Ex ni Bradley Cooper, tinutulak ng Netizens makipagbalikan kay Cristiano Ronaldo

`PHOTOS: @bradleycooper__original, @irinashayk, @cristiano on IG

`PHOTOS: @bradleycooper__original, @irinashayk, @cristiano on IG

Sunud-sunod ang post ng model at ex-girlfriend ni Bradley Cooper na si Irina Shayk sa social media.

Gusto ipakita ni Irina na tuloy lang ang buhay niya kahit na nagtapos na ang four-year relationship nila ni Bradley.

Unang post ni Irina ay photo shoot niya sa Iceland para sa isang fashion brand. Ang latest post niya ay tinatawag ng ilang netizens na "celebratory photo" kunsaan kuha sa isang waterfall at suot ni Irina ay one-piece lingerie from Intimissimi kunsaan kitang-kita ang matambok niyang puwet. 

Nakakuha ng higit na 600,000 likes ang photo mula sa 12.1 million followers ni Irina sa IG.

Kabilang sa mga na-post na comments ay: "Bradley is crying somewhere", "Cant believe what Bradley Cooper did", "Gorgeous", "Stunning", "You're free" and "Girl get back with Ronaldo".

Bago nakarelasyon ni Irina si Bradley, naging boyfriend ni Irina ang Portuguese football superstar na si Cristiano Ronaldo noong 2010 hanggang 2015. Isa sa highest-paid athlete si Ronaldo na may net worth na $450 million. Si Ronaldo rin ang most-followed individual on Instagram with 169 million followers.

Nag-post din ng comment ang singer na si Miley Cyrus sa isang post ni Irina habang nakaupo ito sa mga batuhan. 

"Come over and swim lol 💦💦💦💦💦" She's just being Miley"

Sa latest news sa paghihiwalay nila ni Bradley, si Irina pala ang sumuko sa relasyon nila dahil matagal na raw siyang hindi masaya sa pagsasama nila ng aktor.

Ayon sa report ng People, ang tunay na karibal daw ni Irina ay ang hindi mabitawang mga trabaho ni Bradley.

"Irina truly had high hopes for their future together and felt once the baby was born they would find the time to marry but that never came to fruition.

"She wanted more from Bradley in every way. But she was unhappy and felt he spent too much time working.

"Recently, Irina decided enough is enough. She didn't feel she was getting the level of commitment she wanted and the endless fighting made their life unbearable. 

"They are very different people and once they realized it was the baby that was holding them together, it was time to call it quits."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ex ni Bradley Cooper, matindi ang hinala na nasungkit ni Lady Gaga ang dyowa niya?

Chris Hemsworth, iiwan muna ang Hollywood

Is Zac Efron dating olympic swimmer Sarah Bro?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.