Exclusive: Lyca Gairanod, kinulit daw ni Coach Sarah (Geronimo) para mag-Viva na; wala daw sama ng loob sa ABS-CBN

PHOTOS: Melo Balingit

PHOTOS: Melo Balingit

Si Sarah Geronimo pala ang naging dahilan para magpa-manage sa Viva Artist Agency at pumirma ng kontrata sa Viva ang young singer-actress na si Lyca Gairanod. 

Ito ang ikinuwento ng  2014 “The Voice Kids” champion sa pikapika.ph matapos s'yang pormal na pumirma ng management contract sa VAA kahapon, November 25.

"Si coach [Sarah] po talaga," sey ni Lyca. "'Di ba po dito po s'ya sa Viva? So parang inanuhan n'ya po... kung gusto ko daw po mag-Viva para daw po magkasama kami."

Tinanggap naman daw n'ya ang invite ni Coach Sarah—na nagte-text daw sa kanya every now and then para mangumusta—for career change and new opportunities. 

"So, tinry ko din po itong Viva para po sa career ko...panibagong career rin po," dagdag-kwento ng dalagita, who just tuned 16.

K’wento pa n'ya, medyo nawala daw s'ya sa TV nu'ng mga nakaraang taon dahil tutok daw s'ya sa kanyang studies. Pero na-realize umano niyang kaya naman niyang pagsabayin.

"Parang gusto ko pong bumawi...gusto ko din po talaga ng panibagong....Gusto ko rin po makasama si Ate Sarah sa mga shows.

At super close pa rin pala ang dalawa kahit ilang taon na mula ng magkasama sila sa The Voice Kids. 

"Nagte-text po kaming dalawa," paglalahad pa ni Lyca.  "Tapos sabi n'ya po sa 'kin, kung okay na daw po [daw po sakin lumipat], kung kailan daw po ako magbi-Viva... Lagi n'ya po akong nire-remind. So, parang s'ya rin po nag-pursue sa 'kin na kung p'wede magkasama kaming dalawa para magkasama kami sa [mga shows]."

When asked kung feeling ba niya ay napabayaan siya ng ABS-CBN kaya siya nawala sa TV, unlike ang mga kasabayan niyang sina Darren Espanto at JK Labajo, ay hindi naman daw. 

“Hindi naman po, wala naman po, wala naman po kasi pina-ano rin naman po ako nila, pinapili nila kung ano po yung gusto ko...kung mag-aaral daw po muna ako,” paglilinaw ni Lyca. “Sabi ko po, mag-aaral po muna ako kasi alam naman po natin na hindi pang matagalan career...so syempre pag-aaral po, napaka-importante—pero napaka-importante rin po sakin ng career kasi yung career na po to yung yung bumubuhay sa pamilya ko.”

Having said that, wala daw siyang tampo sa ABS-CBN. Siya daw asng may desisyon na mag-lie low at mag-aral dahil ito yong hindi niya naranasan noong nangangalakal palang siya ng basura bago siya nasali sa The Voice Kids.

Sa ngayon ay nasa 8th Grade na si Lyca, or equivalent ng second year high school, sa kanyang pag-aaral na tuloy-tuloy pa tin daw online. Aware daw siya na hindi ganoon ka-stable ang buhay sa showbiz kaya’t pipilitin niyang makatapos. Ang bongga ang mga choices niya ng profession, huh! Doctor, lawyer or engineer lang naman— with singing ang acting on the side.

Ngayong nasa bakuran na s'ya ng Viva, abangan daw ang mga magiging pasabog n'ya, at isa siguro dito ay ang possible collab nila ng kanyang Ate/Coach Sarah. 

Pero ang balita namin, ang kick-off project niya sa Viva is a collab single with one of 2020’s biggest breakout bands, ang Bandang Lapis (ang grupo behind the viral hit, “Kabilang Buhay”).

Exciting yon.

"Sa ngayon po, abangan na lang po natin...abangan po natin yung mga talagang gagawin sa 'kin ng Viva," pagtatapos ni Lyca.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.