Exclusive: AJ Raval speaks up: “Never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego. Hindi po siya nagpunta sa Pampanga.”

In the end, hiling ni AJ Raval na sana ay malagpasan nina Barbie at Diego ang intrigang ito at sana rin daw ay matutunan nilang wag mapadala sa mga sabi-sabi. “Sana po maging okey si Barbie at saka si Diego. Wag po silang magpapadala sa mga sinasabi ng mga tao. Sana po maiintindihan nila na normal lang po sa industry namin, artista po kami, wag po sila masyadong magpadala sa mga tao.”

Photos: Vivamax / @diegoloyzaga

In the end, hiling ni AJ Raval na sana ay malagpasan nina Barbie at Diego ang intrigang ito at sana rin daw ay matutunan nilang wag mapadala sa mga sabi-sabi. “Sana po maging okey si Barbie at saka si Diego. Wag po silang magpapadala sa mga sinasabi ng mga tao. Sana po maiintindihan nila na normal lang po sa industry namin, artista po kami, wag po sila masyadong magpadala sa mga tao.”

Napanood daw ni AJ Raval ang November 28 interview ni Boy Abunda kay Barbie Imperial kung saan nakapagbitiw ng maaanghang na salita ang Kapamilya actress laban sa Viva actress.

Ito ay may kinalaman sa pagkakadawit ni AJ sa romansang Diego [Loyzaga] at Barbie dahil sa umano’y sabay silang niligawan ng binata at may puntong kahit girlfriend na nito si Barbie ay pumupunta pa umano ng Pampanga ang aktor para manuyo kay AJ.

Sa interview ni Barbie, hinamon niya si AJ na magsalita umano para pabulaanan ang mga issue. However, may dagdag itong paratang na tila umano ine-enjoy ni AJ ang mapagtsismisan tungkol sa boyfriend niya at may pruweba umano ito na magkaibigan sina AJ at Xian Gaza, ang self-proclaimed lalaking Marites (gossip), na siyang pinag-ugatan ng lahat ng isyu.

Haka-haka ni Barbie, si AJ ang mismong nagpi-feed umano ng mga impormasyon kay Xian.

[Barbie on her Boy Abunda interview: “And I heard, I have a proof na AJ and Xian Gaza are friends. She feeds him mga info na mga tsismis. So, sa akin, ‘Oh, gusto mo pala ’to (na pagtsismisan)?’”]

“Yes po, napanood ko,” pag-amin sa amin ni AJ sa Zoom, habang bumibiyahe siya pauwi ng Pampanga mula sa opisina ng Viva.

“Pinapanood po sa akin ng personal assistant ko kasi po wala na po akong update sa social media. Nag-detox po talaga ako ngayon kaya hindi ko po alam ’yong mga nangyayari. Tapos pinapanood lang sa akin ’yong video.”

Aniya, hindi naman daw siya nakaramdam ng galit kay Barbie sa mga paratang nito. Bagkus ay nagtaka lamang daw siya kung bakit siya ang pinagsasalita nito.

“Nu’ng oras po na ’yon parang nagtaka rin po ako saan po galing ’yong ganu’ng issue. Hindi naman din po ako nagalit. Parang wala lang po. Wala po akong reaction. Tapos parang gusto din po niya akong magsalita. Para saan po? Parang ganu’n. Alam naman po nilang dalawa na hindi totoo ’yon.”

At kaya din naman daw siya hindi nagsasalita ay dahil wala naman daw siyang dapat linawin.

“I think my peace of mind comes from the fact that I did nothing wrong.” 

Direktang tanong namin kay AJ: Kaibigan mo raw si Xian Gaza at theory ni Barbie, ikaw ang nagpi-feed ng mga tsismis sa controversial internet personality?

“Hindi ko po alam. Wala po akong idea sa’n po galing ’yon kasi ba’t naman ako magpi-feed kay Xian ng tungkol sa akin, e, di parang pinahamak ko po ’yong sarili ko?”

Once and for all, pinalinaw namin kay AJ kung nanligaw nga ba sa kanya si Diego at kung dumalaw nga ba ito sa kanya sa Pampanga.

“Si Diego po hindi po never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego. One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. Ayon lang po. 

Hindi po totoo na pumunta siya ng Pampanga. Last kita ko pa po sa kanya sa set pa ng Death of a Girlfriend. 

“Sa totoo lang, wala po akong contact sa kanila... kay Diego. Hindi po kami nag-uusap. Parang one year ago huling usap ko po kina Barbie at saka isang beses ko lang din po nakita si Barbie. Parang Hi, hello lang po. So, wala po talaga kaming connection.”

