“Bradley spends every day with his family. Most days, Bradley and Irina take Lea out for activities together. Sometimes they just stroll on the beach. Bradley and Irina seem great... He has been all about his family," report ng Page Six.

Nabuntong ang sisi ng paghiwalay nila Bradley at Irina sa singer-actress na si Lady Gaga. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bradley Cooper đź’Ž (@bradleycooperist) on

Nagkasama sina Bradley at Gaga sa pelikulang A Star Is Born. Ang pagsama nila sa naturang pelikula ang naging simula ng problema sa relasyon nila Bradley at Irina.

Naghinala na raw si Irina na baka nga may nangyayari na sa dalawa dahil sa malagkit na tinginan ng dalawa habang inaawit nila ang song na "Shallow" sa gabi ng Academy Awards.

Noong gabing din iyon ay pinaalam ni Gaga na naghiwalay na sila ng kanyang fiancé na si Christian Carino.

Wala pang comment mula sa rep nila Cooper, Shayk at Lady Gaga in regards sa issue na ito.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Apelyido ni Brad Pitt, official nang tinanggal sa pangalan ni Angelina Jolie

Is Zac Efron dating olympic swimmer Sarah Bro?

Chris Hemsworth, iiwan muna ang Hollywood

  •  

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.