EXCLUSIVE: Lovi Poe on her rumoured British boyfriend: “We have an understanding.”

Bagama’t aminadong she’s “going out” with Montgomery Blencowe, malayo pa raw ang kasal sa mga plano ni Lovi Poe sa ngayon.

Photos: @lovipoe

Bagama’t aminadong she’s “going out” with Montgomery Blencowe, malayo pa raw ang kasal sa mga plano ni Lovi Poe sa ngayon.

Nasa Pilipinas kasalukuyan ang rumored boyfriend ni Lovi Poe na si Montgomery Blencowe—who is listed in the online movie database site iMDb na someone who “has worked as an Executive Producer, known for his work on The Prince (2014), Heist (2015) and Marauders (2016), and Escape Plan II (2018)”—at inamin ni Lovi sa pikapika.ph na ipinasyal niya ang guwapong Briton sa magaganda nating isla.

Sandali pero ekslusibong nakapanayam ng pikapika.ph si Lovi tungkol kay Monty. At ito ay pagkatapos ng story conference niya sa opisina ng Viva Films. Ang storycon ay para sa sexy-drama movie na may tentative title na In Between Goodbyes na sinulat ni Ricky Lee at ididirek ni Joel Lamangan, kung saan leading men niya ang mga mga hottie actors na sina Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik tanungin si Lovi tungkol sa estado ng relasyon nila ni Monty. At ayon kay Lovi, hindi naman niya maitatangging “there’s something special” na namamagitan sa kanila.

“Status? Right now I guess we’re just taking things as its comes,” nakangiting simula ni Lovi. “Or I guess, we’re in that stage wherein...of course there’s something special there but of course we just want to keep it private and all that...”

Kahit matipid mag-post si Lovi tungkol kay Monty sa social media ay agad pa ring napi-pick up ito nang naka-tutok na press. At isa sa hindi naka-ligtas ay ang IG story post niya tungkol sa pages-celebrate na birthday ni Monty sa Boracay kasama niya last August 14.

“Yeah, I mean he’s actually visiting now the Philippines and I did visit England as well,” tsika ni Lovi. “So, yeah we’ve been seeing a lot of each other. Although back to work siya and back to work din ako soon. So, we still have our priorities. But yeah, we have this certain understanding I guess.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe) on

Ayon kay Lovi, sa Los Angeles niya nakilala si Monty and they were introduced by a common friend. Matatandaang six months nagbakasyon doon ang aktres—while attending acting workshops in between—habang si Monty naman ay based doon.

At kahit pa tila into movie production si Monty, ang totoong job daw nito, according to Lovi, ay “scientist.” Maliban doon, wala na masyadong detalyeng sinabi sa amin si Lovi. For his part, may idea naman daw ito na artista siya sa Pilipinas at mas nagka-idea na raw ito sa buhay niya dito dahil nga first-hand na niya itong nasaksihan dahil sa pagbisita sa kanya.

“Alam naman po niya kasi since nag-visit siya dito...so, alam na niya so far ’yong kung pa’no ’yong mundo ko dito at kung pa’no ang Pilipinas. So, masaya naman siya at nagustuhan niya ’yong ating bansa, ating country...nagandahan siya sa mga islands natin. S’yempre binigyan ko siya ng tour around.”

(Besides Boracay, she also took him to Pearl Farm in Davao.)

Bilang pang-huli, tinukso namin si Lovi kung hindi pa ba siya tinatawag ng altar, bilang halos ang mga kapanabayan niya ay isa-isa nang nag-walk down the aisle. Natawa lang ang morena beauty.

“Ako, no pressure pa rin. I’m just focus pa rin sa trabaho. Nothing’s changed... how I was when I started, still the same. So, ’yon po. . . hahaha!”

February this year nang unang masilayan sa Instagram account ni Lovi si Monty, sa mga group posts niya na kuha sa LA at Las Vegas. Last June, bumisita si Lovi sa United Kingdom and she and Monty, along with friends, attended the prestigiuos Royal Ascot, said to be the world’s finest racehorse competition. On her Instagram, Lovi introduced Monty then as her “hat date.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

LOOK: Did actress Lovi Poe just introduce her new beau?

Lovi Poe washes her dishes and does her own laundry

Lovi Poe and Chris Johnson spark breakup rumors

Jolo, gagawa ng movie with his ex-gf Lovi Poe next year

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.