Pero ayon kay Barbie ay itinuring niyang kaibigan si AJ dahil naging bahagi sila ng same circle of friends. Kaya umano nadi-disappoint ito sa hindi nito paglilinis ng pangalan ni Diego.

“Ah hindi po kami close ni Barbie,” kaswal na bitaw ni AJ. “Parang hi, hello lang po talaga. Isang araw ko lang po siyang nakasama. Nu’ng isinama po ako sa event nilang magkakaibigan. Isang araw lang po.”

In the same Boy Abunda interview, sinabi din ni Barbie na may mga nakakarating umano sa kanyang mga salita mula kay AJ na nag-aakusang siya ang “naagawan” ni Barbie.

[Barbie on her Boy Abunda interview: “Before, may sinabi si AJ na ‘inagaw’ daw sa kanya. Naka-work n’ya, parang ganu’n. That time, kakatapos lang ng movie n’ya with Diego. So, ako ’yong nang-agaw?

“I sent it to Axel. Sabi ko, ‘Bakit ganito ’yong ex mo? Bakit s’ya ganito? Tinuring naman namin s’yang totoong kaibigan nang dinala mo s’ya sa amin.’

Marami kasi akong kaibigan at sinasabi nila lahat sa akin. Sa hinaba-haba ng sinasabi n’ya about me, or may mga blind item pa na halata namang kami ni Diego at s’ya. Ang tagal kong nanahimik.”]

“Parang hindi naman po,” sagot naman ni AJ. “Wala naman akong nakuk’wentong ganu’n kasi unang-una po hindi naman po totoo na nanliligaw sa akin si Diego at saka hindi po talaga... ever since naging sila, hindi ko na po sila nakausap na dalawa. Wala po kaming connections, wala po kaming contact.”

Up to now ay hindi alam ni AJ kung bakit siya patuloy na pinupuntirya ni Xian Gaza na umabot na nga sa puntong tila sa kanya na nagagalit si Barbie.

“Hindi ko po rin alam. Hindi ko rin po alam hinahayaan ko na lang po ’yong Xian Gaza kasi content niya po ’yon, e. Wala po tayong magagawa. Trabaho niya pong manira ng tao dahil trabaho siya pong gumawa ng k’wento. Wala po tayong magagawa. Hahayaan ko na lang din po.”

Kanino siya mas na-offend, kay Xian o kay Barbie?

“Wala po. Hindi naman po ako na-offend. Wala lang po. For me po kasi nakakatawa siya... saan po galing ’yong k’wento na ’yon, saan po galing ’yong istorya na ’yon. Nakakatawa po. Bigla nalang may ganu’n ka na k’wento. Hindi naman po totoo.”

Kay Barbie naman daw ay mas pang-unawa ang pina-iral niya.

“Pero kay Barbie naiintindihan ko naman si Barbie kung saan po siya nanggagaling. Nadadala lang po siya ng emotion niya dahil po sa mga fans, sa mga sinasabi ng fans. Naiintindihan ko po siya kasi nanggaling po ako diyan. Na-provoke po ako ng mga tao kahit na wala naman pong ginagawang masama sa akin ’yong babae. Na-provoke lang po talaga ako ng mga tao. So, naiintindihan ko po siya.

And she’s even wishing Barbie and Diego well.

“Sana po maging okey po sila ni Diego. Sana po wag na po nila akong idamay kasi po unang-una, sila po ’yong magkarelasyon. Hindi po ako kasali są relationship nila. Kaya dapat ayusin po nilang dalawa ’yon kasi wala naman po talaga ako sa relasyon nila. Hindi po ako kasali.”

Kinuha na rin namin ang pagkakataon para itanong kung ang “her man” meme ba na ipinost niya matapos ang Boy Abunda interview ni Barbie ay siyang pansagot niya nga kay Barbie at that time?

“Ano lang po ’yon for fun lang po,” natatawang say niya. “Kasi natawa lang po ako. Hindi lang naman po si Barbie ’yong nagagalit sa akin na babae ngayon. Iba-ibang babae. So, pinost ko po ’yon. Hindi naman po diretso sa kanya. Lahat po ng ganitong sitwasyon na nagagalit sa akin ’yong mga babae. Ang dami po talaga. Ang dami pong galit na galit sa akin kaya po pinpost ko po ’yon.” 

Did she take offense noong ginamit ni Barbie ang salitang “kabit” sa kanyang interview pertaining to her. Ayon kasi kay Barbie, ang hindi niya paglilinaw ng issue is tantamount to her enjoying the third-party status.

