Exclusive: Daryl Ong, game at excited maging judge detective sakaling magka-Season 2 ang Masked Singer Pilipinas

PHOTOS: Viva Records & @iamdarylong on Instagram

PHOTOS: Viva Records & @iamdarylong on Instagram

Hindi daw inakala ng singer-songwriter na si Daryl Ong na s’ya ang tatanghaling grand champion sa talent competition produced by Viva na Masked Singer Pilipinas

Last December 26 nagwagi sa kompetisyon ang R&B singer na ngayon isa na ring Viva Records artist. 

At kahapon nga, January 6, exclusive na nakatsikahan ng pikapika.ph si Daryl via Zoom kung saan binalikan n’ya ang kanyang pagkapanalo. 

Grabe, grabe ‘yong experience na ‘yon,” pagbabalik-tanaw ng 33-year-old singer. “Sobra ‘yong excitement, and at the same time, kaba kasi sobrang curious kami kung makikilala kami ng mga judge detectives. At the same time, medyo challenging talaga ding mag-perform ng naka-costume.”

Sa competition kasi, si Daryl ay si 2-2-B na nakasuot ng mascot na inspired from tutubi o dragonfly. Kaya maging silang mga participants, na may kanya-kanyang costume, ay walang idea kung sino ang makakalaban nila. 

Gayunpaman, una daw n’yang nakilala ang malapit na kaibigan at fellow singer na si Katrina Velarde, na nagbibihis as Diwata naman. Si Katrina ang nag-first runner-up noong grand finals.

Sa competition, ang una kong nakilala si Diwata kasi lagi kaming nagko-collab, e, si Katrina Velarde.

“So, no’ng nagkarinigan sa rehearsal, message [s’ya] agad, ‘Uy, Cap, ikaw ‘yon, no?’ Ako rin, kilala ko s’ya agad so nakakatawa. 

Pagpapatuloy pa n’ya: “May time sa dressing room… magkatabi ‘yong dressing room namin tapos parang tela lang ‘yong divider. So, nagkakatawanan kami kasi alam namin kung sino ang isat-isa.

Pero maliban doon ay clueless daw sila sa iba pang mga kasali dahil mahigpit din ang production team.

Wala, wala,” sey ni Daryl. “Nu’ng na-unmask na, doon lang namin [nalaman], ‘Uy, si ano pala yon...S’ya pala ‘yon.’

“Although, s’yempre, medyo parang may mga hint kami dahil naririnig namin ‘yong boses tapos meron talagang boses na very distinct like ‘yong kay Sir Renz Verano, Sir Joey G Pareho silang parang nu’ng narinig namin, sabi ko, ‘Uy, parang si Sir Renz Verano.’ Tapos nu’ng na-unmask, s’ya nga.

Tuwing may naa-unmask na kahalok ay nape-pressure daw s’ya lalo dahil nare-realize n’ya na mga bigatin din at talagang hitmakers ang mga nakakalaban niya. 

Sobra,” pag-amin ng digital animator-turned-singer. “Actually, ano nga, e, nu’ng na- unmask ‘yong [iba]… kasi nandoon din pala si Nina, si Sir Joey G, si Sir Renz Verano, si Sir Wency CornejoSabi ko, ‘Grabe. Puro mga senior, mga well-established.’

’Wag naman senior,” natatawang bawi niya. “Baka sabihin nila sinabi ko...Very well-established na mga artists. So, sabi ko, ‘Shocks. Parang grabe na sin’werte ako na nakasama ako sa Season 1 ng Masked Singer Pilipinas.

At saka ano, even before, napapanood ko rin ‘yong sa States, e. Tapos kasali si Chaka Khan… Kasali si Patti LaBelle, ‘yong mga recently. Si Tori Kelly kasali din. 

"So, nu’ng na-invite kami sa Masked Singer [Pilipinas], sabi ko talaga sa sarili ko, ‘Game ako dito kasi sa States nga, ‘yong mga sumasali mga well-established na mga artists, matitindi talagang artists.”

Ikinatuwa din daw n’ya pinayagan silang makapili ng kanta na gusto nilang i-perform. 

“Actually, tuwang-tuwa nga ako kasi in-allow kami ng prod na magbigay talaga ng list ng songs na mga pagpipilian na gusto namin.

Kaya naman ilan sa mga kinanta ni Daryl ay ang mga songs na nagawan na rin n’ya ng cover before. 

Oo nga e, kind of giveaway nga e,” aniya. Pero ‘yong ‘Nearness of You’ at saka ‘yong ‘Kiss From a Rose’ bihira ko s’yang kantahin. Kaya lang, recently, nakakanta ko din s’ya sa mga online streaming platforms. 

"Kaya nu’ng may mga followers ako na nakilala agad kung sino si 2-2-B—character ko kasi si 2-2-B—natatawa na lang ako. Hindi ako makapag-react kasi bawal namin sabihin na kasali kami.

Sa sobrang happy ni Daryl sa kanyang pagkaka-panalo, willing daw siyang siya naman ang umupo as one of the judge detectives sakaling magkaroon ng Season 2.

Ay, masaya ‘yon. Sana nga. Gusto ko ‘yon. Challenging,” excited na tugon ng Masked Singer Pilipinas Season 1 grand champion. 

Bigla akong kinabahan,” bawi niya. “Kung mangyayari man ‘yon, bigla akong magre-research ngayon. Makikinig ako nang sobrang daming Filipino artists para… At saka alam ko sa States, ano, e, hindi lang limited sa professional singers ‘yong mga kasali. May mga kasali na NBA players, may kasali na TV host...

“So, mas mahirap, mas diverse at may mga kasali na you wouldn’t really expect na, ‘Uy, ang galing pala. Ganito pala ang boses n’ya.’ So, feeling ko baka ganyan ang gawin sa Season 2,” sey pa ni Daryl. 

Hindi naman malayong mangyari ito lalo pa’t nasa Viva na ngayon ang talented singer-songwriter.

PANOORIN ang kabuuan ng exclusive interview namin kay Daryl Ong dito:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Daryl Ong is now a proud owner of a YouTube Gold Play Button plaque!

Daryl Ong’s anti-rally sentiments, umani ng batikos

Daryl Ong: “Hindi po ako ang umalis sa ABS [CBN]. Tinanggal po ako.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.