Ex-PBB housemate Riza Santos na nagwaging Miss Global 2019 3rd runner-up sa Mexico, may himutok

PHOTO: @riza.official on Instagram

PHOTO: @riza.official on Instagram

Masalimuot ang naging katatapos lang na Miss Global pageant na ginanap sa Oaxaca, Mexico kung saan kalahok ang pambato ng Pilipinas na si Riza Santos. 

Pasok sa Top 5 ang Filipino-Canadian beauty queen laban sa 59 candidates mula sa iba't ibang panig ng mundo sa coronation night noong January 18 [January 19 sa Pilipinas]. 

Naputol sa kalagitnaan ang competition nang lakas-loob na magreklamo si Miss Colombia habang nasa stage. Ito ay hinggil sa diumano'y pandaraya at iregularidad ng pageant organizer. 

Matapos nito, naglabas na lang ang pageant organizer ng resulta ng mga nagwagi.

Ayon sa resulta, nanalong Miss Global 2019 titleholder ang kinatawan ng Czech Republic, at 1st runner-up naman si Miss Peru. Second runner-up ang pambato ng Brazil habang si Riza ay 3rd runner-up, at 4th runner-up ang kandidata ng Australia.

Sa Instagram story naglabas ng update at saloobin ang representative ng Pilipinas tungkol sa nangyaring gulo sa sinalihan nyang beauty pageant.

"The pageant was CUT SHORT tonight," pagliwanag ni Riza. "I made it to the Top 5 but there was no Q&A [question and answer portion] or final question given at all this evening."

Tanong pa ng Filipino-Canadian beauty queen: "No candidates had a chance to speak, so how can there be a ranking?"

Gayunpaman, nagpasalamat ang dalaga sa kanyang mga tagasuporta.

"I don't know what to say other than thanks to everyone who has supported me."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pageant Titas (@titasofpageantry) on

 

Maliban sa pagiging Miss Global Philippines 2019, una nang nagwagi si Riza Santos bilang Miss Earth Canada noong 2006. Kinuronahan din syang Miss World Canada noong 2011, at Miss Universe Canada noong 2013.

Naging Pinoy Big Brother [PBB] housemate din ang Canada-based beauty queen na si Riza sa celebrity edition Season 2, noong 2007, kung saan nanalo siya bilang runner-up sa big winner na Ruben Gonzaga.

Still, thank you for making us proud, Riza.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.