[Barbie on her Boy Abunda interview: Nagulat lang ako na ang daming nangyayari na, ‘Okey, gusto mo maging kabit? E, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko. Alam mo na may ganu’n na lumalabas na issue. Bakit ikaw ang hindi mismo magpatahimik at alam mo naman na hindi ka naman gusto ng boyfriend ko? Ang tagal ko nang nananahimik. Ang boyfriend ko na ’yong kawawa, pinagbibintangan na nagtsi-cheat sa akin. Hindi naman nagtsi-cheat si Diego sa akin.”]

“Kabit po? Hindi naman po kasi natawa lang po ako promise,” sagot ni AJ. “Kasi kapag parang ano na po, e, sunod sunod na po ’yong issue ko ngayon...Walang totoo, sa totoo lang po. Hindi po totoo. Parang natatawa na lang po ako sa kanila. Ako, nagiging mabuti po akong tao nagpo-focus po ako sa trabaho, wala po akong ginagawang masama. 

“Hindi ko po alam. Masyado po akong pinag-iinitan ngayon ng mga tao.”

In the end, hiling niya ay malagpasan nina Barbie at Diego ang intrigang ito at sana raw ay matutunan nilang wag mapadala sa sabi-sabi. 

“Pero sana po maging okey si Barbie at saka si Diego. Wag po silang magpapadala sa mga sinasabi ng mga tao. Sana po maiintindihan nila na normal lang po sa industry namin, artista po kami, wag po sila masyadong magpadala sa mga tao.” 

Dagdag pa niya: “Sa totoo lang po, honestly, isa ako sa mga parang... diba po pag nakikita natin silang dalawang magkasama sa picture, nakakatuwa po silang tignan? Isa po ako sa natuwa nu’ng nakita ko silang dalawa. At saka alam naman po nila ’yon... hindi totoo ’yong issue.” 

Tingin ba ni AJ ay sikat na siya kung kaya’t nagiging sentro na siya ng mga intriga?

“Ngayon po medyo po nare-realize ko... at first, nasasaktan ako sa mga sinasabi ng mga tao. Pero ngayon po, nari-realize ko po, ‘Ganu’n na po ba ako kasikat para pag usapan ng maraming tao?’ Ngayon ko lang po siya na-realize nu’ng may mga isyu na po na kumakalat.”

Tila nasasanay na raw tuloy siyang makaladkad sa mga isyu.

“Yes po. Lagi na lang po. Hindi ko po alam na ganu’n na po ka-big deal ’yong buhay ko sa ibang tao. Parang sa mga nakakasama ko po lagi na lang may issue. Pero nasanay na rin po ako. Pinayuhan na rin po ako ng tatay ko. Niyakap niya po ako parang siya na rin po nagsabi sa akin na masanay na po ako na ganyan ’yong industry na pinasok ko.” 

We took the chance na rin to ask about Aljur Abrenica. Kung hindi ba nag-work out ang panunuyo nito? O kung dinesisyunan ba niyang wag nalang ituloy kung may nasimulan man dahil sa mga gulong nilikha ng pagkaka-link niya dito?

“Si Aljur po, wala naman po kaming relasyon ni Aljur. Never naman po naming sinabi na may relasyon kami ni AJ at nag uusap lang naman po kami. Wala po kaming relasyon. Sarado na rin naman po ’yon. Nasabi na rin po nilang dalawa ’yong mga gusto nilang sabihin.

“Sa akin naman po, parang lesson na lang po ’yong nangyari. Marami po akong realization. Also, I think it’s part of the process of growing in showbiz. Sa nangyari po na ’yon mas naging responsible po ako sa mga sini-share at pino-post ko dahil hindi po lahat maiintindihan or pipiliin unawain ’yong sitwasyon ng iba. 

“Sa ngayon, parang pareho po kaming may dapat may i-prioritize, may mga problem na dapat unahin... inuuna po namin ’yong mga bagay na yan.”

 

THE BACK STORY

November 16 nang mag-post ang controversial internet personality na si Xian Gaza ng blind item, sa kanyang Facebook page tungkol sa pagbi-break ng isang influencer couple dahil umano nabisto ng babae na may third party pala sa relasyon nila in the form of a Star Magic actress. 

Kasunod noon ay nag-post siya ng status na “Goodnight, maliban kay Barbie Imperial.” Tila patibong na clue ito at kasunod nga noon ay si Barbie na ang pinagsuspetsahan ng netizens as the third party.

Sa kanyang Facebook Live noong November 17, naghugas-kamay si Xian at sinabing  mga netizens lang umano ang nag-speculate kung sino ang mga taong involved at sila na rin ang naglapag ng mga pangalan.

However, aminado din siyang gusto niya talagang palutangin ang pangalan ni Barbie bilang ganti sa umano ay pang-aasar nito sa kanya noong 2020 kung kailan tinawag siya nitong “scammer” sa isang vlog.

Inasar n’ya kasi ako last year, way back May 2020. Meron s’yang vlog at inasar n’ya ako sa vlog n’ya. Bumawi lang ako. Bakit ba?

Pero kalaunan ay lumabas ang totoo niyang motibo—na hindi tungkol sa dalawang influencers na nag-break ang mismong pasabog n’ya at wala din daw doong kinalaman si Barbie.

Foreshadowing lang ang tungkol sa influencer couple at ginamit lang niyang “pain” si Barbie para mapag-reak si Diego Loyzaga na siyang tunay na subject na gusto niyang i-exposé umano.

“The reason behind my status is, it’s just a mere bait. Pain ko lang ito kasi alam ko dedepensahan at magrereak ’yong kanyang d’yowa. Magbibida-bida, magmamalinis, knight in shining armor, boyfriend here… I know, alam ko ’yan,” tila nanunuyang lahad ni Xian ukol kay Diego.

Alam ko pag ginawa ko ’tong status na ’to kakagat ’yong d’yowa n’ya, dedepensa, magpi-feeling hero. Ipapakita n’ya na they’re so strong, he’s a loyal boyfriend. Alam ko ’yan.

At napag-react nga niya si Diego, who posted on social media on November 17 and dismissed the issue as just mere “noise.”

“Dont get caught up in all that noise. Its just noise. My baby gurl and I are chilllin. So sit back, relax, enjoy life,” pahayag ni Diego sa Instagram.

At ang reaksyon na ito ni Diego ang siya talagang hinihintay ni Xian. Kumagat sa pain niya, kumbaga. And this gave him the reason para maka-sagot, and thus, his FB Live “expose,” kung saan niya sinabing totoo daw ang patutsadang post n’ya tungkol sa umano’y pagpunta ni Diego sa bahay nina "https://pikapika.ph/pikadaily/aj-raval-sumilip-sa-social-media-para-lang-ibida-ang-new-hairstyle-niya" AJ Raval sa Pampanga. 

“Kaya ’yong post ko [tungkol] sa boyfriend n’ya na bumibisita sa Pampanga habang naghihintay si aktres sa Manila, it’s 100 percent real. It’s not tsismis.

Habang magd’yowa sila pumupunta-punta ’tong boyfriend n’ya sa Pampanga para bisitahin ang another actress. Ano kayang ginagawa nila du’n, ’no? Ay, my god! Nakakaloka, mars.

Hindi pa doon natapos si Xian kay Diego dahil by November 18, sinundan pa niya ng paratang na umamo’y nagka-pisikalan ang magkasintahang Diego at Barbie dahil sa mga issue habang naka-check in sa isang hotel sa Tagaytay resulting in damages sa loob ng kanilang kuwarto.

 

DIEGO ASSURES HE AND BARBIE ARE OKAY AND HAPPY

Kahapon, December 3, sa second virtual press conference ng Dulo, ang pelikulang pinagbibidahan ng magkasintahang Diego at Barbie, nagpa-una nang makiusap si Diego sa press na ituon nalang umano ang mga tanong tungkol sa pelikula. Ipagpaumanhin daw na hindi sila magsasalita ni Barbie tungkol sa anumang issue.

In-assure din niya ang lahat na hindi apektado ng mga issue ang kanilang relasyon and that they are “very happy.”

“Ako na ang magsasalita on behalf of the both of us, okay? Barbie doesn’t have to say anything at all. So to all the press today, unang-una gusto kong magpasalamat again, once again, for giving us the time of your day to spend with us, to promote our movie.

“I know it’s inevitable that somewhere down the line of this interview, someone’s gonna ask certain questions, I want to be the one na mauna na and talk about it briefly... all I want to say nga po is today we are here to promote and talk about our movie and I want it to stay that way. Tungkol lang sa movie. Everything about the movie.

“Now, if other people are mentioned or if other questions mention other people who aren’t part of this project, this Zoom, this meeting, wala akong kailangan sabihin tungkol doon... kaming dalawa, wala na kaming kailangan sabihin tungkol doon.

“And hindi rin kami...kaming dalawa ni Barbie, ’yong tipo ng tao na hindi kailangan manira ng ibang tao, magsalita tungkol sa ibang tao para malinis ’yong pangalan namin because there is nothing that we need to clean in the first place. And I wanna leave it like that.

“I want this to be a positive experience and I want this to be a positive presscon and good vibes lang. Happy kami, happy kami, okey? So, please do not... let’s not entertain anything else. Let’s leave it like that.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.